Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/94 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
km 3/94 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Marso: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱80.00. Hunyo: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. (Para sa mga hindi nagsasalita ng Ingles, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? ay maaaring ialok bilang kahalili sa ₱20.00.) PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).

◼ Pasimula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Ang Pagiging Hiwalay ng Kristiyano sa Sanlibutan—Bakit Kapakipakinabang” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.

◼ Ang punong tagapangasiwa o sinumang inatasan niya ay dapat mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karakaraka pagkatapos nito hangga’t maaari. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag naisagawa na ito.

◼ Ang pamagat ng pantanging pahayag pangmadla sa Abril 10 na ipinatalastas sa Enero ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay pinalitan ng “Ang Tunay na Relihiyon ay Nakatutugon sa mga Pangangailangan ng Lipunan ng Tao.”

◼ Isang mainam na artikulo hinggil sa kahigitan ng Bagong Sanlibutang Salin ang inilathala sa Cebuano, Iloko, at Tagalog na edisyon ng Marso 8, 1994 ng Gumising! Ito’y pinamagatang “Isang Bibliya sa Wika ng Pang-araw-araw na Buhay.” Ang lahat ng gumagamit ng Cebuano, Iloko, at Tagalog ay magnanais na lubusang gumamit ng bagong salin sa mga pulong at paglilingkod sa larangan.

◼ Muling Nilimbag na mga Tomo ng Watchtower: Kami ay tumanggap ng muling nilimbag na mga tomo ng Ingles na Watchtower sa sumusunod na mga taon: 1984, 1985, 1986, 1987, 1988, 1989, at 1990. Yaong mga baguhan sa katotohanan o mga kongregasyon na nagnanais na makompleto ang kanilang mga aklatan ay walang alinlangang magnanais na pumidido nito. Ang kontribusyon ay ₱120.00 bawat tomo.

◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:

Watch Tower Publications Index 1991-1992 (Mamamahayag at publiko: ₱20.00; payunir: ₱15.00)—Ingles

◼ Eskedyul ng pagbabasa sa Bibliya sa linggo ng Memoryal:

Lunes, Marso 21 (Nisan 9) Juan 12:12-19; Mar. 11:1-11

Martes, Marso 22 (Nisan 10) Juan 12:20-50

Miyerkules, Marso 23 (Nisan 11) Luc. 21:1-36

Huwebes, Marso 24 (Nisan 12) Mar. 14:1, 2, 10, 11: Luc. 22:1-6

Biyernes, Marso 25 (Nisan 13) Mat. 26:17-19; Mar. 14:12-16; Luc. 22:7-13

Sabado, Marso 26 (Nisan 14) Juan 19:1-42

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share