Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/93 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Marso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Marso
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Subtitulo
  • Linggo ng Marso 8-14
  • Linggo ng Marso 15-21
  • Linggo ng Marso 22-28
  • Linggo ng Mar. 29–Abr. 4
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 3/93 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Marso

Linggo ng Marso 8-14

Awit 171

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Itampok ang presentasyon ng magasin salig sa kasalukuyang mga isyu.

15 min: “Apocalipsis—Nabuksang mga Hiwaga.” Tanong-sagot na pagsaklaw sa artikulo.

20 min: “Paghaharap sa Aklat na Apocalipsis.” Talakayin ang unang parapo sa tagapakinig, pagkatapos ay isaayos ang tatlong presentasyon salig sa mga mungkahi sa mga parapo 2 hanggang 4.

Awit 215 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 15-21

Awit 126

10 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang mga litaw na punto sa kasalukuyang mga magasin. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa dulong sanlinggong ito.

20 min: “Pakikipagtulungan sa Ating Konduktor sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.” Tanong-sagot.

15 min: “Hindi mga Tagapaglako ng Salita ng Diyos.” Pahayag ng punong tagapangasiwa o ng iba pang matanda salig sa mga pahina 26-9 ng Disyembre 1, 1992, Bantayan. Masiglang papurihan ang mga kapatid sa kanilang bahagi sa pagtataguyod sa pambuong daigdig na gawain ng Samahan at ng lokal na kongregasyon. Maaari ding banggitin kung ano ang ginagawa ng kongregasyon bilang pagsuporta sa Kingdom Hall Fund ng Samahan at sa anumang lokal na proyekto ng pagtatayo na maaaring isinasagawa sa kasalukuyan.

Awit 53 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 22-28

Awit 143

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Sabihin ang pagpapahalaga ng Samahan sa mga ipinadalang abuloy, at papurihan ang kongregasyon sa matapat na pagtangkilik sa lokal na mga pangangailangan. Ipagunita sa lahat ang pantanging pahayag pangmadla na idaraos sa dulong sanlinggong ito sa karamihan ng mga kongregasyon sa buong daigdig.

20 min: “Ituro . . . ang Lahat ng mga Bagay na Iniutos Ko sa Inyo.” Tanong-sagot na pagtalakay sa mga tagapakinig. Sa pagtalakay sa mga parapo 4 at 5, magbigay ng iba pang halimbawa ng mga teksto at mga publikasyon na aangkop sa lokal na mga kalagayan. Magkaroon ng isang inihandang mabuting pagtatanghal na nagpapakita kung papaano gagawin ang pagtatawid mula sa panimulang salita tungo sa isa sa mga tract. Isaalang-alang ang isa o dalawang parapo sa tract habang ipinahihintulot ng panahon.

15 min: “Dugo,” aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 141-2 (72-4 sa Ingles). Gamitin ang tagpo ng pagdalaw muli kung saan itinanong ng maybahay ang mga tanong na lumilitaw sa materyal sa mas malalaking titik. Ang tugon ng mamamahayag ay dapat salig sa komento ng aklat na Nangangatuwiran.

Awit 181 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mar. 29–Abr. 4

Awit 150

10 min: Lokal na mga patalastas. Himukin ang lahat na magkaroon ng isang mainam na pasimula sa Abril sa pamamagitan ng pakikibahagi sa paglilingkuran sa dulong sanlinggong ito. Teokratikong mga Balita.

20 min: “Ang Inyong Pagpapahalaga sa Kamatayan ni Kristo.” Pahayag na may kasamang pagtatanghal. Pagkatapos na isaalang-alang ang parapo 6, itanghal kung papaano aanyayahan ng mamamahayag ang estudiyante sa Bibliya sa Memoryal. Ipatalastas ang pangwakas na mga kaayusang lokal para sa Memoryal.

15 min: “Piliin ang Angkop na mga Litaw na Punto.” Tanong-sagot na pagtalakay. Ang gaganap ng bahaging ito ay dapat na magbigay ng mga halimbawa kung papaano pipili ng angkop na mga artikulo sa magasin para sa iba’t ibang uri ng tao, na ginagamit ang pinakabagong mga isyu ng Marso at Abril na makukuha sa kongregasyon.

Awit 211 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share