Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Oktubre 9
8 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
12 min: “Maghasik Nang Sagana Ngunit Taglay ang Unawa.” Tanong-sagot na pagtalakay.
25 min: “Ang Bagong Milenyo—Ano ang Laan ng Kinabukasan Para sa Iyo?” Masiglang pagtalakay ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Pagkatapos basahin ang patalastas na nasa liham ng Samahan ng Hulyo 3, 2000 sa lahat ng matatanda, ipamahagi ang isang kopya ng Kingdom News Blg. 36 sa bawat isa na nagsidalo. Pagkatapos ay magpatuloy sa pamamagitan ng tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Balangkasin ang lokal na mga kaayusan sa kumpletong pagkubre sa teritoryo. Isaalang-alang kung paano tutulungan ang mga baguhan at mga anak upang maging kuwalipikado sa pagiging di-bautisadong mga mamamahayag. Itanghal ang isang maikling presentasyon.
Awit 53 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 16
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipaalaala sa mga mamamahayag na sa dulong sanlinggong gawain ang mga magasing Bantayan at Gumising! ay itatampok kasama ang Kingdom News Blg. 36.
15 min: “Mga Kasangkapang Nagtuturo, Gumaganyak, at Nagpapalakas.” (Parapo 1 at 2 lamang.) Isang pahayag. Repasuhin sa maikli ang kasaysayan ng paggawa ng Samahan sa video. (Tingnan ang aklat na Tagapaghayag, pahina 600-601.) Pasiglahin ang lahat ng nasa kalagayan na panoorin ang video na Jehovah’s Witnesses—The Organization Behind the Name bilang paghahanda sa pagtalakay nito sa Pulong sa Paglilingkod sa Oktubre 30. Yaong may video ay maaaring magpahiram sa iba na wala nito, o marahil ay panoorin nila ito nang magkakasama.
20 min: Maaaring Maipakita Nating Lahat ang Espiritu ng Pagpapayunir. Pagtalakay sa pagitan ng isang konduktor ng pag-aaral sa aklat at ng kaniyang katulong, salig sa Oktubre 15, 1997, Bantayan, pahina 22-3. Talakayin kung bakit makabubuting magkaroon ng mas maraming payunir sa kongregasyon at kung paanong ang lahat ay makatutulong sa pag-abot sa tunguhing ito.
Awit 131 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 23
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Matagumpay na Pakikibahagi sa Ating Nagliligtas-Buhay na Ministeryo.” Pahayag at mga pagtatanghal. Pagkatapos ng maikling pambungad, itanghal ang dalawang demonstrasyon salig sa mga parapo 2-4. Pagkatapos ng bawat demonstrasyon, tanungin ang tagapakinig kung paano maiaangkop ang presentasyon sa iba’t ibang kalagayan sa lokal na teritoryo.
15 min: Maghandang Mabuti Para sa mga Pulong. Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Ang kapakinabangang ating natatamo sa mga pulong ay salig sa kung gaano kalaking pagsisikap ang ating iniuukol sa paghahanda. Repasuhin ang praktikal na mga mungkahi sa Marso 1, 1998, Bantayan, pahina 15-16, parapo 8-11.
Awit 211 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 30
8 min: Lokal na mga patalastas.
12 min: Mga karanasan sa Pag-aalok ng Kingdom News Blg. 36. Hilingin sa iba’t ibang mamamahayag na ilahad ang nakapagpapatibay na mga resulta na kanilang tinatamasa sa pamamahagi ng Kingdom News Blg. 36.
25 min: Jehovah’s Witnesses—The Organization Behind the Name. Pagtalakay sa tagapakinig. Isaalang-alang ang mga tanong sa parapo 3 ng “Mga Kasangkapang Nagtuturo, Gumaganyak, at Nagpapalakas.” Mag-alok ng mga mungkahi kung paano maaaring gamitin ang video upang tulungan ang mga taong interesado na higit na makilalang mabuti ang ating organisasyon.—Tingnan ang Oktubre 1, 1992, Bantayan, pahina 30-1. (Pansinin: Sa mga kongregasyon na walang video, maaaring ibigay ang pahayag na “Paghahandog ng Kaayaayang Hain kay Jehova,” salig sa Pebrero 1, 1999, Bantayan, pahina 20-22.)
Awit 15 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 6
15 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang pagsulong sa pamamahagi ng Kingdom News Blg. 36. Pag-uulat kung gaano kalaking teritoryo ang nagawa na at kung ano ang kinakailangan pa upang makumpleto ang pagkubre hanggang Nobyembre 17.
20 min: Ano ba ang Ating Pinaniniwalaan? Isang kapatid na lalaki ang gumawa ng isang pagdalaw-muli sa isang taong nagtanong ng, “Ano ba ang itinuturo ng mga Saksi ni Jehova anupat sila ay naiiba sa iba pang mga relihiyon?” Talakayin ang mga puntong sinaklaw sa kahon sa pahina 6 ng Oktubre 1, 1998, Bantayan.
10 min: Pag-awit—Isang Mahalagang Bahagi ng Ating Pagsamba. Isang konduktor ng pag-aaral sa aklat ang nakikipag-usap sa dalawang mamamahayag hinggil sa kanilang pag-awit sa mga pulong ng kongregasyon. Napansin niya na ang kanilang pag-awit ay waring walang sigla. Ibabahagi niya ang ilang punto mula sa Pebrero 1, 1997, Bantayan, pahina 27-8. Kanilang susuriin ang mga liriko ng isa sa mga awit na aawitin sa Pag-aaral ng Bantayan sa linggong ito, gaya ng iminungkahi sa Hulyo 1, 1999, Bantayan, pahina 20, parapo 12. Sa pamamagitan ng taimtim na pag-awit, ating nilalagyan ng buhay ang pagpapahayag ng taos-pusong pagpuri kay Jehova.
Awit 223 at pansarang panalangin.