Mga Pulong sa Paglilingkod sa Hulyo
Linggo ng Hulyo 7-13
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Komentuhan ang ulat ng paglilingkod sa larangan noong Abril para sa bansa at para sa lokal na kongregasyon.
15 min: “Ang Katapatan ay Ginagantimpalaan.” Tanong-sagot. Ilakip ang halimbawa na inilahad sa Enero 22, 1993, Gumising!, pahina 18-21.
20 min: “Tulungan ang Iba na Makasumpong ng Kaaliwan.” Pagtalakay sa tagapakinig. Itanghal ang isa o dalawang presentasyon. Anyayahan ang tagapakinig na ilahad ang iba pang paraan kung paano napasimulan nila ang pag-uusap sa gayunding mga brosyur. Magpasigla sa paggamit ng simple, piniling mga salita upang pumukaw ng interes. (Tingnan ang Giya sa Paaralan, pahina 7, mga parapo 9-11.) Banggitin ang iba pang brosyur na maaaring ialok na makukuha sa kongregasyon.
Awit 70 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 14-20
12 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Talakayin ang “Pag-aaralan Natin ang Aklat na Kaligayahan sa Pamilya.”
18 min: “Magpatotoo Saanman May Tao.” Isang pahayag. Habang ipinahihintulot ng panahon, maaaring ibahagi ang karagdagang mga karanasan mula sa 1997 Yearbook, pahina 43-6.
15 min: Mga Magulang—Turuan ang Inyong mga Anak Mula sa Pagkasanggol. Tatalakayin ng matanda ang mga simulain sa Kasulatan na binabalangkas ang pangangailangan para sa mga magulang na turuan ang kanilang mga anak mula sa pagkasanggol. (Kaw. 22:6; 2 Tim. 3:14, 15) Nadarama ng ilang magulang na ang seryosong edukasyon sa Bibliya para sa mga bata ay hindi dapat na ibigay kundi pagsapit nila sa hustong gulang na upang gumawa ng sariling mga pagpapasiya. Sa ganitong mga kaso maraming mga bata ang nabulid sa sanlibutan. Ang espirituwal na instruksiyon ay dapat magsimula sa pagkasanggol. (g97 3/8 26-7; w88 8/1 12-13) Kapanayamin ang mag-asawa na nagpapakita ng pagkabahala sa espirituwalidad ng kanilang mga anak. Ipakita kung paanong nangunguna ang ama subalit ang kapuwa magulang ay gumaganap ng kanilang bahagi sa paglalaan ng regular, isinaayos na mabuting programa ng pagtuturo sa kanilang mga anak. Inilahad ng mag-asawa kung ano ang kanilang ginagawang pagsisikap upang turuan ang kanilang mga anak ng katotohanan, na ikinakapit ang mga mungkahi na ibinigay ng organisasyon sa pagkakaroon ng isang praktikal na programa sa pagtuturo sa tahanan. Idiniin ng matanda ang kahalagahan ng pagkakapit sa anumang ipinapayo ng Salita ng Diyos na dapat gawin ng mga magulang.—Efe. 6:1-4.
Awit 71 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 21-27
12 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang pagtalakay sa “Tanong.”
13 min: “Sinong Yayaon sa Ganang Amin?” Isang positibong pahayag. Ilakip ang pampatibay-loob na mag-regular pioneer at ang karanasang masusumpungan sa insert ng Pebrero 1997 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, parapo 16-17. Yaong mga hindi makapag-regular pioneer ay magnanais na magplano kung sa aling (mga) buwan makapag-aauxiliary pioneer sila sa dumarating na taon ng paglilingkod.
20 min: Maging Handang Gumawa ng Impormal na Pagpapatotoo. Araw-araw, napapaharap tayo sa mga pagkakataong makapagpatotoo sa mga taong nakakatagpo natin. Kapag bumangon ang isang pagkakataon, maaaring matuklasan natin na tayo’y walang Bibliya o mga publikasyon na maaaring gamitin. Magplano nang patiuna. Sa tahanan, maglagay ng ilang literaturang madaling kunin sa tabi ng pintuan kung saan ninyo sinasalubong ang mga bisita. Maglagay ng iba’t ibang literatura sa portpolyo o sa hanbag, at dalhin ito o ilagay sa inyong sasakyan, sa lugar ng inyong trabaho, o sa inyong bihisang silid sa paaralan. Magdala ng ilan sa mga ito kapag kayo ay sumasakay sa pampublikong transportasyon. Magdala ng ilang literatura kapag kayo ay naglalakbay dahilan sa negosyo, naglalakbay tungo sa isang kombensiyon, o nagbabakasyon. Talakayin ang karagdagang mungkahi sa Giya sa Paaralan, pahina 80-2, parapo 11-16. Itanghal sa maikli ang iba’t ibang paraan ng paglapit sa isang ahente, sa isang kamanggagawa, sa isang kamag-aral, sa kapuwa biyahero, o sa isang bakasyunista.
Awit 72 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hul. 28–Agos. 3
12 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat na ibigay ang kanilang ulat sa paglilingkod sa larangan. Repasuhin ang alok na literatura sa Agosto. Pagtuunan ng pansin ang pagdalaw-muli sa mga kumuha ng mga brosyur noong Hulyo, na sinisikap na pasimulan ang mga pag-aaral sa Bibliya. Ginagamit ang insert ng Marso 1997 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, ipakita ang ilang mahahalagang bagay na kailangan para sa isang mabisang pagdalaw-muli. Ang mga pag-aaral ay dapat pasimulan sa brosyur ng Hinihiling o sa aklat na Kaalaman.
18 min: Pahayag ng isang matanda sa artikulong “Mga Kasalan na Nagpaparangal kay Jehova” sa Abril 15, 1997 Bantayan, pahina 23-6.
15 min: Lubusang Ganapin ang Inyong Ministeryo. Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod salig sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 5-8. Idiin ang kahalagahan at pagkaapurahan ng gawaing pangangaral, na pinasisigla ang lahat na dibdibang balikatin ang kanilang pananagutan bilang mga ministro.
Awit 75 at pansarang panalangin.