Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
Nakasara-aklat na repaso sa materyal na saklaw ng mga aralin sa mga linggo ng Mayo 1 hanggang Agosto 21, 2000. Gumamit ng isang bukod na pilyego ng papel na susulatan ng mga sagot sa pinakamaraming mga tanong na masasagot mo sa panahong takda.
[Pansinin: Sa panahon ng nasusulat na repaso, tanging ang Bibliya lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot sa anumang tanong. Ang mga reperensiya na kasunod ng mga tanong ay para sa iyong personal na pagsasaliksik. Ang numero ng pahina at ang parapo ay maaaring hindi lumilitaw sa lahat ng reperensiya sa Ang Bantayan.]
Sagutin ang bawat pangungusap ng Tama o Mali:
1. Ang sagot ni Gideon sa di-makatuwirang pagbatikos ng mga lalaki ng Efraim ay nagpapamalas ng kaniyang kahinahunan at kapakumbabaan anupat naalis ang kanilang di-makatuwirang pamumuna at napanatili ang kapayapaan. (Huk. 8:1-3) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya]
2. Bagaman sinabi ni Manoa na “ang Diyos ang nakita natin,” sa katunayan ang nakita niya at ng kaniyang asawa ay ang nagkatawang-taong personal na tagapagsalita ng Diyos at hindi mismong si Jehova. (Huk. 13:22) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 5/15 p. 23 par. 3.]
3. Sa Hukom 5:31, ang pananalitang “ang mga umiibig sa iyo” ay makahulang tumutukoy sa 144,000 tagapagmana ng Kaharian. [si p. 50 par. 28]
4. Walang mga piraso ng aklat ng Ruth ang nasumpungan na kasama sa Dead Sea Scrolls. [si p. 51 par. 3]
5. Ang Hukom 21:25 ay tumutukoy sa yugto ng panahon nang iwan ni Jehova ang bansang Israel na walang anumang patnubay. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 6/15 p. 22 par. 16.]
6. Ang larawan ng mga kerubin sa ibabaw ng kaban ng tipan ay nagpapakita ng maharlikang presensiya ni Jehova, na sinasabing “nakaupo sa [o, “pagitan” ng] mga kerubin.” (1 Sam. 4:4, talababa sa Ingles) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w80-E 11/1 p. 29 par. 2.]
7. Nang kumain ng dugo ang mga sundalo ni Saul na noo’y nasa isang desperadong kalagayan at hindi naparusahan, ito’y nagpapakitang marahil ay mayroon namang makatuwirang mga dahilan para pansamantalang labagin ang batas ng Diyos upang maingatan ng isa ang kaniyang buhay. (1 Sam. 14:24-35) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w94 4/15 p. 31 par. 7-9.]
8. Bagaman iniuugnay ng ilan ang salitang “panghihikayat” sa pang-iimpluwensiya at katusuhan, ito’y maaari ring gamitin sa positibong diwa upang ihatid ang ideya ng pangungumbinsi at sa gayo’y mabago ang pag-iisip sa pamamagitan ng tumpak at lohikal na pangangatuwiran. (2 Tim. 3:14, 15) [w98 5/15 p. 21 par. 4]
9. Ang “supot ng buhay” ay tumutukoy sa paglalaan ng Diyos ng proteksiyon at pag-iingat, na makatutulong kay David kung kaniyang iiwasan na magkasala sa dugo sa paningin ng Diyos. (1 Sam. 25:29) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w91 6/15 p. 14 par. 3.]
10. Ang Davidikong tipan sa Kaharian, na tinutukoy sa 2 Samuel 7:16, ay naglagay ng hangganan sa sambahayan na panggagalingan ng Binhi na umaakay tungo sa Mesiyas at naging isang legal na garantiya na may isa sa linya ni David na darating upang mamahala “hanggang sa panahong walang takda.” [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w89 2/1 p. 14 par. 21–p. 15 par. 22.]
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
11. Anong katiyakan ang ibinibigay ng Awit 34:18? [w98 4/1 p. 31 par. 2]
12. Ano ang ipinakikita ng bagay na si Jose ay binigyan ng huling pangalang Bernabe? (Gawa 4:36) [w98 4/15 p. 20 par. 3, talababa sa Ingles]
13. Bakit sinasabi ng ulat ng Bibliya na patuloy na pinarangalan ni Eli ang kaniyang mga anak na lalaki nang higit kaysa sa pagpaparangal niya kay Jehova? (1 Sam. 2:12, 22-24, 29) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w96 9/15 p. 13 par. 14.]
14. Bakit dapat na magpatibay sa ating pagtitiwala sa mga pangako ng Kaharian ang aklat ng Ruth? [si p. 53 par. 10]
15. Alinsunod sa 1 Samuel 1:1-7, anong namumukod-tanging halimbawa ang inilaan ng sambahayan ni Samuel? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w98 3/1 p. 16 par. 12.]
16. Sa anong diwa masasabing ‘mapanlinlang ang kapangyarihan ng kayamanan’? (Mat. 13:22) [w98 5/15 p. 5 par. 1]
17. Paanong ang higit na nakatatandang si Jonathan ay nagpamalas ng pagkilala sa pinahiran ni Jehova, si David, at ano ang inilalarawan nito sa ngayon? (1 Sam. 18:1, 3, 4) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w89 1/1 p. 24, 26 par. 4, 13.]
18. Bagaman siya’y “walang kapintasan at matuwid,” paano ipinakikita ng aklat ng Job na ito’y hindi nangangahulugan na si Job ay sakdal? (Job 1:8) [w98 5/1 p. 31 par. 1]
19. Ano ang ipinahihiwatig ng pananalitang “magpunyagi kayo nang buong-lakas”? (Luc. 13:24) [w98 6/15 p. 31 par. 1, 4]
20. Habang tayo ay gumagawang kasama ng iba, anong mahalagang leksiyon ang maaaring isapuso, gaya ng nakaulat sa 2 Samuel 12:26-28? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w93 12/1 p. 19 par. 19.]
Ibagay ang kinakailangang (mga) salita o parirala upang mabuo ang sumusunod na mga pangungusap:
21. Ang matinding hatol ni Jehova sa pagsamba kay Baal ay dapat na mag-udyok sa atin na iwasan ang makabagong-panahong katumbas nito na ․․․․․․․․, ․․․․․․․․, at ․․․․․․․․. (Huk. 2:11-18) [si p. 50 par. 26]
22. Kaarawan noon ni Samuel nang magwakas ang panahon ng ․․․․․․․․ at nagpasimula ang panahon ng ․․․․․․․․ na sa wakas ang siyang makakakita sa pagkawala ng pagsang-ayon ni Jehova sa Israel. [si p. 53 par. 1]
23. Ang banal na pangalang Jehova ay nangangahulugan ng “ ․․․․․․․․ at nagpapahiwatig na magagampanan ni Jehova ang anumang papel na kinakailangan upang maisakatuparan ang kaniyang ․․․․․․․․. [w98 5/1 p. 5 par. 3]
24. Sina Eli at Saul ay kapuwa nabigo sa dahilang ․․․․․․․․ na kumilos ang una at ang huli naman ay kumilos nang may ․․․․․․․․. [si p. 57 par. 27]
25. Ipinakikita ng talinghaga ni Jesus hinggil sa mapagkapuwang Samaritano na ang tunay na matuwid na tao ay ang isa na hindi lamang sumusunod sa ․․․․․․․․ ng Diyos kundi tumutulad din sa kaniyang ․․․․․․․․. (Luc. 10:29-37) [w98 7/1 p. 31 par. 2]
Piliin ang tamang sagot sa sumusunod na mga pangungusap:
26. Ang malawak na katangian ni Jehova ng (karunungan; kapangyarihan; pag-ibig) ay nakita sa pagpili niya sa Moabitang si (Ruth; Naomi; Orpa), isang dating mananamba kay (Baal; Chemosh; Dagon), na nakumberte sa tunay na relihiyon at naging isang ninuno ni Jesu-Kristo. (Mat. 1:3, 5, 16) [si p. 51 par. 1]
27. Ang panahon ng pamamahala ng mga hukom sa Israel ay nagwakas nang si (Samuel; David; Saul) ay pahiran bilang hari at di-naglaon ay tinalo ang mga (Ammonita; Moabita; Filisteo) sa tulong ni Jehova. (1 Sam. 11:6, 11) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 12/15 p. 9 par. 2–p. 10 par. 1.]
28. Ang (apostol Pablo; kaniyang ama; kaniyang ina at lola) ang nanguna sa pagtuturo kay Timoteo sa “banal na mga kasulatan” hanggang sa punto na siya’y maging isang napakahusay na misyonero at tagapangasiwa. (2 Tim. 3:14, 15; Fil. 2:19-22) [w98 5/15 p. 8 par. 3–p. 9 par. 5]
29. Ang ministeryo noong kabataan ni (David; Samuel; Jonathan) ay dapat na magpasigla sa mga kabataan na itaguyod ang ministeryo sa ngayon, at ang pagpapatuloy niya nang hindi nagreretiro hanggang sa wakas ng kaniyang mga araw ay dapat na makatulong sa mga nanghihimagod dahil sa katandaan. [si p. 58 par. 30]
30. Ang yugtong sinasaklaw ng 2 Samuel ay mula sa (1077 hanggang humigit-kumulang sa 1040; 1077 hanggang humigit-kumulang sa 1037; 1070 hanggang humigit-kumulang sa 1040) B.C.E. [si p. 59 par. 3]
Ibagay ang sumusunod na mga kasulatan sa mga pangungusap na nasa ibaba:
Huk. 11:30, 31; 1 Sam. 15:22; 30:24, 25; 2 Hari 6:15-17; San. 5:11
31. Tinitiyak ni Jehova na gagamitin niya ang kaniyang makalangit na hukbo upang ipagsanggalang ang kaniyang bayan alinsunod sa kaniyang kalooban. [w98 4/15 p. 29 par. 5]
32. Pananagutan ng mga tagapangasiwa sa kongregasyon na tuparin ang kanilang mga napagkasunduan kahit na iyon ay maging mahirap at magastos kung minsan. [w99 9/15 p. 10 par. 3-4]
33. Ang pananatili sa katapatan sa ilalim ng pagsubok ay umaakay tungo sa malaking gantimpala mula sa Diyos na Jehova. [w98 5/1 p. 31 par. 4]
34. Ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay humihiling ng pagsunod sa mga tagubilin ng Diyos at hindi basta lamang paghahandog ng mga hain sa kaniya. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w96 6/15 p. 5 par. 1.]
35. Si Jehova ay nagpapakita nang malaking pagpapahalaga sa mga naglilingkod kahit na sa munting paraan sa kaniyang organisasyon sa ngayon. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 9/1 p. 28 par. 4.]