Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/97 p. 2
  • Bakit Nila Ginagawa Iyon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Nila Ginagawa Iyon?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Paglilingkurang Payunir—Ito ba’y Para sa Inyo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Ang mga Pagpapala sa Ministeryong Pagpapayunir
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Ang mga Payunir ay Nagkakaloob at Tumatanggap ng mga Pagpapala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Ngayon Na ang Panahon Upang Mangaral!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 4/97 p. 2

Bakit Nila Ginagawa Iyon?

1 Inihula tungkol kay Kristo na ‘siya’y napuspos ng sikap para sa bahay ng Diyos.’ (Awit 69:9) Ang sikap ni Jesus para sa tunay na pagsamba kay Jehova ay nagbunsod sa kaniya upang unahin ang ministeryo. (Luc. 4:43; Juan 18:37) Ang sigasig na ito ay namamalas ngayon sa ministeryo ng mga Saksi ni Jehova. Noong nakaraang taon, may aberids na 645,509 sa buong daigdig na nakibahagi sa paglilingkurang payunir bawat buwan. Dahilan sa ating pag-aalay sa Diyos, ang bawat isa sa atin ay dapat na may pananalanging magsaalang-alang kung tayo ay maaaring maglingkod bilang isang auxiliary o regular pioneer.—Awit 110:3; Ecles. 12:1; Roma 12:1.

2 Ang karamihan sa materyalistikong sanlibutang ito ay nahihirapang makaunawa kung bakit may nagpapagal sa ministeryo nang hindi tumatanggap ng anumang kita o katanyagan. Bakit nila ginagawa iyon? Nalalaman ng mga payunir na sila’y gumagawa ng nagliligtas-buhay na gawain. Napakikilos ng pag-ibig kay Jehova at sa kanilang kapuwa, sila’y nakadarama ng personal na obligasyon upang tumulong sa pagliligtas ng buhay. (Roma 1:14-16; 1 Tim. 2:4; 4:16) Ang isang mag-asawang payunir ay nagsabi: “Bakit ba kami nagpapayunir? May maikakatuwiran ba kami kay Jehova kung hindi kami nagpayunir?”

3 Ang isang kapatid na babae ay sumulat ng ganito hinggil sa kaniyang pasiyang magsimulang magpayunir: “Ako at ang aking asawa ay nagplanong pagkasiyahin ang suweldo ng isa, na nangangahulugang aalisin yaong lahat ng hindi kailangan. Gayunman, mayamang pinagpala kami ni Jehova, hindi kailanman kami pinabayaan. . . . Nasumpungan ko ang tunay na dahilan ng buhay—ang pagtulong sa mga nangangailangan upang malamang si Jehova ay hindi malayo doon sa mga humahanap sa kaniya.” Ang mga payunir ay kontento kung ano ang talagang kailangan sa buhay samantalang pinagsisikapan nilang magkaroon ng espirituwal na mga kayamanan na mananatili magpakailanman.—1 Tim. 6:8, 18, 19.

4 Kung nagpapahintulot ang inyong personal na mga kalagayan, bakit hindi makisama sa daan-daang libong mga payunir sa buong daigdig at maranasan ang gayon ding kagalakan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share