Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/97 p. 2
  • Pulong sa Paglilingkod sa Abril

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pulong sa Paglilingkod sa Abril
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Subtitulo
  • Linggo ng Abril 7-13
  • Linggo ng Abril 14-20
  • Linggo ng Abril 21-27
  • Linggo ng Abr. 28–Mayo 4
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 4/97 p. 2

Pulong sa Paglilingkod sa Abril

Linggo ng Abril 7-13

Awit 100

12 min: Lokal na patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Banggitin ang puntong mapag-uusapan sa bagong mga magasin.

15 min: “Pagkarami-rami ang Naidaragdag.” Tanong-sagot. Repasuhin ang mga mungkahi sa Agosto 15, 1993, Bantayan, pahina 12-17.

18 min: “Tulungang Makaunawa ang mga Walang Karanasan.” Tanong-sagot. Repasuhin ang mga katangian ng brosyur na Hinihiling: simpleng paraan ng pag-aaral, napapanahong mga katanungan, nakaaakit na mga ilustrasyon, saganang maka-Kasulatang reperensiya. Idiin ang tunguhing magpasimula ng mga pag-aaral na sa dakong huli ay maakay sa aklat na Kaalaman. Ipatanghal sa may kakayahang mamamahayag kung paano magpapasimula ng pag-aaral, na ginagamit ang inilahad na paglapit sa parapo 4. Himukin ang lahat ng magulang sa kongregasyon na pag-aralan ang brosyur kasama ng kanilang mumunting anak.

Awit 130 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 14-20

Awit 107

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ilahad ang lokal na mga karanasan hinggil sa pagsasakamay ng brosyur na Hinihiling o ang pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya na ginagamit ito.

15 min: “Akayin ang mga Estudyante sa Organisasyon na Nasa Likod ng Ating Pangalan.” (Parapo 1-6) Tanong-sagot. Basahin ang mga parapo 5-6 at ang binanggit na mga kasulatan.

20 min: “Ituro sa Iba Kung Ano ang Hinihiling ng Diyos.” Pagtalakay ng tagapakinig sa mga parapo 1-4. Itanghal ang mga presentasyon sa parapo 5, na ginagamit ang apat na iba’t ibang tagpo—sa lansangan, sa tahanan, sa lugar ng negosyo, at sa parke. Ipagunita sa lahat na kunin nila ang mga brosyur at mga magasin para sa paglilingkod sa larangan bago umalis sa Kingdom Hall ngayong gabi.

Awit 126 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 21-27

Awit 113

15 min: Lokal na mga patalastas. Ipaliwanag na hindi lubhang huli upang isumite ang aplikasyon para sa pag-aauxiliary pioneer sa Mayo. Talakayin ang mga punto sa “Tanong.”

15 min: “Akayin ang mga Estudyante sa Organisasyon na Nasa Likod ng Ating Pangalan.” (Parapo 7-14) Tanong-sagot. Ipatanghal sa isang kuwalipikadong guro kung paano magkakaroon ng puso-sa-pusong pakikipag-usap sa isang estudyante hinggil sa pangangailangang dumalo sa mga pulong.

15 min: Pahayag ng isang matanda sa artikulong “Kamuhian Natin ang Balakyot” sa Bantayan ng Enero 1, 1997, mga pahina 26-9. Ipakita kung paano kahit na ang isang tao ay pinatawad ni Jehova at ng kaniyang organisasyon, maaari pa rin niyang pagdusahan ang bunga ng kaniyang nakaraang mga pagkilos.

Awit 128 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abr. 28–Mayo 4

Awit 121

15 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat na ibigay ang kanilang mga ulat sa paglilingkod sa larangan sa Abril. Ipatalastas ang mga pangalan niyaong mga magiging auxiliary pioneer sa Mayo. Isang pantanging pagsisikap ang dapat gawin sa Mayo upang subaybayan ang mga naisakamay na brosyur taglay ang tunguhing magpasimula ng mga pag-aaral. Magbigay sa maikli ng mungkahi hinggil sa mga paraan na mataktika nating makukuha ang pangalan at direksiyon ng mga tao na ating napangangaralan nang impormal. Anyayahan ang tagapakinig na magbigay ng mga mungkahi na naging mabisa para sa kanila.

15 min: “Bakit Nila Ginagawa Iyon?” Tatalakayin ng matanda ang artikulo kasama ng dalawa o tatlong regular pioneer. (Kung wala, gamitin yaong mga malimit magpatala bilang auxiliary pioneer.) Ilakip ang mga tampok na bahagi sa artikulong, “Ang mga Payunir ay Nagkakaloob at Tumatanggap ng mga Pagpapala,” sa Enero 15, 1994, Bantayan. Ipaliwanag ng bawat isa kung bakit pinasok niya ang paglilingkurang payunir. Hilingan silang maglahad ng mga karanasan na nagpapakita kung paano sila pinagpala sa pagsasagawa nito.

15 min: Lokal na mga pangangailangan. Maaaring gamitin ng matatanda ang panahong ito upang iharap ang impormasyon hinggil sa espesipikong pangangailangang lokal.

Awit 129 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share