Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
PANSININ: Nag-eskedyul kami ng pulong ukol sa paglilingkod sa bawa’t linggo dito sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Maaaring gumawa ng lokal na pagbabago ang mga kongregasyon upang makadalo sa pandistritong kombensiyon. Isang 30-minutong repaso ng mga tampok na bahagi ng programa ang naka-eskedyul para sa linggo ng Enero 1-7. Ang repaso sa bawa’t araw ay maaaring iatas nang patiuna sa dalawa o tatlong kuwalipikadong mga kapatid na lalake na magtutuon ng pansin sa mga susing punto para sa personal na aplikasyon at gamit sa larangan.
LINGGO NG DISYEMBRE 11-17
8 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Itanghal sa maikli ang mga presentasyon ng magasin na maaaring gamitin sa paglilingkod sa linggong ito.
17 min: “Nagkakaisa sa Paggawa ng Kalooban ni Jehova.” Tanong-sagot na pagtalakay. Itanghal ang alok na binabanggit sa mga parapo 3 at 4, isang presentasyon para sa bahay-bahay, at isa para sa impormal na pagpapatotoo.
20 min: Magpasigla ng Interes para sa mga Pagdalaw sa Hinaharap. Pahayag at mga pagtatanghal. Mahalaga na maging mataktika at mabait sa ating ministeryo. (1 Cor. 9:19-23) Ang pag-iiwan ng mabuting impresyon ay maaaring magbukas ng daan para sa isang pag-uusap sa susunod na pagkakataon. Ang pagbabangon ng isang katanungan bago tayo umalis sa bahay ay maaaring pumukaw sa kaisipan ng maybahay upang asam-asamin ang susunod na pagdalaw. Makabubuting gamitin ang mga paksa sa aklat na Nangangatuwiran, gaya ng “Nilalang ba ng Diyos ang tao para mamatay?” (rs p. 105; p. 98 sa Ingles), “Mawawasak ba ang planetang Lupa sa isang nukleyar na digmaan?” (rs p. 227; p. 112 sa Ingles), at “Papaano malalaman ng isang tao kung aling relihiyon ang tama?” (rs p. 365; p. 328 sa Ingles). Itanghal ang pagtatapos ng isang pagdalaw na walang nakitang interes. Habang umaalis ang mamamahayag, siya’y nagbangon ng isang tanong, at nagsabing siya’y magagalak na sagutin iyon sa susunod niyang pagdalaw. Gayundin, itanghal kung papaanong ang mamamahayag ay maaaring gumamit ng aklat na Nangangatuwiran sa pagsagot sa katanungan kung iyan ang hinihiling ng maybahay.
Awit 98 at pansarang panalangin.
LINGGO NG DISYEMBRE 18-24
5 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
10 min: “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Mapasusulong pa ang Pakikipag-usap?” Pagtalakay ng dalawa o tatlong mga kabataan salig sa Gumising! ng Mayo 22, 1989, mga pahina 23-5.
15 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Pagtulong sa Isa’t Isa na Magpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot. Ilakip ang dalawang demonstrasyon sa pag-aalok ng pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw, sa pamamagitan ng paggamit ng mga halimbawa sa ilalim ng “Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya” sa pahina 14 ng aklat na Nangangatuwiran (p. 12 sa Ingles).
15 min: Pahayag sa “Sino ang Maaaring Maging Kaibigan ng Diyos?” salig sa artikulo ng Bantayan ng Setyembre 15, 1989, pahina 26.
Awit 123 at pansarang panalangin.
LINGGO NG DISYEMBRE 25-31
10 min: Lokal na mga patalastas. Gampanan ang “Tanong” sa pamamagitan ng pagtalakay sa tagapakinig, na tinitingnan ang mga kasulatan. Balangkasin ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan.
20 min: “Patuloy na Unahin ang mga Kapakanan ng Kaharian.” Tanong-sagot na pagkubre ng kuwalipikadong matanda.
15 min: Pahayag sa “Ang Panlabas na Anyo ba Lamang ang Nakikita Mo?” salig sa artikulo ng Bantayan ng Nobyembre 1, 1989, pahina 28.
Awit 129 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ENERO 1-7
5 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.
10 min: “Patuloy na Bantayan Kung Papaano Kayo Lumalakad.” Tanong-sagot na pagkubre. Pasiglahin ang lahat sa kongregasyon na magplanong dumalo sa pansirkitong asamblea. Talakayin ang pagtulong sa mga may edad at baldado na nangangailangan ng tulong.
30 min: Pagrerepaso ng mga Tampok na Bahagi sa “Maka-Diyos na Debosyon” na Kombensiyon. Tatlong kuwalipikadong kapatid na lalake ang maaaring gumamit ng tig-sampung minuto upang kubrehan ang mga tampok na bahagi sa bawa’t araw ng kombensiyon. Tingnan ang PANSININ sa itaas kung papaano iaatas at ihaharap ang mga ito. Dahilan sa limitadong panahon, ang mga gagamiting karanasan at mga komento mula sa tagapakinig ay dapat na maikli at tuwiran sa punto.
Awit 80 at pansarang panalangin.