Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/91 p. 8
  • Taglay ang mga Magasin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Taglay ang mga Magasin
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • HINDI GAYA NG SEKULAR NA MGA MAGASIN
  • PAGGAWA NG ATING BAHAGI
  • Itampok ang mga Magasin sa Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Ang Bantayan at ang Gumising!—Napapanahong mga Magasin ng Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Paggamit ng Ating mga Magasin sa Pinakamabuting Paraan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
km 4/91 p. 8

Taglay ang mga Magasin

1 Walang ibang babasahin sa kasaysayan ang nagkaroon ng matinding epekto ukol sa ikabubuti ng pamumuhay ng tao kagaya ng Ang Bantayan at Gumising! Ang bawa’t isyu ay puno ng nagbibigay-buhay na espirituwal na pagkain. Ang resulta ng pagsasaliksik na inihaharap taglay ang matibay na alalay mula sa Kasulatan ay nagkikintal ng katotohanan sa ating mga isip at puso.

2 Ang Bantayan, sa pamamagitan ng mga pahina nito, ay nagpapaliwanag sa mga turo ng Bibliya at tumatawag ng ating atensiyon sa katuparan ng mga hula ng Bibliya. Pinasisigla nito ang lahat ng nagugutom sa espirituwal na baguhin ang kanilang isipan at magsuot ng bagong pagkatao. (Roma 12:2; Efe. 4:22-24) Ginagawang alisto ng Gumising! ang mga mambabasa nito sa kahalagahan ng mga pangyayari sa daigdig. Ang matingkad na mga paglalarawan nito na nagpapakita ng kagilagilalas na paglalang ay pumupukaw ng interes sa bagong sanlibutan at nagpapalalim ng pagpapahalaga sa Maylikha.

HINDI GAYA NG SEKULAR NA MGA MAGASIN

3 Hindi ipinakikita sa mga tao ng sekular na mga magasin kung papaano tatamasahin ang kasiyasiyang buhay sa sanlibutang ito. Wala silang iniaalok na pag-asa sa hinaharap at nabibigong turuan ang mga tao kung papaano magtatamo ng buhay na walang hanggan. Ang mga makasanlibutang magasing ito ay dinisenyo upang itaguyod ang mga bagay ng sanlibutan. Anong laking pagkakaiba nito sa Ang Bantayan at Gumising!—1 Juan 2:15-17.

4 Walang alinangang kayo ay nakadarama ng malalim na pagpapahalaga sa bawa’t isyu ng Ang Bantayan at Gumising!—mga magasing naglalaman ng matamis na halimuyak ng katotohanan mula sa “tapat na katiwala.” (Luc. 12:42) Ano ang magagawa natin upang mapasulong ang ating paglalagay ng mga magasin anupa’t lalo pang marami ang makinabang sa ating mga babasahin?

PAGGAWA NG ATING BAHAGI

5 Bago natin wastong mapasigla ang tapat pusong mga tao na magbasa ng ating magasin, kailangan nating malaman ang nilalaman ng bawa’t isa nito. Ito’y nangangahulugan ng pagbabasa natin ng bawa’t isyu bago gamitin iyon sa ministeryo. Sa pamamagitan ng pagiging pamilyar sa nilalaman nito, maaari nating gamitin ang ministeryo sa bahay-bahay, gawain sa lansangan, at impormal na pagpapatotoo para sa pamamahagi ng magasin.

6 Bukod dito, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bagong mga magasin samantalang namimili, sumasakay sa bus o jeepney, sa paaralan, at sa ating pinapasukan, o saan man tayo magtungo, masasamantala natin ang mga pagkakataong magpatotoo. Ang isang piniling pambungad mula sa aklat na Nangangatuwiran kasama ng isang punto mula sa artikulo ay maaaring pumukaw ng pagnanais ng tao na basahin ang ating magasin.

7 Bagaman ang ating pakikipag-usap ay maikli lamang kapag nag-aalok ng magasin, hindi natin nais na putulin ang ating pakikipag-usap sa loob lamang ng isang minuto. Nanaisin nating matiyak kung ang tao ay tunay na interesado sa pabalita at kung babasahin niya ang magasin. Kapag may bumangong katanungan, lagi nating pagsisikapang masagot ang kaniyang itinatanong sa pamamagitan ng paggamit ng ating Bibliya o ng aklat na Nangangatuwiran. Sa pamamagitan ng pagiging handa sa tuwina upang ipagtanggol ang ating pananampalataya, maaari nating anihin ang kamangha-manghang mga pagpapala.—1 Ped. 3:15.

8 Kung sang-ayon ang indibiduwal na basahin ang mga magasin, maaari nating sabihin ang hinggil sa ating gawain at kung papaanong ang mga magasing ito ay inilalathala nang dalawang ulit sa isang buwan bilang bahagi ng pambuong daigdig na pagtuturo sa Bibliya. Ang impormasyon sa pahina 2 ng Ang Bantayan o sa pahina 4 ng Gumising! ay nagpapaliwanag nito sa napakainam na paraan. Yamang ang mga nilalaman ng susunod na isyu ay laging nakatala, maaari tayong magtanong kaugnay nito o itawag pansin ang sumusunod na artikulo. Maaaring maantig nito ang gana ng tao at mapakilos siyang magpahayag ng pagnanais na magkaroon ng susunod na isyu kapag dumating ito. Maaaring maging pasimula ito ng isang ruta ng magasin.

9 Samantalang nalalapit na ang katapusan ng sistemang ito ng mga bagay, mapabibilis natin ang pagtulong sa tapat-pusong mga tao na makatakas mula sa Babilonyang Dakila. (Apoc. 18:4) Patuloy nawang pagpalain ni Jehova ang ating puspusang paggamit ng Ang Bantayan at Gumising! sa ating pambuong daigdig na pagtuturo ng Bibliya!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share