Teokratikong mga Balita
Bolivia: Ang sangay ay nag-ulat ng isang bagong peak na 9,588 mga mamamahayag noong Oktubre. Naabot din nila ang mga bagong peak sa pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pagdalaw muli, mamamahayag ng kongregasyon, at regular payunir. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagka-aberids ng 14 na oras sa ministeryo sa larangan.
India: Noong Oktubre isang bagong peak na 13,217 mga mamamahayag ang naabot. Ito ang kanilang ikatlong sunod-sunod na peak.
Lithuania: Ang ulat noong Oktubre ay nagpapakita ng isang bagong peak na 871 mga mamamahayag, 39 na porsiyentong pagsulong kaysa Oktubre 1992.