Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/00 p. 1
  • Naroroon Ka Kaya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naroroon Ka Kaya?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Kaparehong Materyal
  • 1987 “Magtiwala kay Jehova” na Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Pakikinabang Nang Lubusan Mula sa 1993 “Banal na Pagtuturo” na Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • 1998-99 “Ang Daan ng Diyos Ukol sa Buhay” na mga Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Halikayo sa “Dalisay na Wika” na Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 11/00 p. 1

Naroroon Ka Kaya?

1 Isang matagal nang Saksi ang minsan ay nagsabi: “Kung mawawala ka sa unang araw ng kombensiyon, aba, napakalaki ang nawala sa iyo!” Bakit gayon ang kaniyang nadarama? Sapagkat ang unang araw ay siyang pasimula ng isang mayamang espirituwal na piging na inihanda para sa atin ng organisasyon ni Jehova. (Isa. 25:6) Ang ating pagkanaroroon mula sa pasimula ay nagpapakita na tayo ay kaayon ng damdamin ng salmista: “Ako ay nagsaya nang sabihin nila sa akin: ‘Pumaroon tayo sa bahay ni Jehova.’”—Awit 122:1.

2 Gayunman, noong nakaraang taon sa ilan sa “Makahulang Salita ng Diyos” na mga Pandistritong Kombensiyon, ang bilang ng dumalo noong Biyernes ay lubhang kakaunti kaysa noong Sabado at Linggo. Ito’y nangangahulugan na isang malaking porsiyento ng ating mga kapatid ang hindi nakapakinig sa mga bahagi ng kombensiyon na nagharap ng mahalagang impormasyon hinggil sa makahulang salita. Hindi rin nila tinamo ang kasiya-siyang pakikipagsamahan sa mga kapananampalataya.

3 Huwag Hayaang Makahadlang ang Sekular na Trabaho: Ang pagkabahala na baka mamiligro ang hanapbuhay ng isa ay marahil ang siyang naging dahilan kung bakit ang ilan ay hindi dumalo noong Biyernes. Gayunman, natuklasan ng maraming Saksi na ang kanilang mga amo ay handang makipagtulungan sa kanila sa bagay na ito kung sila’y patiunang hihiling ng bakasyon sa trabaho. Isang amo ang lubhang humanga sa matatag na determinasyon ng isang payunir na sister na daluhan ang lahat ng pulong ng kongregasyon at mga asamblea anupat buong maghapon itong dumalo sa kombensiyong kaniyang dinaluhan.

4 Huwag mong ipagpalagay na ang iyong amo ay malamang na hindi magkaloob sa iyo ng bakasyon sa trabaho, ni dapat mong isipin na ang pagliban ng isang araw sa kombensiyon ay walang anuman. Taglay ang taos-pusong pananalig, mataktikang ipakita mula sa Kasulatan sa iyong amo kung bakit ang pagdalo sa kombensiyon ay isang mahalagang bahagi ng iyong pagsamba. (Heb. 10:24, 25) Pagkatapos ay ilagak ang iyong buong pagtitiwala sa mga pangako ni Jehova, na kinikilalang anumang kailangan mo sa materyal na paraan ay ilalaan kung pananatilihin mong pinakapangunahin sa iyong buhay ang espirituwal na mga pangangailangan.—Mat. 6:33; Heb. 13:5, 6.

5 Ang susing salik ay ang pagpapahalaga sa “mga bagay na higit na mahalaga.” (Fil. 1:10, 11; Awit 27:4) Ito ang nagpapakilos sa atin na gumawa ng mga plano upang lubusang makinabang mula sa mahalagang paglalaang ito mula kay Jehova. Magpasimula nang gumawa ng tiyak na mga plano ngayon, at maging determinadong naroroon ka sa buong tatlong araw!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share