Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/99 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Abril

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Abril
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Subtitulo
  • Linggo ng Abril 5
  • Linggo ng Abril 12
  • Linggo ng Abril 19
  • Linggo ng Abril 26
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 4/99 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Abril

Linggo ng Abril 5

Awit 55

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Repasuhin ang “Maaari ba Nating Ialok ang Aklat na Creator?” Anyayahan ang lahat ng mga interesado na dumalo sa pantanging pahayag pangmadla sa Abril 18. Ang pahayag ay pinamagatang “Tunay na Pakikipagkaibigan sa Diyos at sa Kapuwa.”

15 min: “May Pananabik na Ipangaral ang Mabuting Balita.” Ipakilala ang artikulo nang hindi lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pagtalakay. Magtapos taglay ang pampatibay-loob batay sa Giya sa Paaralan, pahina 191-2, parapo 12-13.

20 min: “Kung Paano Nagtutulungan ang mga Miyembro ng Pamilya Para sa Lubusang Pakikibahagi—Sa Ministeryo.” Pagtalakay ng isang pamilya. Isaalang-alang ang mga dahilan kung bakit dapat malasin ng pamilya ang paglilingkod sa larangan bilang isang regular na lingguhang rutin na doo’y nakikibahagi ang lahat. Repasuhin ang pampatibay-loob na ibinigay sa Setyembre 1, 1993 ng Bantayan, pahina 17-19, parapo 9-12. Anyayahan ang mga magulang mula sa tagapakinig na ilahad kung paano sila naging matagumpay sa pag-oorganisa ng lingguhang paglilingkod ng kanilang pamilya.

Awit 67 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 12

Awit 112

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Pinag-iibayo ang Pagpapatotoo Habang Nalalapit Na ang Wakas.” Tanong-sagot. Kapanayamin ang isa o dalawang mamamahayag na noo’y hindi sukat akalaing makababahagi sa gawaing pangangaral subalit ngayo’y gumagawa nito nang regular dahilan sa pagpapahalaga sa apurahang pangangailangan na mapalaganap ang mensahe ng Kaharian. Kung ipinahihintulot ng panahon, ilakip ang maiikling karanasan mula sa 1997 Yearbook, pahina 42-8, na nagpapakita kung paanong pinag-ibayo ng mga mamamahayag ang kanilang pagsisikap na magpatotoo sa pamamagitan ng pagpunta kung saan naroroon ang mga tao.

Awit 93 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 19

Awit 79

5 min: Lokal na mga patalastas.

10 min: “Mayroon ba Kayong Tiyak na Pidido?” Isang pahayag ng lingkod na humahawak ng mga magasin na isang matanda o ministeryal hangga’t maaari. Ipabatid sa kongregasyon kung gaano karaming magasin ang tinatanggap bawat buwan at ang iniuulat na aberids na bilang ng naipasakamay. Hindi natin dapat sayangin ang mga magasin. Magbigay ng mga mungkahi na nagpapakita kung paano maipamamahagi ang mga lumang kopya.—Tingnan ang Agosto 1993 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 1.

30 min: “Pagpapayunir—Matalinong Paggamit ng Ating Panahon!” Tanong-sagot. Mag-atas ng tatlong iba’t ibang indibiduwal upang maglahad ng mga karanasang iniharap sa parapo 5-7. Magtapos sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa lahat ng maaaring mag-auxiliary o mag-regular pioneer na isaalang-alang ang pagpapatala para dito. Ang mga aplikasyon ay makukuha mula sa sinumang miyembro ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon. Banggitin na hindi pa huli upang isumite ang aplikasyon para makapag-auxiliary pioneer sa Mayo.

Awit 165 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 26

Awit 70

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat na ibigay ang mga ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Abril. Ipatalastas ang mga pangalan niyaong mga mag-o-auxiliary pioneer sa Mayo at pasiglahin ang iba na mag-aplay. Magbigay ng ilang nakatutulong na mungkahi para sa paghaharap ng bagong mga magasin.—Tingnan ang Oktubre 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 8.

17 min: “Ano ang Dapat Kong Gawin?” Pagkatapos ng isang maikling pagrerepaso ng artikulo sa tagapakinig, subaybayan ang isang tin-edyer na nakikipag-usap sa kaniyang magulang hinggil sa mga plano sa hinaharap pagkatapos ng gradwasyon sa mataas na paaralan. Magkasama nilang nirerepaso ang Hulyo 1998 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4. Ang magulang ay nagbibigay ng payo kasuwato ng pampatibay-loob na inilaan sa Ang Bantayan ng Pebrero 1, 1996, pahina 14, at Disyembre 1, 1996, pahina 17-19. Ngayong binawasan na ang kahilingan sa oras ng payunir, isinasaalang-alang ng tin-edyer ang posibilidad na magpayunir habang tinatapos ang sekular na edukasyon.

18 min: Pakikipanayam sa mga Auxiliary Pioneer. Kakapanayamin ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang ilang mamamahayag na nag-o-auxiliary pioneer sa buwang ito at ang iba pa na gumawa nito noong nakaraan. Anyayahan silang maglahad ng ilang mga pagpapala na kanilang tinamasa, kung ano ang kanilang naisagawa, at kung bakit inaasam nilang makapag-auxiliary pioneer muli sa loob man lamang ng isa o dalawang buwan bawat taon.

Awit 69 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share