Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/92 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Hulyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Hulyo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Subtitulo
  • Linggo ng Hulyo 6-12
  • Linggo ng Hulyo 13-19
  • Linggo ng Hulyo 20-26
  • Linggo ng Hul. 27–Agos. 2
  • Linggo ng Agosto 3-9
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 7/92 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Hulyo

Linggo ng Hulyo 6-12

Awit 80

10 min: Lokal na mga patalastas at angkop na Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Talakayin ang mga litaw na punto sa pinakahuling labas ng mga magasin na maaaring gamitin sa paglilingkod sa larangan sa dulong sanlinggong ito.

15 min: “Parangalan ang Maylikha ng Lahat ng mga Bagay.” Tanong-sagot. Magpasigla para sa ating alok na aklat na Creation sa buwang ito. Talakayin ang iba’t ibang pagkakataon sa paglalagay ng publikasyon, at pasiglahin lalo na ang mga kabataan na magdala nito sa paaralan. Sa maraming pagkakataon ang basta pagpapakita lamang ng aklat ay sapat na upang akitin ang mga kamag-aral at mga guro. Humingi sa tagapakinig ng iba pang mga mungkahi sa paglalagay ng aklat sa impormal na paraan.

20 min: “Paghaharap ng Aklat na Creation.” Talakayin at itanghal ang ilang mungkahi sa artikulo. Sa isang pagtatanghal ipakita kung papaanong gagamitin ang tuwirang paraan ng pagpapasimula sa mga pag-aaral. Gayundin, ipakita kung papaanong ang ilan sa mga puntong nabanggit sa parapo 6 ay maaaring mabisang gamitin sa paglilingkod sa larangan.

Awit 225 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 13-19

Awit 145

10 min: Mga patalastas. Ihanda nang patiuna ang dalawang regular o auxiliary payunir upang magbigay ng komento sa mga pambungad na kanilang nasumpungang mabisa sa paggawa sa lokal na teritoryo.

20 min: “Magkaroon Kayo ng Espiritu ng Pagsasakripisyo sa Sarili!” Pahayag sa artikulo sa Pebrero 1, 1992, Bantayan, pahina 25-8. Idiing ang pagkakaroon ng espiritu ng pagsasakripisyo sa sarili ay hindi opsiyonal kundi isang Kristiyanong kahilingan. Hindi tayo nawawalan sa pamamagitan ng pagsasakripisyo sa materyal na mga bagay at paglilibang upang itaguyod muna ang mga kapakanan ng Kaharian.

15 min: Pakikipag-usap ng matanda sa ilang huwarang kabataan. Talakayin ang mga pangunahing punto sa aklat na Tanong ng mga Kabataan, kabanata 17, “Dapat ba Akong Huminto sa Pag-aaral?” Idiin ang pangangailangang giyahan ng mga magulang ang mga kabataan sa pagpili ng kurso na makatutulong sa kanila sa pagkakaroon ng kasanayan ukol sa kanilang kinabukasan sa organisasyon ng Diyos at sa pagtataguyod sa mga kapakanan ng Kaharian. Kakailanganin ding magbigay ng halimbawa ang mga magulang sa pamamagitan ng pag-una sa mga kapakanan ng Kaharian at hindi pinahihintulutan ang anumang bagay na makahadlang sa mga pulong at paglilingkod.

Awit 61 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 20-26

Awit 34

10 min: Mga patalastas. Banggitin ang mga tampok na bagay sa ulat ng paglilingkod nang nakaraang buwan, at ihambing ito sa ulat ng Pilipinas noong Marso sa labas na ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Ibigay ang ulat ng kuwenta. Papurihan ang kongregasyon sa naisagawang paglilingkod sa larangan at sa bukas-palad na pagtangkilik sa gastusin ng kongregasyon.

20 min: “Makikibahagi ba Kayo sa Impormal na Pagpapatotoo sa Buwang Ito?” Talakayin at itanghal ang mga punto sa artikulo. Idiin ang bagay na tayo’y mga Saksi ni Jehova sa lahat ng panahon, anupat nanaisin nating humanap ng mga pagkakataon upang makapagpatotoo. Ihanda nang patiuna ang dalawang maiikling karanasan kung saan ang mga indibiduwal ay gumawa ng impormal na pagpapatotoo taglay ang mabubuting resulta o kung saan naging interesado sa katotohanan ang isa sa kongregasyon dahilan sa impormal na pagpapatotoo.

15 min: Pahayag salig sa artikulong “Tanong ng mga Kabataan . . . Bakit Dapat Akong Puspusang Mag-aral sa Paaralan?” sa Abril 8, 1992 isyu ng Gumising! Ang pahayag na ito ay dapat magdiin na ang pag-aaral sa eskuwelahan ay hindi lamang para makatapos o magtamo ng mabubuting marka kundi ito’y naglalagay ng isang mabuting pundasyon para sa buhay sa kinabukasan at nagtuturo ng mabubuting paggawi na makatutulong sa atin sa pambuong panahong paglilingkod.

Awit 154 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hul. 27–Agos. 2

Awit 173

5 min: Mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Sa pagtalakay nito, paghambingin ang kasalukuyang ulat at ang impormasyon sa sangay na iyon sa 1986 taon ng paglilingkod gaya ng masusumpungan sa 1987 Yearbook.

20 min: “Pagpapayunir—Isang Kapahayagan ng Pag-ibig.” Tanong-sagot. Pagkatapos talakayin ang mga parapo 3 at 4, kapanayamin ang tatlong regular payunir (o mamamahayag na regular o pana-panahong nag-aauxiliary payunir), lakip na ang isang kabataang regular payunir na nagpayunir kaagad pagkatapos tumigil sa pag-aaral, kung mayroon nito. Itanong kung papaano nila isinaayos ang kanilang gawain upang makapagpayunir, ano ang nagpakilos sa kanilang gawin iyon, anong sakripisyo sa materyal na paraan ang kanilang ginawa, at anong mga pagpapala ang kanilang tinanggap samantalang naglilingkod bilang mga regular payunir.

20 min: “Pagbabalik Taglay ang Tunguhing Pasimulan ang Isang Pag-aaral sa Bibliya.” Pagtalakay at mga pagtatanghal. Itanghal ang iminungkahing paksa sa Bibliya sa parapo 3. Gamitin ang mga parapo 10-12 sa mga pahina 238-9 ng aklat na Creation bilang isang saligan para mapasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya. Idiin ang kahalagahan ng paglalatag ng pundasyon sa unang pagdalaw sa pamamagitan ng pagbabangon ng katanungang sasagutin ninyo sa inyong pagbabalik, anupat gumagaan ang pagsasagawa ng pagdalaw muli.

Awit 135 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 3-9

Awit 90

10 min: Mga patalastas. Magsaayos ng dalawang maiikling pagtatanghal na nagpapakita kung papaano magagawa ang isang maka-Kasulatang pagtalakay kapag inihaharap ang mga brochure sa paglilingkod sa larangan sa dulong sanlinggong ito. Ipatalastas sa kongregasyon kung aling brochure ang maaaring makuha bilang alok sa Agosto at Setyembre.

15 min: “Apostolikong Paghahalili.” Sinamahan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang isang payunir sa pagdalaw muli sa isang tao na nagbangon ng katanungang: “Hindi ba’t ang papa ang kahalili ni apostol Pedro?” Isalig ang pagtalakay sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 34-6 hanggang sa ikalawang sub-titulo sa pahina 36 (pahina 37-9 sa Ingles).

20 min: Lokal na pangangailangan. Maaaring repasuhin ang mga punto sa huling pansirkitong asamblea o pantanging araw ng asamblea na maaaring ikapit sa lokal na kalagayan. O, isang kuwalipikadong matanda ang maaaring magbigay ng pahayag sa paksang, “Pagpapayo Salig sa Pag-ibig” batay sa artikulo ng Abril 15, 1992 ng Bantayan, mga pahina 23-5.

Awit 167 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share