Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG MARSO 11-17
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Parangalan si Jesu-Kristo—Ang Saligan ng Ating Pananampalataya.” Tanong-sagot na pagtalakay.
10 min: Magplano Para Maging Auxiliary Payunir sa Abril at Mayo. Nakapagpapasiglang pahayag taglay ang impormasyon para sa nagnanais na magpayunir sa Abril at Mayo. Bumaling sa bahagi ng Mga Patalastas hinggil sa pag-aauxiliary payunir. Ipaliwanag ang kaayusan ng kongregasyon upang tulungan ang mga magpapayunir sa mga buwang iyon. Maghanda ng mga aplikasyon para sa auxiliary payunir.
10 min: Lokal na pangangailangan o pahayag sa “Bakit Kailangang Sumunod sa Katuwiran?” sa Ang Bantayan, Oktubre 15, 1990, pahina 26-9.
Awit 20 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MARSO 18-24
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta at tugon sa mga abuloy.
15 min: “Memoryal—Ang Kristiyanong Pagdiriwang.” Tanong-sagot. Pagkatapos ng parapo 6, itanghal sa maikli kung papaano paaalalahanan ang isa na dati nang naanyayahan, at pagkatapos ay tanungin ang kongregasyon kung papaano nila pinaplanong anyayahan ang mga baguhan sa Memoryal at kung papaano tutulunan silang makadalo. Ipagunita sa kongregasyon na may mga makukuhang inimprentang paanyaya.
20 min: Makibahagi sa Pambuong Globong Kagalakan sa Pamamagitan ng Pagsasabing “Halika!” Pahayag at mga karanasan salig sa mga artikulo sa pahina 3-7 ng Enero 1, 1991 Bantayan. Ilakip ang mga kapahayagan at mga karanasan mula sa lokal na masisigasig na mga mamamahayag, na nagpapakita ng gayong kagalakan.
Awit 211 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MARSO 25-31
12 min: Lokal na mga patalastas at pagtalakay sa “Tanong.”
15 min: “Pagganap ng Ating Ministeryo sa Kaharian Bilang mga Saksi ni Jehova.” Pahayag ng matanda, na itinatanghal kung papaano gagamitin ang nabanggit na mga bahagi ng Index.
18 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Masiglang Pag-aalok ng mga Suskripsiyon.” Tanong-sagot. Pagkatapos ng parapo 4, itanghal ang alok na suskripsiyon.
Awit 130 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ABRIL 1-7
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita.
20 min: Papaano Tayo Mananatiling Matibay? Pakikipanayam upang itampok ang pangangailangan na manatiling matibay at hindi nanghihimagod. (1) Kapanayamin ang dalawa na nakapaglingkod na sa maraming mga taon at mga mabubuting halimbawa. Anong mga panggigipit upang patigilin sila sa pangangaral ang naranasan nila at napagtagumpayan? Ano ang nakatulong sa kanila upang makapagpatuloy? (Maaaring banggitin ang panalangin, regular na pagdalo sa pulong, personal na pag-aaral, pampatibay mula sa iba, abp.) Papaano nila napanatili ang espirituwal na pagkatimbang? (Maaaring banggitin ang tulong ng mga matatanda, pag-una sa buhay ng mga espirituwal na bagay, panalangin, abp.) (2) Kapanayamin ang ilang bata na regular na mga mamamahayag at mga mabubuting halimbawa. Ano ang nakatulong sa kanila upang maging regular? Papaano nakatulong ang kanilang mga magulang? May mga mamamahayag ba na nakapagpasigla at nakatulong sa kanila sa paglilingkod sa larangan? Ano ang kanilang mga tunguhin sa paglilingkod kay Jehova? Magtapos sa pamamagitan ng maikling repaso sa mga puntong iniharap.
15 min: Pahayag sa “‘Magpatuloy Sana Kayo na Muling Mapawasto’” mula sa Bantayan ng Nobyembre 1, 1990, pahina 29-31.
Awit 63 at pansarang panalangin.