Teokratikong mga Balita
◆ Sa 33 “Dalisay na Wika” na mga Pandistritong Kombensiyon na idinaos sa Pilipinas noong Disyembre at Enero, ang pinakamataas na bilang ng dumalo ay 254,232, na 30,000 ang kahigitan kaysa noong 1989. Ang bilang ng nabautismuhan ay 4,170, na may 999 ang kataasan kaysa 1989. Ang pinakamataas na bilang ng dumalo sa tatlong pantanging kombensiyon sa Maynila ay 53,561, at 1,063 ang nabautismuhan.
◆ Ang pag-aalay ng Tahanang Bethel, opisina at pabrika sa Arhentina ay naganap noong Sabado, Oktubre 27, 1990. Ang pinakamataas na bilang ng mamamahayag na 83,936 ay naabot noong buwang iyon.
◆ Ang Romania ay nagkaroon ng isang bagong peak na 19,734 na mga mamamahayag—16 porsiyento ang kahigitan kaysa gayon ding buwan nang nakaraang taon.