Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Nobyembre
Linggo ng Nobyembre 6-12
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Gawin ang Lahat ng Bagay Para sa Kaluwalhatian ng Diyos.” Tanong-sagot na pagtalakay ng artikulo. Ikapit ang mga mungkahi na maaaring lumitaw sa lokal na kalagayan kapag nagsasaayos ng mga pagtitipong sosyal.
20 min: “Lahat ng Kasulatan ay Kapaki-pakinabang sa Pagtuturo.” Talakayin ang mga katangian ng New World Translation, na nagpapakita kung bakit ito ay nakahihigit sa iba. Ipaliwanag ang mga bentaha ng pagkakasalin sa makabagong wika. (Tingnan ang aklat na “Ang Lahat ng Kasulatan,” pahina 328, mga parapo 4-6.) Magtanghal ng dalawang presentasyon.
Awit 2 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 13-19
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: “Regular na Pagdalo sa Pulong—Mahalaga sa Pananatili Nating Matatag.” Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig.
20 min: “Gumawi sa Paraang Karapat-dapat sa Mabuting Balita.” Tanong-sagot. Gumawa ng karagdagang komento salig sa Hunyo 15, 1989, ng Bantayan, mga pahina 16-17, mga parapo 5-9.
Awit 23 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 20-26
5 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “1995 ‘Maliligayang Tagapuri’ na Pandistritong Kombensiyon.” Tanong-sagot na pagkubre sa mga parapo 1-16 ng insert.
20 min: “Tulungan ang Iba na Makilala ang Kahalagahan ng Bibliya.” Tatalakayin ng matanda kasama ng dalawa o tatlong mamamahayag kung bakit dapat tayong gumawa ng mga pagdalaw-muli taglay ang tunguhing pasimulan ang mga pag-aaral sa Bibliya. Repasuhin at pagkatapos ay itanghal ang mungkahing mga presentasyon para sa mga pagdalaw-muli, gaya sa isang sesyon ng pagsasanay.
Awit 8 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nob. 27–Dis. 3
10 min: Lokal na mga patalastas. Gumamit ng ilang minuto sa pagtalakay sa mga litaw na punto sa aklat na Pinakadakilang Tao at itanghal ng may kakayahang mamamahayag kung papaano ito mabisang iaalok sa panahon ng makasanlibutang kapistahan sa Disyembre.
15 min: “Panatilihing Nakapako ang Inyong mga Kaisipan sa mga Bagay na Nasa Itaas.” Tanong-sagot.
20 min: “1995 ‘Maliligayang Tagapuri’ na Pandistritong Kombensiyon.” Tanong-sagot na pagkubre sa mga parapo 17-29 ng insert. Habang ipinahihintulot ng panahon, repasuhin ang “Mga Paalaala sa Pandistritong Kombensiyon” at ilang punto mula sa “Simplipikasyon ng 1995 Pandistritong Kombensiyon,” na lumitaw sa Mayo, 1995 na Ating Ministeryo sa Kaharian.
Awit 78 at pansarang panalangin.