Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/00 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Subtitulo
  • Linggo ng Nobyembre 13
  • Linggo ng Nobyembre 20
  • Linggo ng Nobyembre 27
  • Linggo ng Disyembre 4
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 11/00 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

PANSININ: Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay mag-iiskedyul ng isang Pulong sa Paglilingkod para sa bawat linggo ng Disyembre at Enero. Maaaring gumawa ng mga pagbabago ang mga kongregasyon kung kinakailangan upang mabigyang-daan ang pagdalo sa “Mga Tagatupad ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon. Dalawa hanggang apat na linggo pagkatapos ng kombensiyon, isang 30-minutong repaso ng mga tampok na bahagi ng programa ang kailangang iiskedyul sa Pulong sa Paglilingkod. Sa panahong iyon, ang bawat isa ay magiging handang magbigay ng maikling komento kapag tinawag ng tatlong kuwalipikadong kapatid na lalaki na inatasang gumanap sa bahaging ito. Ang gayong mga komento ay maaaring magpahayag kung paanong kumakapit sa sariling buhay ng isa at sa ministeryo sa larangan ang kaniyang natutuhan sa kombensiyon. Isa o dalawang maiikling karanasan ang maaaring ilahad. Ang mabuting paghahanda ng lahat ang siyang susi upang maging kapuwa kapana-panabik at nakapagtuturo ang Pulong sa Paglilingkod na ito.

Linggo ng Nobyembre 13

Awit 4

7 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

13 min: “Tanong.” Pahayag ng isang matanda.

10 min: “Naroroon Ka Kaya?” Tanong-sagot na pagtalakay, na nagpapakita kung paanong ang patiunang pagpaplano at ang positibong saloobin ay titiyak sa ating pagkanaroroon sa kombensiyon mula sa pasimula nito.

15 min: “Ikaw ba ay Nagpapahalaga sa Sagradong mga Bagay?” Pahayag ng isang matanda na may pakikibahagi ang tagapakinig salig sa insert sa pahina 3.

Awit 63 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 20

Awit 111

8 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

22 min: “Paglinang sa Interes na Pinukaw ng Kingdom News Blg. 36.” Tanong-sagot na pagtalakay sa parapo 1-5. Balangkasin ang lokal na mga kaayusan sa pagkubre sa alinmang teritoryo na hindi pa nagagawa. Repasuhin ang mga presentasyon sa parapo 7 at 8 sa paggawa ng mga pagdalaw-muli, at ipatanghal ang bawat isa. Idiin ang kahalagahan ng pagsubaybay sa lahat ng nagpakita ng interes at pagsisikap na makapagsimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Magtapos sa pamamagitan ng pagtalakay sa parapo 9 at sa mga binanggit na kasulatan.

15 min: “Matamang Makinig sa mga Sagradong Kapahayagan.” Tanong-sagot na pagtalakay sa insert sa pahina 4. Idiin ang mga dahilan kung bakit nararapat na tayong lahat ay nasa ating mga upuan na sa pagsisimula ng bawat sesyon.

Awit 141 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 27

Awit 153

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Nobyembre. Ang alok na literatura sa Disyembre ay ang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao kasama ang New World Translation. Ipaliwanag kung paanong ang mga Saksi ni Jehova ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa paggawa ng Bibliya sa maraming wika.—Tingnan ang Oktubre 15, 1997, Bantayan, pahina 11-12.

20 min: “Panatilihin ang Mainam na Paggawi na Lumuluwalhati sa Diyos.” Isang matanda ang tatalakay sa artikulo sa pahina 5 ng insert kasama ang isang grupo ng pamilya. Kanilang nirepaso kung ano ang kailangan nilang gawin upang mapanatili ang pagiging maayos, mabuting pag-uugali, kalinisan, at ulirang hitsura at paggawi sa pampublikong mga lugar sa panahon ng kombensiyon.

15 min: Paano Ko Makokontrol ang Aking Ugali sa Panonood ng TV? Isang matanda ang nakipag-usap sa isang kabataang kapatid na lalaki na gumugugol ng mga ilang oras sa isang araw sa panonood ng TV. Sa pasimula, iginigiit ng kapatid na wala namang masama rito. Sinabi niya na ito ay isang anyo lamang ng paglilibang at na walang masamang epekto ito sa kaniya. Nirepaso ng matanda ang mga pangunahing punto sa kabanata 36 ng aklat na Ang mga Kabataan ay Nagtatanong. Kaniyang ipinaliwanag na ang labis na panonood ng TV ay umuubos ng mahalagang panahon na sana’y magagamit sa personal na pag-aaral, paghayo sa ministeryo, o pagtulong sa mga pangangailangan ng kongregasyon. Nagpahayag ng pagpapahalaga ang kapatid na kabataan sa payo at nagsabi na para sa kaniyang espirituwal na kapakinabangan, babaguhin niya ang kaniyang ugali sa panonood ng TV.

Awit 175 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 4

Awit 189

10 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: “Patuloy na Mangaral!” Pahayag at panayam. Ang ilan ay naging matiyaga sa gawaing pangangaral sa buong buhay nila. Taglay ang positibong saloobin, sila’y nakasumpong ng kagalakan sa paggawa nito. (Tingnan ang aklat na Kaalaman, pahina 179, parapo 20, at ang Mayo 1, 1992, Bantayan, pahina 21-2, parapo 14-15.) Anyayahan ang isang mamamahayag na naging aktibo sa loob ng maraming taon upang ilahad ang mga dahilan kung bakit siya’y naging matiyaga sa gawaing pangangaral.

15 min: Gamiting Mabuti ang Aklat na Nangangatuwiran. Tanong-sagot na pagtalakay sa pahina 7-8. Ipakita kung paanong ang aklat na ito ay dinisenyo upang tulungan tayong maghanda para sa higit na epektibong pakikibahagi sa ministeryo. Ipaliwanag kung paano maaaring gamitin ang aklat kapag nagpapatotoo sa telepono. Itanghal kung paano hahanapin ang nakatutulong na impormasyon sa pagsagot sa isang katanungan. Himukin ang lahat na maging pamilyar sa aklat na ito, ilagay ito sa kanilang bag sa pangangaral, at gamitin ito nang regular.

Awit 218 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share