Iskedyul sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro Para sa 2001
Mga Instruksiyon
Ito ang magiging kaayusan sa 2001 kapag nangangasiwa ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro.
MGA REPERENSIYA: Ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan [bi12], Ang Bantayan [b], “Lahat ng Kasulatan Ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang” (Edisyon ng 1990) [si], at Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan [rs] ang magiging batayan para sa mga atas.
Ang paaralan ay dapat na magpasimula SA TAKDANG ORAS sa pamamagitan ng awit, panalangin, at maikling pagbati. Hindi na kailangang sabihin nang pahapyaw kung ano ang nasa programa. Habang ipinakikilala ng tagapangasiwa sa paaralan ang bawat bahagi, babanggitin niya kung ano ang bubuuing paksa. Magpatuloy ayon sa mga sumusunod:
ATAS BLG. 1: 15 minuto. Ito’y gagampanan ng isang matanda o isang ministeryal na lingkod, at ito’y ibabatay sa Ang Bantayan o “Lahat ng Kasulatan Ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang.” Kapag salig sa Ang Bantayan, ang atas na ito’y bibigkasin bilang isang 15-minutong pahayag na nagtuturo nang walang pasalitang repaso; kapag ito’y salig sa aklat na “Lahat ng Kasulatan,” ito’y dapat bigkasin bilang 10- hanggang 12-minutong pahayag, na susundan ng 3- hanggang 5-minutong pasalitang repaso na ginagamit ang mga tanong na nasa publikasyon. Ang layunin ay hindi lamang upang masaklaw ang materyal kundi upang maituon ang pansin sa praktikal na kahalagahan ng tinatalakay na impormasyon, anupat idiniriin ang mga bagay na makatutulong nang malaki sa kongregasyon. Ang ipinakitang tema ay dapat gamitin.
Dapat tiyakin ng mga kapatid na may atas ng pahayag na ito na manatili sa itinakdang panahon. Maaaring magbigay ng pribadong payo kung kinakailangan o kung ito’y hinihiling ng tagapagsalita.
MGA TAMPOK NA BAHAGI MULA SA PAGBASA SA BIBLIYA: 6 na minuto. Ito’y gagampanan ng isang matanda o isang ministeryal na lingkod na mabisang magkakapit ng materyal sa lokal na mga pangangailangan. Hindi na kailangan ang tema. Hindi ito dapat na maging isang sumaryo lamang ng iniatas na pagbasa. Maaaring ilakip ang 30- hanggang 60-segundong kabuuang repaso sa iniatas na mga kabanata. Gayunman, ang pangunahing layunin ay upang tulungan ang nakikinig na maunawaan kung bakit at kung paano naging mahalaga sa atin ang impormasyon. Pagkatapos ay papupuntahin na ng tagapangasiwa sa paaralan ang mga estudyante sa kani-kanilang silid-aralan.
ATAS BLG. 2: 5 minuto. Ito’y pagbasa sa Bibliya sa iniatas na materyal na ibibigay ng isang lalaki, kahit na ang estudyante ay nasa main hall o nasa idinagdag na mga grupo ng paaralan. Ang mga atas sa pagbasa ay karaniwan nang maikli upang ang mga estudyante ay makapagbigay ng maikling paliwanag sa pasimula at katapusang pananalita. Ang mga pangyayari sa kasaysayan, mahahalagang hula o doktrina, at pagkakapit ng mga simulain ay maaaring ilakip. Lahat ng iniatas na talata ay babasahin nang tuluy-tuloy. Mangyari pa, kung ang mga talatang babasahin ay hindi sunud-sunod, maaaring sabihin ng estudyante kung saan niya itutuloy ang pagbasa.
ATAS BLG. 3: 5 minuto. Ito’y iaatas sa isang kapatid na babae. Ang paksa ng presentasyong ito ay ibabatay sa Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan. Ang tagpo ay maaaring isang impormal na pagpapatotoo, isang pagdalaw-muli, o isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya, at ang mga may bahagi ay maaaring alinman sa nakaupo o nakatayo. Partikular na titingnan ng tagapangasiwa sa paaralan ang paraan ng estudyante sa pagbuo ng iniatas na tema at kung paano tinutulungan ng estudyante ang maybahay na mangatuwiran sa mga kasulatan. Ang estudyanteng inatasan ng bahaging ito ay dapat na marunong bumasa. Mag-iiskedyul ng isang kasama ang tagapangasiwa sa paaralan, ngunit maaari pang gumamit ng isa pang kasama. Hindi ang tagpo kundi ang mabisang paggamit ng materyal ang bibigyan ng pangunahing pagsasaalang-alang.
ATAS BLG. 4: 5 minuto. Ang paksa para sa atas na ito ay ibabatay sa Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan. Isang kapatid na lalaki o babae ang maaaring bigyan ng Atas Blg. 4. Kapag ito ay iaatas sa isang kapatid na lalaki, ito sa tuwina ay isang pahayag. Kapag iniatas sa isang kapatid na babae, ito ay dapat na iharap gaya ng binalangkas para sa Atas Blg. 3.
ISKEDYUL NG PAGBASA SA BIBLIYA: Ang bawat isa sa kongregasyon ay pinasisiglang sumubaybay sa linggu-linggong iskedyul ng pagbasa sa Bibliya, na ang katumbas ay pagbasa nang halos isang pahina sa isang araw.
PANSININ: Para sa karagdagang impormasyon at tagubilin hinggil sa payo, oras, nasusulat na mga repaso, at sa paghahanda ng mga atas, pakisuyong tingnan ang pahina 3 ng Oktubre 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
ISKEDYUL
Ene. 1 Pagbasa sa Bibliya: 2 Hari 13-16
Blg. 1: Binubuksan ng Isang Gawa ng Pagpapatawad ang Daan ng Kaligtasan (bw99 1/1 p. 30-1)
Blg. 2: 2 Hari 14:1-14
Blg. 3: Aborsiyon—Bakit Ipinagbabawal? (rs p. 25-6 par. 4)
Blg. 4: Pagtugon sa Sinumang Magsasabi: ‘Karapatan Kong Magpasiya sa mga Bagay na may Kinalaman sa Sarili Kong Katawan’ (rs p. 26 par. 5)
Ene. 8 Pagbasa sa Bibliya: 2 Hari 17-20
Blg. 1: Payo na mas Madaling Tanggapin (bw99 1/15 p. 21-4)
Blg. 2: 2 Hari 18:1-16
Blg. 3: Adan at Eva—Aktuwal na Makasaysayang mga Tao? (rs p. 27-8 par. 5)
Blg. 4: Pagtugon sa Sinumang Magsasabi: ‘Ang Kasalanan ni Adan ay Kalooban ng Diyos, Plano ng Diyos’ (rs p. 29 par. 1-2)
Ene. 15 Pagbasa sa Bibliya: 2 Hari 21-25
Blg. 1: 2 Hari—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 74 par. 33-6)
Blg. 2: 2 Hari 21:1-16
Blg. 3: Bakit ang Pagsamba sa Ninuno ay Walang Kabuluhan? (rs p. 300-1 par. 8)
Blg. 4: Kung Bakit Hindi Nakalulugod sa Diyos na Jehova ang Pagsamba sa Ninuno (rs p. 302 par. 1-6)
Ene. 22 Pagbasa sa Bibliya: 1 Cronica 1-5
Blg. 1: Introduksiyon sa 1 Cronica (si p. 75-6 par. 1-7)
Blg. 2: 1 Cronica 1:1-27
Blg. 3: Sino ang mga Antikristo? (rs p. 29-31 par. 3)
Blg. 4: Pagkakakilanlan sa mga Apostata (rs p. 31-3 par. 2)
Ene. 29 Pagbasa sa Bibliya: 1 Cronica 6-10
Blg. 1: Kung Paano Maipakikita ang Tunay na Kapakumbabaan (bw99 2/1 p. 6-7)
Blg. 2: 1 Cronica 9:1-21
Blg. 3: Ano ang Dapat na Maging Saloobin Natin sa mga Apostata? (rs p. 33 par. 3–p. 34 par. 5)
Blg. 4: Hindi Itinatag ni Kristo ang Iglesiya kay Pedro (rs p. 34-6 par. 4)
Peb. 5 Pagbasa sa Bibliya: 1 Cronica 11-16
Blg. 1: Maging Isa na Pinagmumulan ng Pampatibay-Loob (bw99 2/15 p. 26-9)
Blg. 2: 1 Cronica 11:1-19
Blg. 3: Ano ang mga Susi na Ginamit ni Pedro? (rs p. 36 par. 5–p. 39 par. 2)
Blg. 4: “Mga Apostolikong Kahalili” Hindi Tunay na mga Kristiyano (rs p. 39 par. 3–p. 41 par. 6)
Peb. 12 Pagbasa sa Bibliya: 1 Cronica 17-23
Blg. 1: Bigkisan ang Inyong Sarili ng Kababaan ng Pag-iisip (bw99 3/1 p. 30-1)
Blg. 2: 1 Cronica 18:1-17
Blg. 3: Saan Ipaglalaban ang Armagedon? (rs p. 41-3 par. 6)
Blg. 4: Sino at Ano ang Mapupuksa sa Armagedon? (rs p. 43 par. 7–p. 44 par. 4)
Peb. 19 Pagbasa sa Bibliya: 1 Cronica 24-29
Blg. 1: 1 Cronica—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 78-9 par. 22-5)
Blg. 2: 1 Cronica 29:1-13
Blg. 3: Sino ang Makaliligtas sa Armagedon? (rs p. 44 par. 5–p. 45. par. 2)
Blg. 4: Armagedon—Hindi Paglabag sa Pag-ibig ng Diyos (rs p. 45 par. 3-5)
Peb. 26 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 1-5
Blg. 1: Introduksiyon sa 2 Cronica (si p. 79-80 par. 1-6)
Blg. 2: 2 Cronica 1:1-17
Blg. 3: Hindi Posible ang Neutral na Katayuan sa Armagedon (rs p. 45 par. 6–p. 46 par. 3)
Blg. 4: Kaninong Impluwensiya ang Nagtutulak sa mga Bansa Tungo sa Kalagayan sa Armagedon? (rs p. 46 par. 4-5)
Mar. 5 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 6-9
Blg. 1: Huwag Padaig sa Kabalisahan (bw99 3/15 p. 21-3)
Blg. 2: 2 Cronica 8:1-16
Blg. 3: Pagkilala sa Babilonyang Tinutukoy sa Apocalipsis (rs p. 51 par. 2-3)
Blg. 4: Sa Ano Napabantog ang Sinaunang Babilonya? (rs p. 52 par. 1–p. 53 par. 5)
Mar. 12 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 10-15
Blg. 1: Sino ang Humuhubog ng Iyong Kaisipan? (bw99 4/1 p. 20-2)
Blg. 2: 2 Cronica 10:1-16
Blg. 3: Kung Bakit ang mga Relihiyong Nag-aangking Kristiyano ay Bahagi ng Babilonyang Dakila (rs p. 54 par. 1–p. 55 par. 1)
Blg. 4: Kung Bakit Kailangang-kailangan na Lumabas sa Babilonyang Dakila (rs p. 55 par. 2-7)
Mar. 19 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 16-20
Blg. 1: Ipagsanggalang ang Iyong Puso Mula sa Espiritu ng Pagsamba kay Baal (bw99 4/1 p. 28-31)
Blg. 2: 2 Cronica 16:1-14
Blg. 3: Kung ano ang Bautismo, at Kung Bakit Binabautismuhan ang mga Naniniwala (rs p. 56 par. 1-4)
Blg. 4: Kristiyanong Bautismo—Hindi sa Pamamagitan ng Pagwiwisik, Hindi Para sa mga Sanggol (rs p. 56 par. 5–p. 57 par. 3)
Mar. 26 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 21-25
Blg. 1: Huwag Mag-atubili sa Pagpapahayag ng Pagpapahalaga (bw99 4/15 p. 15-17)
Blg. 2: 2 Cronica 22:1-12
Blg. 3: Ang Bautismo sa Tubig ay Hindi Nagpapatawad ng mga Kasalanan (rs p. 57 par. 4-7)
Blg. 4: Sino ang Binabautismuhan sa Banal na Espiritu? (rs p. 58 par. 1–p. 59 par. 3)
Abr. 2 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 26-29
Blg. 1: Gumagamit ba ang Diyos ng “Baluktot” na Pamamaraan? (bw99 5/1 p. 28-9)
Blg. 2: 2 Cronica 28:1-15
Blg. 3: Ang Bautismo sa Pamamagitan ng Apoy ay Hindi Katulad ng Bautismo sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu (rs p. 59 par. 4–p. 60 par. 2)
Blg. 4: Mga Kadahilanan Upang Isaalang-alang ang Bibliya (rs p. 60-62 par. 2)
Abr. 9 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 30-33
Blg. 1: Paano Maaaring Pagpalain ng mga Tao ang Diyos na Jehova? (bw99 5/15 p. 21-4)
Blg. 2: 2 Cronica 33:1-13
Blg. 3: Katibayan Mula sa Isaias at Jeremias sa Pagiging Kinasihan ng Bibliya (rs p. 62 par. 3–p. 63 par. 2)
Blg. 4: Ang Katuparan ng mga Hula ni Jesus ay Nagpapatunay sa Pagiging Kinasihan ng Bibliya (rs p. 63 par. 3–p. 64 par. 1)
Abr. 16 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 34-36
Blg. 1: 2 Cronica—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 84 par. 34-6)
Blg. 2: 2 Cronica 36:1-16
Blg. 3: Ang Bibliya ay Naaayon sa Siyensiya (rs p. 64 par. 2–p. 66 par. 2)
Blg. 4: a Pagtugon sa mga Pagtutol Hinggil sa Bibliya (rs p. 66 par. 3–p. 70 par. 1)
Abr. 23 Pagbasa sa Bibliya: Ezra 1-6
Blg. 1: Introduksiyon sa Ezra at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 85 par. 1-7; p. 87 par. 14-18)
Blg. 2: Ezra 4:1-16
Blg. 3: Bakit ang mga Kristiyano ay Hindi Nagdiriwang ng Kapanganakan? (rs p. 80-82 par. 3)
Blg. 4: Bakit ang mga Kristiyano ay Umiiwas sa Dugo? (rs p. 139-41 par. 1)
Abr. 30 Nasusulat na Repaso. Pagbasa sa Bibliya: Ezra 7-10
Mayo 7 Pagbasa sa Bibliya: Nehemias 1-5
Blg. 1: Introduksiyon sa Nehemias (si p. 88 par. 1-5)
Blg. 2: Nehemias 1:1-11
Blg. 3: Bakit ang mga Kristiyano ay Hindi Nagpapasalin ng Dugo? (rs p. 141 par. 2–p. 142 par. 2)
Blg. 4: b Pagtugon sa mga Pag-aangkin Hinggil sa Pagsasalin ng Dugo (rs p. 142 par. 3–p. 144 par. 3)
Mayo 14 Pagbasa sa Bibliya: Nehemias 6-9
Blg. 1: Ang Kristiyanong Kongregasyon ay Isang Pinagmumulan ng Tulong na Nagpapalakas (bw99 5/15 p. 25-8)
Blg. 2: Nehemias 9:1-15
Blg. 3: Ano ang Ibig Sabihin ng Pagkapanganak-na-Muli? (rs p. 280-1 par. 4)
Blg. 4: Ang Kaligtasan ay Hindi Depende sa Pagiging “Ipinanganak-na-Muli” (rs p. 281 par. 5–p. 282 par. 5)
Mayo 21 Pagbasa sa Bibliya: Nehemias 10-13
Blg. 1: Nehemias—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 90-1 par. 16-19)
Blg. 2: Nehemias 12:27-43
Blg. 3: c Pagtugon sa mga Pangmalas Hinggil sa Pagiging Ipinanganak-na-Muli (rs p. 283 par. 1–p. 284 par. 1)
Blg. 4: Pangungumpisal sa mga Pari—Bakit Hindi Maka-Kasulatan? (rs p. 330-1 par. 8)
Mayo 28 Pagbasa sa Bibliya: Esther 1-4
Blg. 1: Introduksiyon sa Esther (si p. 91-2 par. 1-6)
Blg. 2: Esther 1:1-15
Blg. 3: Pagtatapat ng mga Kasalanan Laban sa Diyos at sa Tao (rs p. 333 par. 1-7)
Blg. 4: Bakit Nararapat Ipagtapat sa Matatanda ang Malulubhang Pagkakasala? (rs p. 333 par. 8–p. 334 par. 4)
Hunyo 4 Pagbasa sa Bibliya: Esther 5-10
Blg. 1: Esther—Bakit kapaki-pakinabang (si p. 94 par. 16-18)
Blg. 2: Esther 5:1-14
Blg. 3: Bakit Makatuwirang Maniwala sa Paglalang? (rs p. 291-92 par. 2)
Blg. 4: Pag-unawa sa Ulat ng Bibliya Hinggil sa Paglalang (rs p. 293 par. 1–p. 294 par. 6)
Hunyo 11 Pagbasa sa Bibliya: Job 1-7
Blg. 1: Introduksiyon sa Job (si p. 95-6 par. 1-6)
Blg. 2: Job 1:6-22
Blg. 3: Bakit ang Pagsamba sa Krus ay Hindi Maka-Kasulatan? (rs p. 125 par. 2–p. 126 par. 2)
Blg. 4: Bakit ang mga Tao ay Namamatay? (rs p. 105-6 par. 6)
Hunyo 18 Pagbasa sa Bibliya: Job 8-14
Blg. 1: Saulo—Isang Piniling Sisidlan sa Panginoon (bw99 5/15 p. 29-31)
Blg. 2: Job 8:1-22
Blg. 3: Nasaan ang mga Patay, at Ano ang Kanilang Kalagayan? (rs p. 106 par. 7–p. 108 par. 4)
Blg. 4: Bakit Hindi Nakikibahagi ang mga Saksi ni Jehova sa Tradisyonal na mga Kaugalian sa Pagluluksa? (rs p. 109 par. 1–p. 110 par. 1)
Hunyo 25 Pagbasa sa Bibliya: Job 15-21
Blg. 1: Hindi Mabagal ang Diyos may Kinalaman sa Kaniyang Pangako (bw99 6/1 p. 4-7)
Blg. 2: Job 17:1-16
Blg. 3: d Pagtugon sa Hindi Tumpak na mga Pangmalas Hinggil sa Kamatayan (rs p. 110 par. 2-4)
Blg. 4: Mga Panaginip: Kinasihan at Hindi Kinasihan (rs p. 315-6 par. 7)
Hulyo 2 Pagbasa sa Bibliya: Job 22-29
Blg. 1: Dapat Mo Bang Palawakin ang Iyong Pangmalas? (bw99 6/15 pp. 10-13)
Blg. 2: Job 27:1-23
Blg. 3: Droga—Kung Kailan Ipinagbabawal sa mga Kristiyano (rs p. 133-4 par. 4)
Blg. 4: Kung Bakit Iniiwasan ng mga Kristiyano ang Marijuana (rs p. 135 par. 1–p. 136 par. 1)
Hulyo 9 Pagbasa sa Bibliya: Job 30-35
Blg. 1: Kung Bakit Ka Makapagtitiwala sa Hula ng Bibliya (bw99 7/15 p. 4-8)
Blg. 2: Job 31:1-22
Blg. 3: Bakit Iniiwasan ng mga Kristiyano ang Tabako? (rs p. 136 par. 2–p. 138 par. 1)
Blg. 4: Ang Pananagumpay sa Masasamang Bisyo—Paano? (rs p. 138 par. 2–p. 139 par. 1)
Hulyo 16 Pagbasa sa Bibliya: Job 36-42
Blg. 1: Job—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 100 par. 39-43)
Blg. 2: Job 36:1-22
Blg. 3: Hindi Mahahadlangan ng mga Bansa ang Layunin ng Diyos Hinggil sa Lupa (rs p. 227-28 par. 2)
Blg. 4: Wawasakin ba ni Jehova ang Lupa sa Pamamagitan ng Apoy? (rs p. 228 par. 3–p. 230 par. 1)
Hulyo 23 Pagbasa sa Bibliya: Awit 1–10
Blg. 1: Introduksiyon sa Awit—Bahagi 1 (si p. 101 par. 1-5)
Blg. 2: Awit 3:1–4:8
Blg. 3: Ang mga Miyembro ng Bagong Jerusalem ay Hindi Babalik sa Lupa Kapag Nalipol na ang mga Balakyot (rs p. 230 par. 2-3)
Blg. 4: Nagbago ba ang Orihinal na Layunin ng Diyos Para sa Lupa? (rs p. 231 par. 1–p. 232 par. 1)
Hulyo 30 Pagbasa sa Bibliya: Awit 11–18
Blg. 1: Introduksiyon sa Awit—Bahagi 2 (si p. 102 par. 6-11)
Blg. 2: Awit 11:1–13:6
Blg. 3: Paano Natin Mapatitibay-loob ang mga may Sakit? (rs p. 311-12 par. 1)
Blg. 4: Kung Paano Natin Mapatitibay-loob ang mga Namimighati (rs p. 312 par. 2-6)
Agos. 6 Pagbasa sa Bibliya: Awit 19–26
Blg. 1: Kaayaayang Pag-uusap—Isang Susi sa Matagumpay na Pag-aasawa (bw99 7/15 p. 21-3)
Blg. 2: Awit 20:1–21:13
Blg. 3: Pampatibay-Loob Para sa mga Pinag-uusig Dahil sa Pagganap ng Kalooban ng Diyos (rs p. 312 par. 7–p. 313 par. 3)
Blg. 4: Paano Natin Mapatitibay-Loob ang mga Nasisiraan ng Loob Dahil sa Kawalang-Katarungan? (rs p. 313 par. 4–p. 314 par. 1)
Agos. 13 Pagbasa sa Bibliya: Awit 27–34
Blg. 1: Felipe—Isang Masigasig na Ebanghelisador (bw99 7/15 p. 24-5)
Blg. 2: Awit 28:1–29:11
Blg. 3: Ano ang Pampatibay-Loob Para Doon sa mga Ginigipit ng mga Suliraning Pangkabuhayan? (rs p. 314 par. 2-6)
Blg. 4: Pampatibay-Loob Para Doon sa mga Nasisiraan ng Loob Dahil sa mga Pagkukulang (rs p. 314 par. 7–p. 315 par. 1)
Agos. 20 Pagbasa sa Bibliya: Awit 35–39
Blg. 1: Panggigipit ng mga Kasamahan—Makabubuti ba Ito sa Iyo? (bw99 8/1 p. 22-5)
Blg. 2: Awit 38:1-22
Blg. 3: Ebolusyon—Isang Siyentipikong Suliranin (rs p. 145-6 par. 4)
Blg. 4: Ebolusyon, ang Natuklasang mga Labi sa Bato, at Pagkamakatuwiran (rs p. 146 par. 5–p. 150 par. 1)
Agos. 27 Nasusulat na Repaso. Pagbasa sa Bibliya: Awit 40-47
Set. 3 Pagbasa sa Bibliya: Awit 48-55
Blg. 1: Huwag Hayaang Tisurin Ka ng Galit (bw99 8/15 p. 8-9)
Blg. 2: Awit 49:1-20
Blg. 3: e Pagtugon sa mga Pag-aangkin ng mga Ebolusyonista (rs p. 150 par. 2–p. 152 par. 2)
Blg. 4: Bakit Maraming Tao ang Walang Pananampalataya? (rs p. 320-22 par. 1)
Set. 10 Pagbasa sa Bibliya: Awit 56-65
Blg. 1: Pinagkakasakit ba Tayo ng Diyablo? (bw99 9/1 p. 4-7)
Blg. 2: Awit 59:1-17
Blg. 3: Paano Makapagtatamo ang Isang Tao ng Pananampalataya? (rs p. 322 par. 2–5)
Blg. 4: Ang Pananampalataya sa Pag-asa Ukol sa Isang Matuwid na Bagong Sistema ay Pinatutunayan ng mga Gawa (rs p. 323 par. 1–5)
Set. 17 Pagbasa sa Bibliya: Awit 66-71
Blg. 1: Piliin “ang Mabuting Bahagi” (bw99 9/1 p. 30-1)
Blg. 2: Awit 69:1-19
Blg. 3: Paano Makikilala ang mga Bulaang Propeta? (rs p. 75-6 par. 6)
Blg. 4: Hindi Laging Nauunawaan ng Tunay na mga Propeta Kung Paano at Kailan Matutupad ang mga Bagay na Inihula (rs p. 77 pars. 1-6)
Set. 24 Pagbasa sa Bibliya: Awit 72-77
Blg. 1: Bakit Dapat Mong Tuparin ang Iyong mga Pangako? (bw99 9/15 p. 8-11)
Blg. 2: Awit 73:1-24
Blg. 3: Ang mga Kapahayagan ng Isang Tunay na Propeta ay Nagtataguyod ng Tunay na Pagsamba (rs p. 77 par. 7–p. 78 par. 1)
Blg. 4: Ang mga Tunay na Propeta ay Makikilala sa Iniluluwal na mga Bunga (rs p. 78 par. 2–p. 80 par. 1)
Okt. 1 Pagbasa sa Bibliya: Awit 78-81
Blg. 1: Magtamo ng Karunungan, at Tanggapin ang Disiplina (bw99 9/15 p. 12-15)
Blg. 2: Awit 78:1-22
Blg. 3: Pagtugon sa mga Tumatawag sa Atin na mga Bulaang Propeta (rs p. 80 par. 2-4)
Blg. 4: Hindi Itinatadhana ng Diyos Kung Kailan Mamamatay ang Bawat Tao (rs p. 405 par. 1-3)
Okt. 8 Pagbasa sa Bibliya: Awit 82-89
Blg. 1: Timoteo—“Isang Tunay na Anak sa Pananampalataya” (bw99 9/15 p. 29-31)
Blg. 2: Awit 88:1-18
Blg. 3: Hindi Lahat ng Nangyayari ay Kalooban ng Diyos (rs p. 406 par. 1–p. 407 par. 3)
Blg. 4: Hindi Patiunang Nababatid at Itinatalaga ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay (rs p. 407 par. 4-6)
Okt. 15 Pagbasa sa Bibliya: Awit 90-98
Blg. 1: Pinatatag Upang Tanggihan ang Masamang Gawa (bw99 10/1 p. 28-31)
Blg. 2: Awit 90:1-17
Blg. 3: Ang Kakayahan ng Diyos na Patiunang Umalam at Magtalaga ng mga Pangyayari (rs p. 408 par. 1-4)
Blg. 4: Kung Bakit Hindi Ginamit ng Diyos ang Kaniyang Patiunang Kaalaman Hinggil kay Adan (rs p. 409 par. 1-3)
Okt. 22 Pagbasa sa Bibliya: Awit 99-105
Blg. 1: Natututuhan ang Nakahihigit na Daan ng Pag-ibig (bw99 10/15 p. 8-11)
Blg. 2: Awit 103:1-22
Blg. 3: Hindi Itinadhana ng Diyos Sina Jacob, Esau, o Hudas (rs p. 409 par. 4–p. 410 par. 2)
Blg. 4: Sa Anong Paraan Itinadhana ang Kristiyanong Kongregasyon? (rs p. 410 par. 3–p. 411 par. 1)
Okt. 29 Pagbasa sa Bibliya: Awit 106-109
Blg. 1: “Si Jehova ay Nagbibigay ng Karunungan” (bw99 11/15 p. 24-7)
Blg. 2: Awit 107:1-19
Blg. 3: Ano ang Maka-Kasulatang Pangmalas sa Astrolohiya? (rs p. 411 par. 2–p. 412 par. 3)
Blg. 4: Ano ang Ilan sa Matitibay na Dahilan Upang Maniwala sa Diyos? (rs p. 126-7 par. 4)
Nob. 5 Pagbasa sa Bibliya: Awit 110-118
Blg. 1: Ang Apocalipsis—Dapat Bang Katakutan o Kasabikan? (bw99 12/1 p. 5-8)
Blg. 2: Awit 112:1–113:9
Blg. 3: Ang Kasamaan at Paghihirap ay Hindi Nagpapabulaan sa Pag-iral ng Diyos (rs p. 127 par. 5–p. 128 par. 1)
Blg. 4: Ang Diyos ay Isang Tunay na Persona na may Damdamin (rs p. 128 par. 2–p. 129 par. 2)
Nob. 12 Pagbasa sa Bibliya: Awit 119
Blg. 1: Huwag Hayaang ang Iyong Kalakasan ang Maging Iyong Kahinaan (bw99 12/1 p. 26-9)
Blg. 2: Awit 119:1-24
Blg. 3: Ang Diyos ay Walang Pasimula (rs p. 129 pars. 3-6)
Blg. 4: Ang Paggamit sa Pangalan ng Diyos ay Mahalaga Ukol sa Kaligtasan (rs p. 130 par. 1-4)
Nob. 19 Pagbasa sa Bibliya: Awit 120-137
Blg. 1: Awit—Bakit Kapaki-pakinabang—Bahagi 1 (si p. 104-5 par. 23-7)
Blg. 2: Awit 120:1–122:9
Blg. 3: Mabuti ba ang Lahat ng Relihiyon? (rs p. 130 par. 5-8)
Blg. 4: Anong Uri ng “Diyos” si Jesus? (rs p. 130 par. 9–p. 131 par. 1)
Nob. 26 Pagbasa sa Bibliya: Awit 138-150
Blg. 1: Awit—Bakit Kapaki-pakinabang—Bahagi 2 (si p. 105-6 par. 28-32)
Blg. 2: Awit 139:1-24
Blg. 3: f Pagtugon sa mga Pagtutol Hinggil sa Paniniwala sa Diyos (rs p. 131 par. 2–p. 132 par. 3)
Blg. 4: Kung Bakit Hindi Makapagtatag ang mga Tao ng Isang Makatarungang Pamahalaan (rs p. 306-7 par. 6)
Dis. 3 Pagbasa sa Bibliya: Kawikaan 1-7
Blg. 1: Introduksiyon sa Kawikaan—Bahagi 1 (si p. 106-7 par. 1-5)
Blg. 2: Kawikaan 4:1-27
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Magtatagumpay ang mga Pagsisikap ng Tao sa Pagdadala ng Kaginhawahan (rs p. 308 par. 1–6)
Blg. 4: Ang Kaharian ng Diyos ang Tanging Kasagutan sa Tunay na mga Pangangailangan ng Tao (rs p. 309 par. 1–5)
Dis. 10 Pagbasa sa Bibliya: Kawikaan 8-13
Blg. 1: Introduksiyon sa Kawikaan—Bahagi 2 (si p. 107-8 par. 6-11)
Blg. 2: Kawikaan 13:1-25
Blg. 3: Ang mga Hula ng Bibliya ay Napatunayang Lubos na Maaasahan (rs p. 310 par. 1-4)
Blg. 4: Ang Makahimalang mga Pagpapagaling sa Ngayon ay Hindi sa Pamamagitan ng Espiritu ng Diyos (rs p. 295-6 par. 1)
Dis. 17 Pagbasa sa Bibliya: Kawikaan 14-19
Blg. 1: Kawikaan—Bakit Kapaki-pakinabang—Bahagi 1 (si p. 109-10 par. 19-28)
Blg. 2: Kawikaan 16:1-25
Blg. 3: Ang Pagkakaiba ng mga Pagpapagaling ni Jesus at ng Kaniyang mga Apostol at Niyaong sa Ngayon (rs p. 296 par. 2-5)
Blg. 4: Kung Paano Nakikilala ang Tunay na mga Kristiyano sa Ngayon (rs p. 297 par. 1-5)
Dis. 24 Pagbasa sa Bibliya: Kawikaan 20-25
Blg. 1: Kawikaan—Bakit Kapaki-pakinabang—Bahagi 2 (si p. 110-11 par. 29-38)
Blg. 2: Kawikaan 20:1-30
Blg. 3: Kung Bakit ang mga Kaloob ng Pagpapagaling ay Ibinigay Noong Unang Siglo (rs p. 298 par. 1–p. 299 par. 2)
Blg. 4: Anong Pag-asa Mayroon Ukol sa Tunay na Pagpapagaling Para sa Buong Sangkatauhan? (rs p. 299 par. 3-5)
Dis. 31 Nasusulat na Repaso. Pagbasa sa Bibliya: Kawikaan 26-31
[Mga Talababa]
a Habang ipinahihintulot ng panahon, isaalang-alang ang mga pagtugon sa mga pag-aangkin, mga pagtutol, at iba pa na pinakaangkop sa mga pangangailangan sa teritoryo.
b Habang ipinahihintulot ng panahon, isaalang-alang ang mga pagtugon sa mga pag-aangkin, mga pagtutol, at iba pa na pinakaangkop sa mga pangangailangan sa teritoryo.
c Habang ipinahihintulot ng panahon, isaalang-alang ang mga pagtugon sa mga pag-aangkin, mga pagtutol, at iba pa na pinakaangkop sa mga pangangailangan sa teritoryo.
d Habang ipinahihintulot ng panahon, isaalang-alang ang mga pagtugon sa mga pag-aangkin, mga pagtutol, at iba pa na pinakaangkop sa mga pangangailangan sa teritoryo.
e Habang ipinahihintulot ng panahon, isaalang-alang ang mga pagtugon sa mga pag-aangkin, mga pagtutol, at iba pa na pinakaangkop sa mga pangangailangan sa teritoryo.
f Habang ipinahihintulot ng panahon, isaalang-alang ang mga pagtugon sa mga pag-aangkin, mga pagtutol, at iba pa na pinakaangkop sa mga pangangailangan sa teritoryo.