Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/95 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Disyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Disyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Subtitulo
  • Linggo ng Disyembre 4-10
  • Linggo ng Disyembre 11-17
  • Linggo ng Disyembre 18-24
  • Linggo ng Disyembre 25-31
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 12/95 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Disyembre

Linggo ng Disyembre 4-10

Awit 181

10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Bigyan ng pantanging pagdiriin ang ikatlong patalastas sa pahina 7 hinggil sa maagang pakikibahagi sa paglilingkod sa Disyembre at pagtiyak na maibigay ang mga ulat bago lumisan para sa isang pandistritong kombensiyon.

15 min: “Purihin si Jehova Araw-araw.” Tanong-sagot. Basahin ang mga parapo. Maglahad ang isa o dalawang mamamahayag ng nakapagpapatibay na mga karanasang tinamasa sa pagpapatotoo nang impormal.

20 min: “Pag-aalok ng Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman.” Repasuhin ang mungkahing mga presentasyon, at itanghal ang isa o dalawa sa mga ito.

Awit 224 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 11-17

Awit 201

13 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Repasuhin sa maikli ang ilang dahilan kung bakit tayo dapat magplano ukol sa lubos at makabuluhang bahagi sa paglilingkod sa larangan. Sa halip na limitahan ang ating sarili sa isang oras lamang kapag tayo’y lumalabas, bakit hindi isaayos na manatili sa larangan ng dalawang oras o higit pa hangga’t maaari? Ang tagumpay ay kadalasang depende sa pagpaplano ng mga pagdalaw-muli nang patiuna at pagsasaayos na gumawang kasama ng iba na nagpaplanong manatili sa larangan ng dalawang oras o higit pa.

15 min: Lokal na mga pangangailangan. O isang pahayag salig sa artikulong “Mga Gantimpala ng Pagtitiyaga,” mula sa Agosto 1, 1995, Bantayan, mga pahina 25-9.

17 min: “Paghandaan at Tamasahin ang mga Pulong ng Kongregasyon.” Pahayag at pagtalakay. Anyayahan ang isa o dalawang mamamahayag upang ilahad kung ano ang ginagawa nila na nakatutulong sa kanilang tamasahin ang mga pulong at makuha ang ganap na kapakinabangan mula sa mga ito.

Awit 28 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 18-24

Awit 139

10 min: Lokal na mga patalastas. Magbigay ng ilang mungkahi kung papaano mataktikang sasagutin ang mga pagbati sa panahon ng kapistahan. Ipatalastas ang pantanging mga kaayusan sa pagpapatotoo sa Disyembre 25.

15 min: “Patuluyang Pinasisikat ang Ating Liwanag.” Tanong-sagot na pagsaklaw sa mga parapo 1-9 ng insert.

20 min: “Bumalik Doon sa mga Nagpakita ng Interes.” Repasuhin ang mungkahing mga presentasyon, at magkaroon ng dalawang maikling pagtatanghal. Pasiglahin ang lahat na gumawa ng mga pagdalaw-muli taglay ang tunguhing magpasimula ng mga pag-aaral sa aklat na Pinakadakilang Tao.

Awit 44 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 25-31

Awit 88

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipatalastas ang pantanging mga kaayusan sa pagpapatotoo sa Enero 1. Repasuhin din ang artikulong, “Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea.”

15 min: Pag-aalok ng Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa Enero. Repasuhin ang mga tampok na bahagi ng aklat na maaaring gamitin upang antigin ang interes ng iba’t ibang uri ng tao. Itanghal ang isang simpleng presentasyon. Kung ang inyong kongregasyon ay maraming suplay ng aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan, ang mga ito ay maaaring ialok bilang kahalili, at ang mga litaw na punto sa aklat na ito ay maaaring talakayin at itanghal.

20 min: “Patuluyang Pinasisikat ang Ating Liwanag.” Pagsasaalang-alang ng mga parapo 10 hanggang 19 ng insert. Pagkatapos ng isang maikling pambungad, ipalalahad ng matanda sa ilang may kakayahang mamamahayag o payunir ang mga karanasan sa mga parapo 10 hanggang 14 ng insert. Ang mga parapo 15 hanggang 19 ay maaaring gampanan sa pamamagitan ng tanong-sagot. Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod kung maaari.

Awit 3 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share