Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Mayo: Isang taóng suskripsiyon sa Ang Bantayan sa ₱60.00. Hunyo: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱42.00. Hulyo at Agosto: Ang brochure na Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso sa ₱4.20.
● Magpapadala kami kasama ng inyong statement sa Abril ng isang “Special Order Blank for Forms.” Pakisuyong alamin ang inyong suplay ng mga porma at pagkatapos ay ipadala kaagad ang inyong pidido hangga’t maaari. Ang lahat ng mga pidido para sa porma ay kailangang matanggap sa tanggapang pansangay sa Agosto 31, 1989. Ang halaga ng mga porma ay sisingilin sa inyong kuwenta ng literatura. Tiyaking ipadala ang remittance mula sa pondo ng inyong kongregasyon upang mapagtakpan ang halaga ng mga pormang ito kapag ang halaga nito ay lumitaw na sa inyong buwanang statement. Mahalaga: Tiyaking ang inyong pidido para sa lapel cards ng pandistritong kombensiyon ay kalakip sa inyong pidido ng porma upang ang mga ito ay maipadala sa inyo kapag naimprenta na.
● Kapag pinupunan ninyo ang porma para sa pidido, tiyaking pumidido ng Medical Document at Children’s Identity cards. Tandaan na ang Medical Document ay dapat na laging napapanahon sa pamamagitan ng pagbabago nito bawa’t taon. Gayundin, ang mga bagong bautisado ay kailangang magkaroon nito upang kanilang madala.
● Ang kuwenta ng kongregasyon ay dapat na i-audit sa Hunyo 1 o karakaraka hangga’t maaari pagkatapos nito ng punong tagapangasiwa o ng sinumang atasan niya.
● Inyong mapapansin sa ibaba na ang Kingdom Melodies Blg. 1 ay ipinatatalastas na maaari nang makuha. Ito ay isang cassette na lubusang nirebisa at hindi tulad ng orihinal. Ang cassette na ito ay naglalaman ng mga awit sa 1984 songbook lamang at ini-rekord ng orkestra ng Samahan na ginamitan ng makabagong pamamaraan sa pagre-rekord upang gawing lalong kasiyasiya ang musika. Pagkatapos ang mga Kingdom Melodies Blg. 2 at 3 ay babaguhin din. Gayunman, sa panahong ito ang Kingdom Melodies Blg. 1 lamang ang maaaring pididuhin.
● Gayundin ipinatatalastas sa ibaba na maaari nang makuha ang album para sa Kingdom Melodies. Ito ay kombinyente, walong-cassette na album para ilagay ang inyong walong cassette ng Kingdom Melodies. Ingatan sa isipan na ito ay album na walang laman. Sa halagang ibinigay ay hindi kasama ang halaga para sa indibiduwal na mga cassette.
● Mga Makukuhang Bagong Publikasyon:
Muling inimprentang mga tomo ng Watchtower para sa 1960, 1961, 1962, 1963, 1964, at 1965 (₱84.00 para sa bawa’t tomo; ang mga ito ay controlled stock items at dapat na bayaran pagkatanggap nito; limitado lamang ang suplay)—Ingles
Album ng Kingdom Melodies (walang laman, para sa 8 cassette; kongregasyon at publiko: ₱75.00; payunir: ₱60.00)
Kingdom Melodies Blg. 1 (rebisado; kongregasyon at publiko: ₱30.00)
Daniel (1 cassette; kongregasyon at publiko: ₱30.00; payunir: ₱25.00)—Ingles
● Makukuha na Naman:
Album ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya (apat na cassette sa album; kongregasyon at publiko: ₱120.00; payunir: ₱90.00)—Ingles