Teokratikong mga Balita
French Guiana: Ang ulat ng Oktubre ay nagpapakita ng ika-15 sunod-sunod na peak sa mamamahayag, taglay ang 948 na nag-ulat. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagka-aberids ng 15.1 oras sa paglilingkod sa larangan.
Hong Kong: Isang bagong peak na 2,704 na mga mamamahayag ang naabot noong Oktubre. Nakasisiyang makita na sila’y nagdaos ng 4,043 mga pag-aaral sa Bibliya.
Jamaica: Ang unang Assembly Hall sa Jamaica ay inialay noong Nobyembre 7, 1992, na dinaluhan ng 4,469.
Madagascar: Limang “Mga Tagapagdala ng Liwanag” na mga Pandistritong Kombensiyon ang dinaluhan ng 10,694, at 241 ang nabautismuhan. Ang dumalo ay doble ng kanilang peak na mamamahayag na 4,542.
Dominican Republic: Sa 15,418 na nag-ulat, natamo nila ang 20 porsiyentong pagsulong sa mga mamamahayag kaysa sa nakaraang taon ng paglilingkod. Mahigit sa 20 porsiyento ng mga mamamahayag ay nasa pambuong panahong paglilingkod.
Pilipinas: Ang tatlumput pitong “Mga Tagapagdala ng Liwanag” na mga Pandistritong Kombensiyon ay dinaluhan ng 277,691, at 4,099 ang nabautismuhan. Sa 34 na mga kombensiyong idinaos noong nakaraang taon, ang dumalo ay 265,686, at 4,093 ang nabautismuhan.