Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/93 p. 1
  • Apocalipsis—Nabuksang mga Hiwaga

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Apocalipsis—Nabuksang mga Hiwaga
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Bagong Alok
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Ipinahahayag ‘ang mga Salita ng Hula’
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Muli Nating Pag-aaralan ang Aklat na Apocalipsis
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 3/93 p. 1

Apocalipsis—Nabuksang mga Hiwaga

1 Ang aklat ng Apocalipsis ay naging isang hiwaga sa matagal nang panahon. Subalit ang impormasyon sa Apocalipsis ay hindi nilayong ingatang lihim magpakailanman. (2 Tim. 3:16, 17) Nakagagalak, kung papaano ginamit ni Jehova si Juan upang ihatid ang mga pangitaing ito sa mga kapuwa Kristiyano, sa panahong ito ay ginagamit niya “ang tapat na alipin” upang alisan ng lambong ang kahulugan ng kapanapanabik na hulang ito.—Mat. 24:45-47; Apoc. 1:1-3.

2 Ang Alok sa Marso: Ang aklat na Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! ay nagbigay ng malaking kaliwanagan sa bayan ng Diyos. Subalit bakit ito angkop sa mga tao sa inyong teritoryo? Sapagkat ito’y tumatalakay sa mga pangyayaring nagaganap sa mga huling araw na ito. Di ba’t interesado ang mga palaisip na tao sa hinaharap gaya ng inihahayag ng Diyos? Bukod pa sa paglalarawan sa mga kahatulan ng Diyos, ito ay naghaharap din ng mga pangako hinggil sa mga kamangha-manghang pagpapala sa hinaharap.—Apoc. 21:1-5.

3 Ang aklat na Apocalipsis ba ay napakalalim upang maunawaan ng madla? Maliwanag na hindi naman napakahirap nito para sa iba. Sabi ng isang tao: “Makapangyarihan ang impormasyon nito. Subalit ito’y kapanapanabik. Gusto ko ito.” Isang ministro ang nagsabi: “Kailanma’y hindi ako nakaalam o nakabasa ng anuman na higit na kapanapanabik at makatotohanan kaysa aklat na ito!” Ang isa pa na nakabasa ng aklat nang wala pang isang linggo ay nagkomento: “Ngayon ang aking mga mata ay bukás na bukás sa katotohanan. Nais kong lubusang baguhin ang buong buhay ko.” Maliwanag, marami ang nakakasumpong ng kaligayahan habang kanilang binabasa ang aklat ng Apocalipsis taglay ang kaunawaan sa kauna-unahang pagkakataon at nagpapasimulang tuparin ang mga salita nito.

4 Irekomenda ang Aklat na Apocalipsis sa Iba: Sa Marso, masiglang ialok ang aklat na Apocalipsis sa iba. Banggitin sa mga ngnanais na bumasa nito na markahan nila ang mga bahagi ng aklat na hindi nila nauunawaan, at sa pagbabalik ninyo, tatalakayin ninyo ang mga puntong iyon sa kanila. Ito ay naglalaan ng karagdagang saligan para sa isang pagdalaw muli.

5 Bukod pa sa ministeryo sa bahay-bahay, marami ang nagtagumpay sa impormal na pag-aalok ng aklat na Apocalipsis sa mga kamag-anak, mga kakilala, at mga kasama sa negosyo. Ipaliwanag kung papaanong kayo ay nakinabang nang personal mula sa maliwanag na mga ilustrasyon, nakatutulong na mga tsart, at iba pang mga pantulong sa pagtuturo na nasa aklat. Ito’y maaaring makapagpasigla sa iba na suriin ang aklat ng Apocalipsis.

6 Anong pribilehiyo na magkaroon ng kaalaman sa mga pangyayari sa kinabukasan na isinisiwalat sa aklat ng Apocalipsis! Taglay ang gayong kaalaman, may pananabik nating ipahayag ang kahulugan ng Salita ng Diyos sa lahat ng mga makikinig. Habang ginagawa natin ito, inaasahan natin na marami pa ang makikisama sa atin sa paggawa ng kalooban ng ating Maylikha.—Apoc. 4:11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share