Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/00 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Subtitulo
  • Linggo ng Pebrero 14
  • Linggo ng Pebrero 21
  • Linggo ng Pebrero 28
  • Linggo ng Marso 6
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 2/00 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Pebrero 14

Awit 113

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

18 min: “Ang Makahulang Salita ng Diyos ay Magkakatotoong Lahat!” Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ang pagtalakay ng tanong-sagot. Ipakita ang ilang detalye mula sa bagong aklat na nagpapakita sa kahalagahan ng ating panahon.

17 min: Gumawa ng mga Plano Para Mag-auxiliary Pioneer Ngayong Tag-araw. Nakapagpapatibay na pahayag taglay ang nakatutulong na impormasyon para sa mga nagnanais mag-auxiliary pioneer sa Marso, Abril, at Mayo. Repasuhin ang mga punto sa insert ng Marso 1998 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 3-6. Idiin na ang Abril lalo na ay isang mabuting buwan para magpayunir yamang ito ay may limang Sabado at limang Linggo. Kapanayamin ang isang mamamahayag na nag-o-auxiliary pioneer nang regular at isa na nagkaroon ng pribilehiyong ito noong nakaraang Abril, na tinatanong sila kung ano ang nagpasigla sa kanila upang magpayunir at anong mga kapakinabangan ang kanilang tinamasa at bakit nila pasisiglahin ang iba pa na subukan ito sa panahon ng Memoryal. Pasiglahin ang lahat sa kongregasyon na dumalo sa pulong pagkatapos ng Pag-aaral ng Bantayan sa Linggong ito, Pebrero 20, para doon sa mga nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa susunod na tatlong buwan.

Awit 182 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 21

Awit 17

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: “Mga Babaing Gumagawa Nang Masikap sa Panginoon.” Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ang pagtalakay sa pamamagitan ng tanong-sagot. Ilakip ang mga komento sa Setyembre 15, 1996, Bantayan, pahina 14-15, parapo 18-19. Masiglang papurihan ang mga kapatid na babae sa kanilang kusang-loob na suporta, sa kanilang ginagawang mga kapaki-pakinabang na paglilingkod para sa iba, at sa kanilang masigasig na gawaing pangangaral.

20 min: “Ano ang Makatutulong sa Atin Upang Makatayong Matatag sa Pananampalataya?” Pahayag ng isang matanda. Tayo ay nabubuhay sa mapanganib na panahon, at tayong lahat ay nangangailangan ng tulong sa paano man. Repasuhin kung ano ang maaaring gawin ng matatanda at ministeryal na mga lingkod upang palakasin ang mga nasadlak sa mga suliraning nakasisira-ng-loob. (Tingnan ang subtitulong “Pagpapastol na Nakapagpapatibay” sa Setyembre 15, 1993, Bantayan, pahina 21-3.) Ipaliwanag kung paano tayo makapagpapatibayan sa isa’t isa sa mga paraang magpapatatag sa atin sa espirituwal.—Roma 1:11, 12.

Awit 82 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 28

Awit 46

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na ibigay ang kanilang ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Pebrero. Repasuhin sa maikli ang “Apat na Madadaling Hakbang” sa paggamit ng mga tract upang mapasimulan ang pag-uusap na binalangkas sa pahina 8 ng Ating Ministeryo sa Kaharian noong nakaraang buwan. Itanghal kung paanong ang tract na Mapayapang Bagong Sanlibutan ay maaaring gamitin upang iharap ang aklat na Kaalaman. Pagkatapos iharap ang mga katanungan mula sa pambungad na parapo ng tract, basahin ang unang parapo sa pahina 3, lakip na ang Awit 37:29. Kung nagpakita ng interes, buksan ang aklat na Kaalaman sa pahina 5, basahin ang kahon, at ialok ang isang pag-aaral. Sa buwang ito, ang lahat ay dapat gumawa ng pantanging pagsisikap na magpasimula ng isang bagong pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

7 min: “Mga Tanong.” Pahayag ng isang matanda sa dalawang tanong na tinalakay.

10 min: “Kung Paano Mapasusulong ang Kakayahang Mangatuwiran.” Pahayag at pagtatanghal. Ipaliwanag kung bakit ang kakayahang mangatuwiran ay napakahalaga sa ministeryo at kung paano matatamo ito. Tatalakayin ng dalawang may kakayahang mamamahayag kung paano maghahanda para sa ministeryo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbanging binalangkas sa parapo 3 ng artikulo at pagkatapos ay itanghal ang kanilang presentasyon.

18 min: “Pangangaral ng Mabuting Balita Taglay ang Matibay na Pananalig.” Magkaroon ng dalawa o tatlong minutong taos-pusong pambungad salig sa materyal at sa binanggit na at siniping mga kasulatan sa parapo 1 at 2. Pagkatapos ay saklawin ang mga parapo 3-12 sa pamamagitan ng tanong-sagot na pagtalakay.

Awit 61 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 6

Awit 116

5 min: Lokal na mga patalastas.

10 min: Lokal na mga pangangailangan.

10 min: “Magbigay-Pansin Kung Paano Ka Nakikinig.” Tinatalakay ng ulo ng pamilya kasama ng kaniyang asawang babae at mga anak kung ano ang kanilang magagawa upang higit na makinabang mula sa mga pulong ng kongregasyon, mga asamblea, at mga kombensiyon. Sa palagay niya’y maaari pang makapagbigay ng higit na pansin ang buong pamilya. Kanilang nirepaso ang mga mungkahing nakatala at isinaalang-alang kung paano ikakapit ang bawat isa, lakip na ang pangangailangang pag-usapan pa nang higit ang mga bagay na natutuhan. Isinaalang-alang nila ang kanilang kapasiyahang huwag lumiban sa anumang pulong o anumang sesyon sa isang kombensiyon o asamblea hangga’t maaari.

20 min: “Pangangaral ng Mabuting Balita Taglay ang Matibay na Pananalig.” Pagkatapos ng maikling repaso sa pagtalakay nang nakaraang linggo sa unang 12 parapo ng insert, isagawa ang tanong-sagot na pagtalakay sa parapo 13-24. Gamiting mabuti ang sinipi at binanggit na mga kasulatan.

Awit 186 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share