Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/92 p. 4
  • Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Kaparehong Materyal
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Paggamit sa Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Pukawin ang Iba Upang Lubusang Tumingin kay Jesus
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Anyayahan ang Iba na Sumunod sa Pinakadakilang Tao
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Bagong Aklat na Pumupukaw sa Milyun-Milyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 6/92 p. 4

Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman

1 Nang matanggap natin ang bagong aklat na ito, naganyak tayo sa pamagat nito na, Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Upang maibukod ang isang tao bilang pinakadakila mangangahulugan iyon na siya’y nakahihigit sa bilyun-bilyong mga tao na nabuhay kailanman. Ang salitang “dakila” ay binibigyang kahulugan na “nakahihigit sa katangian o kalidad.”

2 Si Jesu-Kristo, ang Anak ng Diyos, ay karapatdapat sa gayong pagkilala. Ang naisagawa niya sa lupa ay walang kinalaman sa kayamanan, tagumpay sa buhay, o politika. Buhat siya sa mababang kalagayan at sa kalakhang bahagi ng kaniyang buhay ay hindi siya gaanong kilala. Gayumpaman, nang sumapit siya sa 30 taóng gulang, pinasimulan niyang ihayag ang personalidad at layunin ng Diyos na Jehova sa paraang hindi pa kailanman nararanasan ng tao. Naisakatuparan niya ang pinakadakilang gawaing pangangaral na kailanma’y naisakatuparan ng isang tao lamang, nakagawa ng namumukod tanging mga himala, at naglatag ng pundasyon para sa isang pambagong sanlibutang lipunan.

3 Bakit Dapat Matuto ng Tungkol kay Jesus? Matutulungan natin ang mga maybahay na pahalagahan ang aklat sa pagsasabing: “Maraming mga tao ngayon ang nagsasabing may pananampalataya sila kay Jesus. Ngunit hinihimok tayo ng Bibliya na ‘masdang siyang mainam.’ [Heb. 12:2] Ano sa palagay ninyo ang matututuhan natin sa pag-aaral ng kaniyang buhay at ministeryo? [Hayaang magkomento.] Oo, siya ang ating modelo at huwaran kaya hinihimok tayong ‘maingat na sumunod sa kaniyang mga yapak.’ [Basahin ang 1 Ped. 2:21.] Gaano karaming tao sa palagay ninyo ang gumagawa ng ganito sa kanilang araw-araw na pamumuhay? [Hayaang magkomento.] Kaya hindi sapat ang basta makilala si Jesus, kundi kailangang baguhin ang ating buhay upang matularan siya, yamang siya lamang ang daan tungo sa kaligtasan. [Basahin ang Juan 14:6.]” Saka maaaring ialok ang aklat na ginagamit ang sumusunod na mga mungkahi.

4 Mga Tampok na Bahagi: Kapag iniaalok ang aklat, maaari ninyong itanong: “Ano ang nagpangyari upang si Jesus ang maging pinakadakilang tao sa daigdig?” Maaari kayong sumagot sa pamamagitan ng pagpapakita ng ilan sa 133 mga kabanata na nagtatampok sa kaniyang buhay, personalidad, kaniyang mga aral, at mga ginawa. Ang kabanata 24 ay nagpapaliwanag ng kaniyang layunin sa pagpunta dito sa lupa. Ang kabanata 35 ay nagpapaalaala sa kaniyang tanyag na Sermon sa Bundok. Ang kabanata 43 ay nagtatampok ng kamangha-manghang kakayahan ni Jesus sa pagtuturo sa pamamagitan ng mga ilustrasyon. Ang kabanata 133 ay nagpapakita sa atin ng mga pagpapalang tatamasahin ng sangkatauhan kapag natapos na niya ang kaniyang gawain. Masusumpungan ninyong makakatulong na gamitin ang mga tanong sa dulo ng bawat kabanata upang sumigla ang pagtalakay. Inyo ring maipapakita ang nakatatawag pansing mga ilustrasyon ni Jesus na nagsisiwalat sa puwersa ng kaniyang personalidad, tindi ng pagkahabag niya sa iba, at walang pagod na sigasig niya sa pangangaral.—Pansinin ang mga kabanata 44, 95, 117, at 123.

5 Ating iaalok ang bagong aklat na ito sa Hunyo. Mayroon tayong mabuting dahilan upang ialok ito sa iba taglay ang malaking kasigasigan. Ang bawat nagnanais ng buhay na walang hanggan ay dapat na kumuha ng kaalaman tungkol kay Jesu-Kristo. (Juan 17:3) Ang ating masigasig na pagsisikap na maipamahagi ang aklat na ito ay magpapangyaring masaling ang buhay ng maraming taong taimtim ng pinakadakilang tao na nabuhay kailanman.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share