Teokratikong mga Balita
◆ Ang Chile ay nag-ulat ng isang bagong peak na 36,968 na mga mamamahayag kamakailan. Ito’y 12-porsiyentong pagsulong kaysa aberids nang nakaraang taon. Isang bagong peak na 53,967 mga pag-aaral sa Bibliya ang iniulat din.
◆ Ang Alemanya ay nag-ulat ng 4-porsiyentong pagsulong kaysa aberids noong nakaraang taon. May kabuuang 131,106 ang nag-ulat.
◆ Ang India ay nag-ulat ng isang bagong peak na 10,272 mga mamamahayag kamakailan. Ito’y 17-porsiyento ang kahigitan kaysa aberids noong nakaraang taon. Nagkaroon din ng mga bagong peak sa regular payunir, pagdalaw-muli, at pag-aaral sa Bibliya.