Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/97 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Marso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Marso
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Subtitulo
  • Linggo ng Marso 3-9
  • Linggo ng Marso 10-16
  • Linggo ng Marso 17-23
  • Linggo ng Marso 24-30
  • Linggo ng Mar. 31–Abr. 6
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 3/97 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Marso

Linggo ng Marso 3-9

Awit 53

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na magpasimulang anyayahan ang mga interesado sa Memoryal sa Marso 23. Ipakita ang isang kopya ng paanyaya sa Memoryal, at himukin ang lahat na kumuha ng suplay at magpasimulang ipamahagi ang mga ito sa linggong ito.

15 min: “Patibayin ang Inyong Sambahayan.” Tanong-sagot. Ilakip ang mga karanasan mula sa 1995 Yearbook, pahina 228.

20 min: “Pagtulong sa mga Pamilya na Magkaroon ng Namamalaging Kinabukasan.” (Parapo 1-5) Gumawa ng maikling mga komento sa parapo 1, at pagkatapos ay talakayin kung paano aantigin ang interes sa aklat na Kaligayahan sa Pamilya sa pamamagitan ng paggamit sa mga pamagat ng kabanata, mga ilustrasyon, at mga kahon ng repaso. Ipatanghal sa may kakayahang mamamahayag ang mga presentasyon sa mga parapo 2-5. Pasiglahin ang lahat na gumawa ng pantanging pagsisikap na maisakamay ang aklat sa mga pamilya na dati nang nagpakita ng interes.

Awit 71 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 10-16

Awit 56

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipagunita sa lahat na tiyaking subaybayan ang pagbabasa sa Bibliya sa Memoryal na naka-iskedyul para sa Marso 18-23.

20 min: “‘Ipakita na Kayo ay Mapagpasalamat.’” Tanong-sagot. Ang lahat ay dapat gumawa ng pagsisikap na anyayahan ang mga estudyante sa Bibliya, interesadong mga tao, mga miyembro ng pamilya, at sinumang kapatid na hindi aktibong nakikisama sa kongregasyon upang dumalo sa Memoryal. Pasiglahin ang lahat ng makagagawa nito na mag-auxiliary pioneer sa Abril at Mayo.

15 min: “Pagtulong sa mga Pamilya na Magkaroon ng Namamalaging Kinabukasan.” (Parapo 6-8) Magbigay ng ilang mungkahi na nagpapakita kung paano iaalok ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya kapag gumagawa ng impormal na pagpapatotoo sa trabaho, sa paaralan, sa parke, o sa pampublikong transportasyon, at kapag dumadalaw sa mga kamag-anak. Ipatanghal sa may kakayahang mamamahayag ang mga presentasyon sa parapo 6 at 7. Ang mga pag-aaral ay idaraos sa brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?, taglay ang tunguhing lumipat sa aklat na Kaalaman, o ang pag-aaral ay maaaring pasimulan sa aklat na Kaalaman mismo.

Awit 72 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 17-23

Awit 63

15 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang “Mga Paalaala sa Memoryal,” at balangkasin ang lokal na mga kaayusan sa Memoryal. Ang lahat ay dapat na gumawa ng pangwakas na mga plano upang tulungan ang mga estudyante sa Bibliya at mga taong interesado na makadalo.

15 min: Lokal na mga pangangailangan. O pahayag ng isang matanda sa artikulong “Mayroon Ka Bang Maka-Diyos na Pangmalas sa Inuming De-Alkohol?” mula sa Disyembre 15, 1996, Bantayan, pahina 25-9.

15 min: Gamiting Mabuti ang 1997 Yearbook of Jehovah’s Witnesses. Nirepaso ng ama ang mga tampok na bahagi sa mga pahina 3-9 sa kaniyang pamilya. Ipinakita kung bakit tayo ay may dahilan upang magalak na makita ang teokratikong pagsulong sa palibot ng daigdig. Ipinaliwanag ng ama kung paano, sa dumarating na taon, sila ay makagagamit ng ilang minuto bawat araw sa panahon ng pagkain upang basahin nang sunud-sunod ang Yearbook at isaalang-alang ang pang-araw-araw na teksto.

Awit 75 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 24-30

Awit 67

5 min: Lokal na mga patalastas. Ipaliwanag na hindi pa huli upang isumite ang aplikasyon para sa pag-aauxiliary payunir sa Abril. Ipagunita sa lahat na dumalo at anyayahan ang mga taong interesado sa pantanging pahayag pangmadla na “Manatiling Malinis Mula sa Karumihan ng Sanlibutan” sa Abril 6.

28 min: “Mag-ipon ng Katapangan Upang Gumawa ng mga Pagdalaw-muli.” (Parapo 1-20) Tanong-sagot. Itanghal sa maikli ang parapo 16.

12 min: Pagtulong sa Isang Bagong Mamamahayag na Makapagsimula. Repasuhin ang parapo 19 ng Hunyo 1996 ng Insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Itanghal kung paano inihahanda ng isang may kakayahang mamamahayag ang isang estudyante sa Bibliya na kamakailan lamang naaprobahan ng mga matatanda bilang isang di-bautisadong mamamahayag. Magkasama nilang nirepaso ang aklat na Ating Ministeryo, pahina 111, parapo 2. Ipinaliliwanag ng makaranasang mamamahayag kung ano ang dapat asahan kapag nakikibahagi sa pagpapatotoo sa bahay-bahay subalit hindi kailangang masiraan ng loob kung ang karamihan ay hindi tumugon. Ilahad ang isang nakapagpapatibay na karanasan na nagpapakita ng kagalakan kapag nakasusumpong ng taong nakikinig nang taimtim. Magkasama silang naghanda ng isang maikli, simpleng presentasyon sa magasin at pagkatapos ay ininsayo iyon.

Awit 89 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mar. 31–Abr. 6

Awit 70

15 min: Lokal na mga patalastas. Ipatalastas ang mga pangalan ng lahat ng mga auxiliary pioneer sa Abril. Repasuhin ang “Tanong.”

20 min: “Mag-ipon ng Katapangan Upang Gumawa ng mga Pagdalaw-Muli.” (Parapo 21-35) Tanong-sagot. Repasuhin ang kahon sa pahina 3.

10 min: Repasuhin ang Alok na Literatura sa Abril. Ialok ang mga suskrisyon at indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Repasuhin sa maikli ang mga mungkahi kung paano maghahanda ng mga presentasyon sa parapo 3, 4, at 8 sa pahina 8 ng Oktubre 1996 na Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipatanghal sa dalawang mamamahayag ang isa o dalawang maikling presentasyon. Ang mga mamamahayag ay dapat mag-ingat ng rekord ng mga tumanggap ng mga magasin at idagdag ang mga ito sa kanilang ruta ng magasin.

Awit 92 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share