“Patuloy na Gawin Ito sa Pag-alaala sa Akin”
1 Ipinag-utos ni Jesus sa kaniyang mga alagad na ipagdiwang ang anibersaryo ng kaniyang kamatayan. (Luc. 22:19) Sa taóng ito ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ay magdiriwang ng Memoryal ng kamatayan ni Kristo sa Biyernes, Abril 17, paglubog ng araw.
2 Personal na Paghahanda: Papaano tayo makapaghahanda para sa angkop na pagdiriwang ng mahalagang okasyong ito? Ang isang paraan ay ang may pananalanging pagbubulaybulay sa makalupang buhay at ministeryo ni Jesus. (Mat. 20:28) Upang tulungan ang bawat isa na mapahalagahan ang paglalaang ito, inirerekomenda naming isaalang-alang ang mga kabanata 112 hanggang 116 ng Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman.
3 Ang ating pagbabasa ng Bibliya bago ang Memoryal sa taóng ito ay naglalaman ng mga talatang mula sa aklat ng Marcos. Ang pantanging pagbabasang ito ng Bibliya ay naka-eskedyul sa Abril 12-17. Nanaisin nating lahat na gumamit ng sapat na panahon upang bulaybulayin ang makabagbag-damdaming pangyayaring ito.
4 Lubos na Paghahanda ng mga Matatanda: May sapat bang upuan para sa lahat ng inaasahang dadalo? Kung mahigit sa isang kongregasyon ang gagamit ng bulwagan, ang kaayusan ay kailangan upang ang bawat kongregasyon ay magkaroon ng sapat na panahon upang ipagdiwang ang Memoryal. Ang mga naglilingkod na attendant ay dapat na tagubilinan sa kanilang gagawin. Nanaisin nilang manguna sa pagbati sa mga baguhang magsisidalo. Isang talagang kuwalipikadong tagapagsalita ang kailangang piliin. Mag-atas ng maaasahang mga matatanda o mga ministeryal na lingkod para magpasa ng mga emblema. Ang tinapay na walang lebadura at walang halong mapulang alak ay dapat na ihanda. Para sa karagdagang mga paalaala, pansinin ang Pebrero 15, 1985, isyu ng The Watchtower, pahina 19.
5 Sa pamamagitan ng patiunang paghahanda, ating itatanghal na tayo ay lubusang nagpapahalaga sa kahulugan ng pantanging okasyong ito at ninanasa nating ipagdiwang ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo alinsunod sa utos ni Jesus.—1 Cor. 11:23-26.
[Kahon sa pahina 7]
1. Ang bawat isa ba, lakip na ang tagapagsalita, ay napatalastasan na sa oras at lugar ng selebrasyon? May masasakyan ba ang tagapagsalita?
2. May naisagawa bang tiyak na mga kaayusan sa paglalaan ng mga emblema?
3. May mga kaayusan bang naisagawa para may magdala ng isang malinis na mantel at mga kinakailangang dami ng baso at plato?
4. Anong mga kaayusan ang naisagawa sa paglilinis ng bulwagan?
5. May naatasan na bang mga attendant at tagapagsilbi? May naka-eskedyul na bang pulong kasama ng mga ito bago ang Memoryal upang repasuhin ang kanilang mga tungkulin? Kailan?
6. Kumpleto na ba ang kaayusan upang tulungan ang mga may edad at mga may kapansanang kapatid? May mga kaayusan ba upang mapagsilbihan ang sinumang pinahiran na maaaring hindi makadalo sa Kingdom Hall?