Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Agosto: Ang alinman sa mga brosyur ay maaaring ialok. Gayunman, yamang marami tayong suplay ng brosyur na, Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, pinasisigla namin ang mga kongregasyon na itampok ito sa Agosto. Setyembre: Ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Oktubre: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag nakasumpong ng interes sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ang mga suskrisyon. Pasimula sa huling bahagi ng buwan, ang Kingdom News Blg. 36, “Ang Bagong Milenyo—Ano ang Laan ng Kinabukasan Para sa Iyo?” ay ipamamahagi. Nobyembre: Ang pamamahagi ng Kingdom News Blg. 36 ay magpapatuloy. Ang mga kongregasyong nakatapos sa kanilang teritoryo anupat napaabutan ang mga maybahay sa bawat tahanan ng isang kopya ng Kingdom News Blg. 36 ay maaaring mag-alok ng aklat na Kaalaman o ng brosyur na Hinihiling. Kung ang mga tao ay mayroon na nito, ang alinman sa aklat na Mabuhay Magpakailanman o aklat na Creation ay maaaring gamitin. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanyang nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa nito sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-AB-14).
◼ Dapat na i-audit ng punong tagapangasiwa o ng isa na inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Setyembre 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkatapos nito. Kapag naisagawa na ito, gumawa ng patalastas sa kongregasyon pagkatapos na mabasa ang susunod na ulat ng kuwenta.
◼ Ang taunang imbentaryo ng lahat ng hawak na literatura at magasin ay dapat gawin sa Agosto 31, 2000, o karaka-raka pagkatapos nito hangga’t maaari. Ang imbentaryong ito ay katulad ng aktuwal na pagbilang na ginagawa buwan-buwan ng tagapag-ugnay sa literatura, at ang kabuuan nito ay dapat na ipasok sa Literature Inventory form (S-18). Ang kabuuang bilang ng hawak na mga magasin ay makukuha mula sa mga lingkod sa magasin sa bawat kongregasyon na kabilang sa grupo ng literatura. Bawat tagapag-ugnay na kongregasyon ay tatanggap ng tatlong Literature Inventory form (S-18) kasama ng statement ng Hunyo. Pakisuyong ipadala sa Samahan sa pamamagitan ng koreo ang orihinal nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang ikalawang kopya para sa inyong salansan. Ang ikatlong kopya ay maaaring gamitin bilang isang work sheet. Dapat pangasiwaan ng kalihim ng tagapag-ugnay na kongregasyon ang imbentaryo. Ang kalihim at ang punong tagapangasiwa ng tagapag-ugnay na kongregasyon ang pipirma sa porma.
◼ Kalakip ng statement sa Hunyo, tatanggap ang bawat kongregasyon ng dalawang kopya ng Congregation Analysis Report (S-10). Titipunin ng kalihim ng kongregasyon ang mga ulat upang mapunan ang pormang ito nang tumpak at masinop, at pagkatapos ay dapat na maingat na suriin ng komite sa paglilingkod. Ang orihinal ay dapat na ipadala sa Samahan sa Setyembre 6. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan.
◼ Ang mga pidido para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—2001 at sa 2001 Calendar ay dapat nang ipadala ngayon sa Samahan. Kami ay nagpapadala ng isang pantanging order blank para sa dalawang ito kasama ng statement ng Hunyo. Kapag natanggap ninyo ito, punan ito at ibalik ito sa Samahan nang hindi lalampas sa Setyembre 6.
◼ May panahon pa para sa mga nagpaplanong magsimula sa gawain bilang regular pioneer sa Setyembre 1 na isumite ang kanilang mga aplikasyon. Kapag ito ay sinang-ayunan ng komite sa paglilingkod dapat nilang ipadala agad ito sa Samahan sa pamamagitan ng koreo upang ang pagsang-ayon ay matanggap bago ang Setyembre 1.
◼ Makukuhang Bagong Audiocassette:
Appreciating Our Spiritual Heritage—Ingles (Ito ang drama na napanood sa mga pandistritong kombensiyon nang nakaraang taon)
◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:
Watch Tower Publications Index 1999—Ingles