Ang Paaralan ng Ministeryo sa Kaharian ay Naglalaan ng Teokratikong Edukasyon
Ang mga matatanda ay may mabigat na pasan ng pananagutan. Simula noong 1959, may ginawang kaayusan para sa pantanging kurso ng pagsasanay upang tulungan sila sa pagsasagawa ng mabigat na atas na ito. Ang mga ministeryal na lingkod ay inanyayahang dumalo sa kaunaunahang pagkakataon noong 1984.
Mula nang idaos ang huling paaralan noong 1989, daan-daang kongregasyon ang naitatag at libu-libong mga kapatid na lalake ang naatasan bilang mga matatanda at ministeryal na lingkod. May ginawa ring mga pagbabago sa organisasyon. Dahilan dito, isinaayos ng Lupong Tagapamahala na dumalo ang lahat ng mga matatanda at ministeryal na lingkod sa Paaralan ng Ministeryo sa Kaharian sa Hunyo ng taóng ito. Pangangasiwaan ng mga naglalakbay na tagapangasiwa ang pagtuturo sa bawat sirkito. Ang lahat ng mga kongregasyon ay makikinabang habang ikinakapit ng mga matatanda at ministeryal na lingkod ang kanilang matututuhan sa paaralan.