Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG MAYO 6-12
10 min. Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Repasuhin ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan sa linggong ito.
20 min. “Pasiglahin ang Iba na Bumasa ng Ang Bantayan.” Tanong-sagot na pagtalakay na sinusundan ng dalawa o tatlong maikling kapahayagan mula sa mga mamamahayag na nagsasabi kung bakit nila pinahahalagahan Ang Bantayan at kung papaano sila nakinabang sa pagbabasa nito nang palagian. Magsaayos ng isang pagtatanghal na nagpapakita kung papaanong ang pinakahuling isyu ay magagamit kasama ng ating Paksang Mapag-uusapan.
15 min: “Naiinis Ka Bang Tumanggap ng Pagpuna?” Pahayag salig sa Gumising! ng Pebrero 8, 1991. Dapat na balangkasing mabuti ng tagapagsalita ang anim na paraan kung papaanong ang pagpuna ay maaaring mas madaling tanggapin.
Awit 122 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MAYO 13-19
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta.
20 min: “Pagganap ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa Kongregasyon.” Tanong-sagot na sinusundan ng isang pagtatanghal kung papaanong ipinaliliwanag ng konduktor ng pag-aaral sa aklat sa isang mag-asawa ang paggamit ng Index upang hanapin ang impormasyon kung bakit at kung kailan maglalagay ng lambong ang mga kapatid na babae.
15 min: Pahayag sa “Sakdal na Gobyerno sa Wakas!” sa pahina 20-4 ng Disyembre 22, 1990 ng Gumising!
Awit 128 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MAYO 20-26
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita.
15 min: Mangaral sa Bahay-bahay. Masigla at nakapagpapatibay na pahayag salig sa Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo, pahina 84-7.
20 min: “Pasimulan at Tapusin ang Pulong Nang Nasa Oras.” Tanong-sagot na pagtalakay. Basahin ang lahat ng parapo.
Awit 8 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MAYO 27–HUNYO 2
10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang mga kaayusan sa paglilinis ng Kingdom Hall. Tulungan ang mga kapatid na mapahalagahan ang pangangailangan na magtulungan sa pag-iingat na malinis sa dako ng pagsamba kay Jehova. (Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang artikulong “Iginagalang ba Ninyo ang Inyong Kingdom Hall?” sa pahina 3 ng Setyembre 1989 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.)
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Pag-aalok ng Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos.” Tanong-sagot. Pagkatapos isaalang-alang ang parapo 2, itanghal ang ibinigay na presentasyon. Kung may ilang teritoryo na doo’y natitipon ang mga tao na nag-aangking di-Kristiyano ang relihiyon, dapat na gumawa ng pantanging pagsisikap na makubrehan ang mga ito sa Hunyo.
15 min: Timbang na Paggamit sa Libreng Panahon. Kapanayamin ang ilang kabataan hinggil sa libreng panahon. Gamitin ang materyal sa aklat na Tanong ng mga Kabataan, kabanata 35 hanggang 37. Ang kapatid na gumagawa ng pakikipanayam ay maaaring magtanong: Bakit kayo dapat na maging mapamili sa inyong binabasa? Papaano kayo pipili ng angkop na babasahin? Ano ang ilan sa nakapipinsalang epekto ng panonood ng TV, at papaano ito makokontrol? Bakit hindi kayo nawawalan ng anuman kung hindi tutulad sa makasanlibutang kabataan? Bakit ang pagtulad sa kanila ay mapanganib? Ano ang ilang paraang natuklasan ninyo upang maging kasiyasiya ang paglilibang? Bakit tayo nararapat maging timbang sa larangang ito?
Awit 221 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HUNYO 3-9
5 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Gamiting Mabuti ang Ating mga Publikasyon.” Tanong-sagot. Gumawa ng mga pagtatanghal na nagpapakita kung papaano ibabagay ang ating alok sa interes at pangangailangan ng maybahay.
10 min: Ang Gawain ng mga Attendant. Kapanayamin ang kapatid na nangangasiwa sa mga attendant. Talakayin ang kanilang mga tungkulin at kung papaano makikipagtulungan sa kanila ang kongregasyon. (Tingnan ang Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo, pahina 63-4, at Ating Ministeryo sa Kaharian, Enero, 1990, pahina 3.) Dapat ipabatid ng mga attendant sa mga magulang ang pangangailangang hindi makagambala ang kanilang mga anak. Dapat ding mapangalagaan ng mga attendant ang kaayusan sa mga pulong, kunin ang bilang ng mga dumadalo, at akayin ang mga matatanda at may kapansanan tungo sa kanilang mga upuan.
15 min: Paggamit ng mga Tract sa Ministeryo. Talakayin ang iba’t ibang paraan kung papaano gagamitin ang iba’t ibang tract. Papagkomentuhin ang tagapakinig kung papaano nila ginagamit ang mga tract at maglahad ng ilang naging karanasan nila. Noong Pebrero ay tinalakay natin kung papaano gagamitin ang mga tract sa pagpapasimula ng mga pag-aaral. Maglahad ng mga karanasan hinggil sa resulta ng paggawa nito. Tingnan din ang uluhang “Tracts” sa Index para sa iba pang mga karanasan sa paggamit ng mga ito.
Awit 12 at pansarang panalangin.