Pagpapasimula sa Usapan Kapag Kayo’y Bumabalik
1 Upang maging mabisa sa pakikipag-usap sa isa na nagpakita ng interes, sikaping dagdagan pa ang inyong tinalakay sa unang pagdalaw. Ang layunin ay upang tulungan ang tao na mapahalagahan ang inyong sinabi at ang iniwan sa kaniyang literatura.
2 Gumamit ng panahon sa paghahanda para sa pagdalaw-muli. Piliin ang nakatatawag-pansing mga komento sa publikasyon na inyong itinatampok. Isaalang-alang ang sumusunod na mga tema kapag dumadalaw sa mga napaglagyan ng aklat na Worldwide Security.
3 Anong mga kalagayan sa hinaharap ang ating maaasahan sa lupa kung ito’y magiging walang hanggang tahanan ng tao? Ang pagtalakay na ito ay salig sa Isaias 11:6-9 at 65:25, gaya ng ipinaliliwanag sa aklat na Worldwide Security sa pahina 172-5.
Ang usapan ay maaaring pasimulan sa pagsasabi ng:
◼ “Noong huli akong dumalaw, ating pinag-usapan kung papaano nilayon ng Diyos na manatili ang lupa magpakailanman. Pero may naitanong ako sa inyo upang pag-isipan ninyo: Anong mga kalagayan ang iiral doon? Ikinagagalak kong ibahagi sa inyo kung ano ang sagot ng Bibliya.”
4 Kung ano ang dapat nating gawin upang tamasahin ang buhay sa ilalim ng Kaharian ng Diyos. Maaaring buuin ang temang ito sa pamamagitan ng paggamit sa Juan 17:3 at Jeremias 31:34, gaya ng ipinaliwanag sa aklat na Worldwide Security sa mga pahina 119-20.
Sa pagsisimula, maaari ninyong sabihin:
◼ “Nasiyahan akong makipag-usap sa inyo noon hinggil sa pangako ng Diyos na wawakasan na ang kabalakyutan. [Hilingin sa tao na kunin ang kaniyang aklat na Worldwide Security.] Ang tanong na dapat bigyang pansin ng bawat isa ay, Ano ang dapat nating gawin upang makinabang mula sa pagbabagong ito? Pansinin kung ano ang sinabi ni Jesus sa Juan 17:3, gaya ng sinipi sa inyong aklat sa pahina 120.”
5 Anong mga pangangailangan ang masasapatan sa Paraisong lupa? Maaari ninyong gamitin ang alinman sa Awit 65:9-13 at 72:16 o Isaias 11:6-9 at 65:25. Ang angkop na mga komento ay ibinigay sa aklat na Worldwide Security sa pahina 174-5.
Ang inyong pambukas na mga salita ay maaaring:
◼ “Nang ako’y naririto noong [sabihin ang araw], ating pinag-usapan ang pangako ng Diyos na buhaying muli ang mga patay tungo sa isang Paraisong lupa. Ano ang ilan sa mga pagpapalang tatamasahin sa panahong iyon? Ganito ang sinasabi sa atin ng inyong aklat.” Basahin ang isa o dalawang teksto mula sa Bibliya at komento ng aklat, marahil sa parapo 7-10.
6 Maraming tao ang nagpakita ng interes sa pabalita ng Kaharian na ating ipinangangaral. Kaya, gumawa ng mga pagdalaw-muli sa lahat ng nagpakita ng interes, at sikapin silang turuan ng katotohanan.—Mat. 10:11; 28:19, 20; Juan 21:17; Apoc. 22:17.