Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/90 p. 1-8
  • Ang Namumukod-Tanging mga Magasin ay Itinatampok

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Namumukod-Tanging mga Magasin ay Itinatampok
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • HIGIT NA PAKIKIBAHAGI
  • MAGTAKDA NG ISANG PERSONAL NA TUNGUHIN
  • Ipinahahayag ng mga Magasin ang Kaharian
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Itampok ang mga Magasin sa Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Magtakda ng Panahon Para sa Gawain sa Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Ang Bantayan at Gumising!—Mga Babasahin ng Katotohanan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 4/90 p. 1-8

Ang Namumukod-Tanging mga Magasin ay Itinatampok

1 Ang mga isyu ng Abril at Mayo ng Ang Bantayan at Gumising! ay magtatampok ng matitingkad na mga artikulo na magugustuhan ng lahat. Bukod pa sa mga artikulo hinggil sa pandaigdig na kapayapaan sa mga isyu ng Abril 1 at 15 ng Ang Bantayan, ang isyu ng Mayo 1 ay magtatampok sa “Milyun-Milyong Patay Ngayon ay Mabubuhay Uli” at ang isyu ng Mayo 15 ay tatalakay sa “Armagedon—Kailan?”

2 Ang mga isyu ng Gumising! sa Abril at Mayo ay sasaklaw sa mga paksang “Anong Pag-asa Mayroon para sa Mas Mahabang Buhay?,” “Isang Malinis na Lupa—Masaksihan Mo Kaya Ito?” “Isang Daigdig na Walang Baril—Posible Kaya?” Sumasang-ayon ba kayo na ang mga tao sa inyong teritoryo ay dapat mabigyan ng pagkakataong mabasa ang mga isyung ito?

HIGIT NA PAKIKIBAHAGI

3 Dapat nating planuhin ngayon na mapasulong ang ating pamamahagi ng namumukod-tanging mga isyung ito. Bakit hindi isaayos na maglaan ng higit kaysa karaniwang panahon upang mamahagi ng magasin? Dahilan sa maraming mga auxiliary payunir sa mga buwang ito, at taglay ang napapanahong mga paksa na maihaharap, dapat lamang na makita ang mabubuting resulta nito.

4 Ano ang makatutulong sa atin na mapasulong ang ating mga nailalagay na magasin? Una, dapat nating basahing lubusan ang mga magasin. Habang tayo’y pamilyar sa mga ito, lalong lumalaki ang ating sigasig sa pag-aalok sa mga ito. Habang nagbabasa, tingnan ang mga punto na maitatampok sa iba’t ibang artikulo. Tanungin ang inyong sarili: ‘Sino ang lalo ng magiging interesado sa mga artikulong ito? Ano ang makatatawag-pansin sa isang kapitbahay, isang negosyante, isang estudiyante, at iba pa?’

MAGTAKDA NG ISANG PERSONAL NA TUNGUHIN

5 Nanaisin ng ilan na magtakda ng isang personal na tunguhin para sa mga magasin sa Abril at Mayo. Subali’t kung gagawin ninyo iyon, dapat kayong makipag-alam nang patiuna sa lingkod ng magasin upang matiyak na magkakaroon kayo ng sapat na magasin.

6 Sabihin pa, maraming paraan upang makapaglagay ng mga magasin bukod pa sa ministeryo sa bahay-bahay. Maaari tayong mag-alok ng mga magasin sa lansangan at sa mga lugar ng negosyo. Maraming kapatid ang nagtatag ng mga ruta ng magasin. Kapag gumagawa ng mga pagdalaw-muli sa mga interesadong tao, maaaring mag-iwan ng pinakabagong isyu. Ang impormal na pagpapatotoo ay isa ring napakainam na paraan ng pagbibigay ng patotoo at paglalagay ng mga magasin. Kung minsan ang pagpapakita lamang ng kanilang pabalat ay sapat na upang mapasimulan ang isang usapan o makapaglagay ng mga ito.

7 Tandaan na ang ating mga magasin ay naiiba. Itinuturo ng mga ito ang daan ng kapayapaan, kaligayahan, at buhay na walang hanggan. (Juan 17:3) Kaya magplano na ngayon upang tamasahin ang karagdagang gawain taglay ang namumukod-tanging mga artikulo na ilalathala sa mga isyu ng Abril at Mayo ng Ang Bantayan at Gumising!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share