Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG ABRIL 9-15
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na gumawa ng mga pagdalaw-muli sa lahat ng dumalo sa Memoryal upang malaman kung maaaring pasimulan ang mga pag-aaral.
20 min: “Purihin si Jah sa Pamamagitan ng Pagkuha ng mga Suskripsiyon.” Pagsasalaang-alang sa pamamagitan ng tanong-sagot. Itanghal ang paggamit ng bagong Paksang Mapag-uusapan at ilakip ang mungkahi sa parapo 5.
15 min: Pahayag ng matanda sa mga punto sa “Tanong.” Gumawa ng mataktika subali’t espesipikong aplikasyon ng payo sa lokal na kalagayan kung kinakailangan. Maaaring isama ang mga tagapakinig sa pagtalakay.
Awit 190 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ABRIL 16-22
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Basahin ang tugon ng Samahan sa kontribusyong tinanggap noong Marso. Papurihan ang mga kapatid sa mga kontribusyon bilang pagtangkilik sa gawaing pagtatayo.
15 min: “Ang Namumukod-Tanging mga Magasin ay Itinatampok.” Pahayag at pagtalakay sa materyal na may ilang katanungan. Ilakip ang ilang lokal na mga karanasan ng mga mamamahayag sa paglalagay ng mga magasin sa gawain sa lansangan, impormal na pagpapatotoo, o sa mga ruta ng magasin.
20 min: Praktikal na mga Mungkahi sa Paglalagay ng mga Magasin. Talakayin ang sumusunod na mungkahi at hayaang magkomento ang mga mamamahayag hinggil sa tagumpay na kanilang tinamasa sa pagkakapit ng mga ito: (1) Basahin ang mga magasin at alaming mabuti ang mga artikulo. (2) Pumili ng mga artikulo na kagigiliwang mabuti sa komunidad. (3) Subukin ang pagpapatotoo sa gabi taglay ang mga magasin. (4) Magsalita hinggil sa isang paksa, at itampok ang isa lamang magasin, na iniaalok ang isa pa bilang kasama. (5) Magsalita ng malumanay at maliwanag taglay ang palakaibigang boses. Pasiglahin ang lahat na subukin ang mga praktikal na mungkahing ito habang sinisikap nilang maglagay ng mga magasin sa lokal na teritoryo.
Awit 6 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ABRIL 23-29
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Yamang ito na ang huling linggo ng Abril, pasiglahin ang lahat na lubusang makibahagi sa ministeryo at tulungan ang sinumang hindi pa nakakabahagi sa buwang ito.
15 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Na Ginagamit ang House-to-House Record.” Tanong-sagot. Basahin ang mga parapo hangga’t ipinahihintulot ng panahon. Balangkasin ang wastong paggamit ng house-to-house record kapuwa sa wala-sa-bahay at mga pagdalaw-muli. Repasuhin sa tagapakinig ang impormasyon na dapat ilagay sa talaan, at ipaliwanag kung bakit. Ipagunita sa lahat na magdala ng house-to-house record samantalang sila’y nasa larangan ng paglilingkod.
20 min: “Pagpapakita ng Tiwala kay Jehova sa Pamamagitan ng Pagpapayunir.” Masiglang tanong-sagot na pagkubre ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Kapanayamin ang isa o dalawang payunir, itampok ang kagalakang natatamo kapag napagtatagumpayan ang mga hadlang. Ilahad kung ano ang ginagawa sa lokal na paraan upang magbigay ng praktikal na tulong sa mga payunir.
Awit 14 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ABR. 30–MAYO 6
8 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat na karakarakang magbigay ng kanilang mga ulat sa Abril. Magbigay ng pampasigla sa mga nag-auxiliary payunir noong Abril na isaalang-alang ang pagpapatuloy nito sa Mayo at Hunyo kung ipinahihintulot ng kanilang mga kalagayan. Kapanayamin ang isang auxiliary payunir na nasiyahan sa gawain noong Abril at nagpaplanong magpatuloy.
17 min: Pag-abot sa Puso ng mga Kabataan. Tatalakayin sa maikli ng matanda ang mga punto sa publikasyong talagang dinisenyo upang tulungan ang mga kabataan. Bukod pa sa isang regular na pampamilyang pag-aaral, ang mga miyembro ng pamilya ay nakikinabang mula sa mga espirituwal na pag-uusap kapag hinihingi ng pagkakataon. Itanghal ang isang pag-uusap ng pamilya kung saan ang ama ay may mabuting kaugnayan sa mga anak. Ang kanilang pag-uusap ay isang impormal na pagpapalitan ng komento, hindi isang sesyon ng tanong-sagot. Ang isang bata sa pamilya ay nagtanong kung makapaglalaro siya ng basketball kasama ng mga batang kapitbahay. Talakayin ang materyal sa mga pahina 64-7 ng aklat na Tanong ng Kabataan. Ang magulang ay gumamit ng mga mapanuring tanong upang mabatid kung nauunawaan at sinasang-ayunan ng bata ang mga nasasangkot na simulain sa Bibliya. Idiin na ang matalik na kaibigan ay hindi kailangang kapareho ang edad. Piliin ang mga kabataan na nakabasa na sa ilang bahagi ng aklat, at kunin ang kanilang obserbasyon. Ipakita nila kung bakit nakatutulong ang materyal. Pasiglahin ang mga kabataan na basahin ang aklat, at idiin ang pangangailangan para sa magulang na maging pamilyar sa mga nilalaman nito upang maisama ang mga angkop na punto sa pag-uusap ng pamilya.
20 min: “Maging Matalino—Ikapit ang mga Bagay na Inyong Natutuhan.” Pahayag ng isang kuwalipikadong matanda na may kasamang pakikibahagi ng tagapakinig. Idiin ang kahalagahan ng pagsasapuso ng ating natutuhan at pagkakaroon ng disiplina sa sarili upang maikapit iyon nang personal sa ating mga buhay. Sa pagtalakay sa parapo 9, itanghal sa maikli kung papaano dadalawin ang isang dumalo sa Memoryal upang matulungan siyang ikapit ang kaniyang natutuhan. Sa parapo 10, ipaliwanag ang lokal na mga kaayusan sa pagtulong sa di palagian o di aktibo.
Awit 123 at pansarang panalangin.