Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG MAYO 8-14
10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na ialok ang kasalukuyang mga magasin sa Sabadong ito.
15 min: “Tulungan ang mga Tapat-Puso na Tumakas Mula sa Babilonyang Dakila.” Tanong-sagot na pagtalakay ng tagapangasiwa sa paglilingkod.
20 min: Tulungan Kapuwa ang mga Baguhan at mga di-Aktibo. Tatalakayin ng matanda ang pangangailangan na tulungan ang mga di-aktibo at iba pa na nangangailangan ng pampatibay-loob. Itampok ang pangangailangan na ang lahat ay makipagtulungan nang lubusan sa pagpapatibay-loob sa iba. (Heb. 6:1-3) Kailangan ito sa ating pakikibahagi nang ‘lubusan sa pagganap ng ating ministeryo.’ (2 Tim. 4:5) Ipakita kung papaanong ibibigay ang tulong sa pamamagitan ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Tingnan ang Index upang makita ang mga praktikal na mungkahi na kapit sa lokal na paraan.
Awit 20 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MAYO 15-21
10 min: Mainit na pagtanggap sa pulong. Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Magkomento sa maikli hinggil sa mga kasalukuyang magasing iaalok sa Sabadong ito.
20 min: “Gamitin Nang Lubusan ang Ating mga Pananggalang.” Tanong-sagot na pagtalakay sa materyal taglay ang pagdiriin kung papaano ito ikakapit sa lokal na kongregasyon.
15 min: Lubusang Makipagtulungan sa Kaayusan ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Pahayag ng kuwalipikadong konduktor sa pag-aaral. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa pag-aaral at paglilingkod sa larangan at tangkilikin ang grupo sa mga atas nito gaya ng paglilinis at pangangalaga sa Kingdom Hall. Magbigay ng angkop na komendasyon at payo ayon sa lokal na mga kalagayan.
Awit 12 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MAYO 22-28
10 min: lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Itanghal ang dalawang angkop na maikling pagtatanghal sa magasin na maaaring gamitin ng mga mamamahayag sa Sabadong ito.
15 min: Pagpapatibay sa Ating Pananampalataya. Talakayin sa tagapakinig ang pambuong daigdig na pagsulong at mga karanasan sa 1989 Yearbook na partikular na magpapatibay sa pananampalataya ng lokal na kongregasyon. Tingnan ang mga pahina 11-13, 42-3, 47, 49, 52-3, 82-3, 121-2, 127-9 bilang mungkahi, bagaman ang iba pa na hindi nagamit sa Pulong Ukol sa Paglilingkod nang nakaraan ay maaaring gamitin.
20 min: “Panumbalikin ang Sigasig sa Pamamagitan ng Pagkakapit ng mga Mungkahi sa Bantayan.” Tanong-sagot na pagtalakay. Sa pagtalakay sa mga parapo 4-6, repasuhin ang mga mungkahi na ibinigay sa mga pahina 16-20 ng Hulyo 15, 1988, Bantayan. Pumili ng isa o dalawa sa mga binanggit sa artikulo ng Bantayan na makatutulong sa inyong lokal na teritoryo. Itanghal ang pagkakapit ng isang mungkahing ibinigay sa magasin.
Awit 64 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MAYO 29–HUNYO 4
10 min: Lokal na mga patalastas. Itanghal ang isang maikling presentasyon ng kasalukuyang magasin na iaalok sa linggong ito. Magpasigla ukol sa pakikibahagi sa larangan sa dulong sanlinggong ito.
23 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Bagong Alok.” Tanong-sagot na pagtalakay. Basahin ang mga parapo hangga’t ipinahihintulot ng panahon. Itampok ang isang pagtatanghal sa mga parapo 5 at 6. Gamitin ang mga mamamahayag na naghandang mabuti upang gumawa ng maliwanag at payak na mga presentasyon.
12 min: “Ang Pagiging Ordinadong Ministro—sa Paraan ng Diyos!” mula sa Bantayan ng Hunyo 15, 1988, mga pahina 28-31.
Awit 196 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HUNYO 5-11
10 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin sa tagapakinig ang maikling presentasyon ng kasalukuyang iniaalok na magasin. Itampok ang mga artikulo sa bawa’t isyu na nagugustuhan sa lokal.
20 min: Papaano Tayo Higit na Magiging Mabunga? Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin sa kongregasyon ang mga paraan na doo’y maaaring makabahagi ang lahat sa iba’t ibang larangan ng paglilingkod na maaaring nangangailangan ng pansin. Ang impormasyon ay maaaring saliksikin sa pamamagitan ng paggamit sa Index sa ilalim ng “FIELD MINISTRY.” Magbigay ng praktikal na mga mungkahi sa tagapakinig. Isa o tatlong maiikling pagtatanghal ang maaaring gamitin upang ipakita ang puntong tinatalakay.
15 min: Lokal na mga pangangailangan. O pahayag na “Pinakamahalaga ba ang Sariling Opinyon Mo?” sa Bantayan, Pebrero 15, 1989, mga pahina 18-20.
Awit 193 at pansarang panalangin.