Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/91 p. 1-2
  • Ugaliin ang Makadiyos na Debosyon Tulad ni Kristo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ugaliin ang Makadiyos na Debosyon Tulad ni Kristo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Sundin ang Halimbawa ni Jesus ng Maka-Diyos na Debosyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Ilakip sa Inyong Pagtitiis ang Maka-Diyos na Debosyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Idagdag sa Iyong Pagbabata ang Makadiyos na Debosyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Makadiyos na Debosyon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
km 12/91 p. 1-2

Ugaliin ang Makadiyos na Debosyon Tulad ni Kristo

1 Ang pananalitang “makadiyos na debosyon” sa Bibliya ay tumutukoy sa ating taimtim na pagpipitagan at tapat na paglilingkod sa Diyos na Jehova. Ang pangunahing tagapagtaguyod ng makadiyos na debosyon ay ang ating Panginoong Jesu-Kristo.

2 Sa kaniyang paraan ng pamumuhay dito sa lupa, nakilala si Jesus bilang isang taong may sakdal na makadiyos na debosyon. Dahil dito, makabubuting isaalang-alang natin ang ilang mga bagay sa kaniyang buhay, lalo na yaong may kaugnayan sa kaniyang papel bilang pangunahing tagapagsalita para sa Diyos na Jehova.

3 Maging Masigasig at Matapang: Si Jesus ay masigasig sa paghahayag ng tinatawag sa Isaias 61:2 na “taon ng kabutihang loob ni Jehova.” Bilang pagsunod sa halimbawa ni Jesus, dapat tayong makibahagi nang masigasig sa nagliligtas-buhay na gawaing ito sa mga huling araw ng balakyot na sistemang ito ng mga bagay. Dapat din tayong maging matapang katulad ni Jesus. Bakit? Sapagkat ang pabalita ng Kaharian na ating inihahayag ay may katigasan at nakayayamot sa ilan, lalo na kapag nagsasalita tayo hinggil sa araw ng paghihiganti ni Jehova.

4 Upang matulungan tayong magsalitang may katapangan at magpamalas ng makadiyos na debosyon, kailangan natin ang espiritu at patnubay ni Jehova. Sa Lucas 4:18, sinabi ni Jesus: “Ang espiritu ni Jehova ay sumasa akin.” Taglay ang espiritu at pagpapala ni Jehova, maaari din nating ugaliin ang makadiyos na debosyon upang mapaluguran si Jehova. Ang ibig sabihin ng ugaliin ay ang mahirati sa paggawa ng isang bagay. Nangangahulugan ito na ang bagay na iyon ay naging pinagkaugaliang pang-araw-araw na paraan natin ng pamumuhay. Ang makadiyos na debosyon ay nararapat maging daan ng pamumuhay para sa mga lingkod ng Diyos. Sinabi ni apostol Pablo: “Kaya, maging kayo’y kumakain o umiinom man o anuman ang inyong ginagawa, gawin ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos.”—1 Cor. 10:31.

5 Makadiyos na Debosyon, Daan ng Ating Pamumuhay: Ang Disyembre ay panahon ng mga kombensiyon at mga bakasyon. Subalit hindi natin dapat na kaligtaan ang patuloy na pangangailangan na tularan si Kristo sa pamamagitan ng pagsasamantala sa mga pagkakataong ibahagi ang mabuting balita sa iba. Samantalang ginagawa natin ito, inirerekumenda na ating itampok ang aklat na Mga Kuwento sa Bibliya sa ating ministeryo sa larangan at gayundin sa impormal na pagpapatotoo. Makabubuting magdala kayo ng isa sa mga ito kapag naglalakbay o dumadalaw sa mga kaibigan at kamag-anak.

6 Lahat tayo ay dadalo sa “Mga Umiibig sa Kalayaan” na Pandistritong Kombensiyon. Pagkatapos nito, makabubuti kung ating rerepasuhin ang ating mga nota upang tingnan kung ano ang ating natutuhan at maaaring ikapit sa ating pamumuhay upang ugaliin ang makadiyos na debosyon. Maaari din nating ipakipag-usap sa mga kapitbahay o kasambahay ang espirituwal na pagkain na ating tinamasa sa kombensiyon.—Efe. 4:25.

7 Ang ating daan ng pamumuhay ay hindi lamang nagsasangkot ng paghahayag ng araw ng paghihiganti ni Jehova at ng kaniyang taon ng kabutihang loob kundi kasama na rin ang pagpapamalas ng makadiyos na debosyon sa ating personal at pampamilyang pamumuhay. Dapat nating tularan si Jesus, na nagtuturo sa iba sa pamamagitan ng halimbawa kung ano talaga ang ibig sabihin ng makadiyos na debosyon. Sa pagsunod sa halimbawa ni Kristo sa makadiyos na debosyon, lagi nating taglayin ang tamang motibo sa lahat ng ating ginagawa, na pumupuri kay Jehova bilang kaniyang tapat na mga lingkod.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share