Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG ABRIL 8-14
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Balangkasin ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan para sa buong linggo. Ibigay ang mga tampok na bahagi ng mga magasin ng Abril 1 at 8 na maaaring gamitin sa gawain sa magasin.
20 min: “Patuloy na Magturo Nang Walang Paglilikat.” Tanong-sagot. Pagkatapos na isaalang-alang ang parapo 2, hayaang itanghal ng mga may karanasang mamamahayag o payunir kung papaano iaalok ang suskripsiyon sa isang tao na nagpapakita ng tunay na interes sa pabalita ng Kaharian. Pagkatapos ng parapo 3 at 4, pag-uusapan ng dalawang masisiglang mamamahayag kung papaano nila ikakapit ang mga mungkahing ito sa Abril.
15 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Magasin.” Tanong-sagot na pagtalakay. Sa pagsasaalang-alang ng parapo 8, itanghal kung papaano magtatatag ng ruta ng magasin sa taong nagpakita ng interes sa magasin.
Awit 122 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ABRIL 15-21
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ilakip ang mga tugon sa donasyon. Ipagunita sa lahat na ang Abril ay nangangalahati na, kaya ang sinumang nangangailangan ng tulong upang makalabas bago ang Abril 30 ay dapat na tulungan na ngayon.
20 min: “Paggawa ng Pagsulong sa Ministeryo.” Pagtalakay sa pagitan ng makaranasang matanda at isang kapatid na gaganap ng papel ng isang matagal na sa katotohanan subali’t hindi sumusulong. Itanghal nila sa maikli ang sesyon ng pagsasanay na binanggit sa parapo 3. Sa pagtalakay sa parapo 4, ipakikita ng isang payunir sa isang walang gaanong karanasang mamamahayag kung papaano pakikitunguhan ang isang kalagayan na nasusumpungan sa lokal na teritoryo sa tuwi-tuwi na. Ilakip ang mungkahing masusumpungan sa Watchtower ng Agosto 1, 1985, pahina 15-20, hinggil sa pag-abot sa mga puso.
15 min: “Pagpuri kay Jehova sa Pamamagitan ng Awit.” Nakapagpapasiglang pahayag sa artikulo. Gamitin ang mga awit sa programa sa gabing ito upang itanghal ang mga puntong ginawa sa artikulo.
Awit 104 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ABRIL 22-28
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Banggitin ang mga kaayusan sa paglilingkod at talakayin ang mga tampok na bahagi sa kasalukuyang mga magasin. Ang mga karanasan sa paghaharap ng mga suskripsiyon ay maaaring ilahad. Pasiglahin ang lahat ng mga auxiliary payunir na tiyaking abutin nila ang kanilang tunguhing 60 oras, at isaalang-alang ang pagpapatuloy nito sa Mayo kung posible ito.
20 min: “Pag-aani na Katumbas ng Ating Personal na Pagsisikap.” Tanong-sagot na pagtalakay sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian, parapo 1 hanggang 8. Idiin ang kahalagahan ng pagkakapit ng ating natutuhan.
15 min: Ang mga Kapakinabangan ng Regular na Pampamilyang Pag-aaral. Sa loob ng maraming mga taon pinasigla ng organisasyon ni Jehova ang mga ulo ng pamilya na magdaos ng isang regular na pag-aaral sa Bibliya sa mga miyembro ng pamilya. Sa mga nagsagawa nito, napakarami ng mga kapakinabangan. Ito’y umabuloy sa espiritu ng pag-ibig at kapayapaan sa loob ng pamilya. Ang mga bata ay sumulong tungo sa pag-aalay at bautismo, nagkaroon ng positibong impluwensiya sa kongregasyon, at kadalasan ay pumasok sa pambuong-panahong paglilingkuran. Kapanayamin ang isang ulo ng pamilya na naging isang mabuting halimbawa sa bagay na ito, na nagtatampok sa mga kapakinabangang inani sa pamamagitan ng pagsunod sa payo ni Jehova sa bagay na ito.
Awit 221 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ABRIL 29–MAYO 5
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita rin sa lahat ang Patalastas sa pahina 7 hinggil sa pagbibigay karakaraka ng ulat sa Abril sa katapusan ng buwan.
20 min: “Pag-aani na Katumbas ng Ating Personal na Pagsisikap.” Tanong-sagot na pagsasaalang-alang ng insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian, parapo 9 hanggang 16. Basahin ang lahat ng parapo at mga binanggit na kasulatan. Ikapit sa lokal na mga kalagayan, na idiniriing mag-aani ng sagana ang bawa’t isa depende sa laki ng personal na pagsisikap na ikapit ang mga payong ibinigay.
15 min: Maghanda ng mga Mabibisang Pambungad. Ang isang matandang mahusay sa ministeryo sa larangan ay tumutulong sa mga mamamahayag na maghanda ng mga pambungad na angkop sa lokal na teritoryo. Ibatay ang mga mungkahi sa mga pahina 9-15 ng aklat na Nangangatuwiran. Talakayin ang dalawa o tatlong pambungad na maaaring gamitin sa kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan o iba pang napapanahong paksa. Itanghal ng may karanasang mamamahayag ang dalawang presentasyon sa bahay-bahay na ginagamit ang Paksang, “Kaharian ng Diyos—Ang Pag-asa ng Sangkatauhan.” Magpasigla sa paggamit ng sari-saring pambungad sa halip na gumamit ng iyo’t iyon din. Ang mga sesyon ukol sa pagsasanay bago lumabas sa larangan ay makatutulong upang makabisado ito.
Awit 126 at pansarang panalangin.