Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/99 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Mayo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Mayo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Subtitulo
  • Linggo ng Mayo 3
  • Linggo ng Mayo 10
  • Linggo ng Mayo 17
  • Linggo ng Mayo 24
  • Linggo ng Mayo 31
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 5/99 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Mayo

Linggo ng Mayo 3

Awit 7

8 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Teokratikong mga Balita.

17 min: “Turuan ang Iba Upang Makinabang Sila.” Gumugol nang wala pang isang minuto sa pambungad na komento, at sundan ito ng tanong-sagot na pagtalakay. Sa pamamagitan ng paggamit sa kabanata 13 ng aklat na Kaalaman, ipakita kung paanong ang mga tao ay nakikinabang sa isang praktikal na paraan sa pamamagitan ng pag-aaral, pag-unawa, at pagkakapit ng mga simulain sa Bibliya.

20 min: “Mga Paraan Upang Mapalawak ang Inyong Ministeryo.” Tatalakayin ng dalawang matanda ang artikulo bilang kasagutan sa mga tanong ng mga tagapakinig. Ang isang mamamahayag na tin-edyer, isang mag-asawa, at isang retiradong kapatid na lalaki ay nagtanong hinggil sa mga paraan upang mapalawak nila ang kanilang ministeryo. Nagbigay ng praktikal na mga mungkahi mula sa artikulo at sa kabanata 9 ng aklat na Ating Ministeryo, na nagtutuon ng pansin sa “Ano ba ang Inyong Espirituwal na mga Tunguhin Para sa Hinaharap?,” mga pahina 116-18. Ang mga mamamahayag ay nagpahayag ng pagpapahalaga para sa nakatutulong na impormasyon na inilalaan ng Samahan na nagpapakita kung paano magpaplano para sa isang pinalawak na gawaing paglilingkod sa malapit na hinaharap.

Awit 11 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 10

Awit 15

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

20 min: Itaguyod ang Tunguhin ng Buong-Panahong Paglilingkod. Pagtalakay sa pagitan ng isang matanda at ng isa o dalawang kabataan, salig sa Disyembre 15, 1988 ng Watchtower, pahina 25-7. Pinagsisikapan ng mga kabataan na pagpasiyahan kung anong mga tunguhin ang kanilang itataguyod pagkatapos ng kanilang sekular na edukasyon. Sila’y interesado sa materyal na mga kapakinabangang iniaalok ng mga karera sa sanlibutan. Ipinapakita ng matanda ang mabubuting dahilan kung bakit mas mabuting abutin ang paglilingkurang payunir. Sumasang-ayon ang mga kabataan subalit nag-aalinlangan kung sila’y makapagpapayunir at makapaglalaan sa kanilang sarili ng materyal na pangangailangan. Ipinapakita ng matanda na ang mga magulang ay nababahala rin kung paano nila susuportahan ang kanilang sarili at walang alinlangang sila’y makapagbibigay ng payo na makatutulong sa bagay na ito, na ginagamit ang mga punto mula sa parapo 13 sa pahina 21 ng Agosto 15, 1997 ng Bantayan. Pagkatapos ay ibabahagi niya ang mga karanasan mula sa Disyembre 15, 1988 ng artikulo sa Bantayan, na nagpapakita na ang paglilingkuran bilang payunir ay isang makatuwiran at maaabot na tunguhin na nagdudulot ng kagalakan sa marami. Ang pagtalakay ay nagtapos sa pagpapahayag ng mga kabataan ng pagpapahalaga sa mga komento ng matanda at sa kanilang determinasyon na taimtim na pag-isipan ang pagtataguyod sa tunguhin na magkaroon ng lubusang bahagi sa paglilingkod sa Kaharian.

15 min: Pahayag sa “Paano Ka Makapagpapakita ng Tunay na Kapakumbabaan?” Ito’y salig sa artikulo sa Pebrero 1, 1999, Bantayan, pahina 6 at 7.

Awit 19 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 17

Awit 27

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: “Magplano Nang Patiuna!” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Repasuhin ang lahat ng gawaing teokratiko na isinaplano nang lokal para sa susunod na ilang buwan. Pasiglahin ang bawat isa na markahan ang mga petsa sa kanilang kalendaryo at huwag pahintulutang makahadlang ang iba pang mga bagay.

20 min: Pagsasanay sa mga Anak sa mga Pulong at sa Paglilingkod sa Larangan. Isang pahayag ng matanda. Mula pa sa murang edad, ang ating mga anak ay dapat na dumadalo sa mga pulong at nakikibahagi sa paglilingkod kasama natin. Ang pagsasanay at karanasan na kanilang natatamo ay maglalaan ng isang matibay na saligan ng kanilang pananampalataya at sigasig sa sumusunod na mga taon. Sa mga pulong, ang mga anak ay dapat na umupong katabi ng kanilang mga magulang at hindi dapat pahintulutang makagambala sa iba. Dapat ding iwasan nila ang pagtakbo sa loob o sa labas ng Kingdom Hall bago at pagkatapos ng mga pulong. (Tingnan ang om-TG, pahina 63 at 64.) Kapag nasa paglilingkod, mahalaga na maging seryoso ang mga bata sa ministeryo at gumawi nang wasto. Dapat nilang iwasan ang magaslaw na paggawi; ang paglilingkod ay hindi panahon para sa paglalaro. Makabubuti para sa kanila na gumawang kasama ng mga adulto. Sila’y kailangang tulungang makabahagi sa pagbibigay ng mga presentasyon ayon sa kanilang mga kakayahan. (Tingnan ang Agosto 1, 1988 ng Watchtower, pahina 15, parapo 20.) Pananagutan ng mga magulang na mangasiwa; hindi nila papupuntahin ang kanilang mga anak sa mga pagtitipon para sa paglilingkod nang walang superbisyon ng isang nakatatanda sa kanila. Papurihan ang mga bata kapag mabuti ang kanilang ginagawa.

Awit 29 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 24

Awit 41

15 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang sulat ng Samahan ng Abril 15, 1999, may kaugnayan sa Please Follow Up (S-43) form. Ipaliwanag kung paano ito makatutulong sa pagsubaybay sa nasumpungang interes kapag gumagawa ng di-pormal na pagpapatotoo o kapag natagpuan natin ang mga tao na nagsasalita ng ibang wika. Pasiglahin ang mga kapatid na gamiting mabuti ang mga pormang ito.

12 min: Pahayag ng isang matanda sa mga punto sa “Tanong” sa pahina 3.

18 min: Kayo ba ay Nakikibahagi sa Gawaing Pagbubukud-bukod? Nakapagpapasiglang pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod, salig sa Hulyo 1, 1997 ng Bantayan, pahina 30-1.

Awit 32 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 31

Awit 43

15 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat na ibigay ang kanilang mga ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Mayo. Repasuhin ang alok na literatura para sa Hunyo. Sa pag-aalok ng aklat na Kaalaman, maaaring isama ang isang kopya ng matandang aklat na may 192-pahina na nakaistak sa kongregasyon. Itanghal ang isang simpleng presentasyon.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

15 min: Ano ang Mali sa Aking Relihiyon? Pagtalakay sa pagitan ng dalawang ministeryal na lingkod. Nakakaharap natin ang maraming tao na tumatanggap sa katotohanan at humahanga sa mga Saksi ni Jehova. Gayunman, ang kaugnayan nila sa kanilang simbahan ang nakahahadlang sa kanila. Nahihirapan silang maniwala na taglay natin ang tunay na relihiyon at ang anyo ng kanilang pagsamba ay mali. Ito ang siyang pinakamalaking hadlang sa kanilang espirituwal na pagsulong. Nirepaso ng mga kapatid ang anim na salik na binanggit sa pahina 204 ng aklat na Nangangatuwiran, na maliwanag na nagpapakita na ang ibang mga relihiyon ay hindi sumusunod sa Bibliya. Pasiglahin ang tagapakinig na gamitin ang mga puntong ito sa mataktikang pagtulong sa mga taimtim na tao upang suriin ang kanilang mga paniniwalang relihiyoso.

Awit 50 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share