Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/00 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Subtitulo
  • Linggo ng Disyembre 11
  • Linggo ng Disyembre 18
  • Linggo ng Disyembre 25
  • Linggo ng Enero 1
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 12/00 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Disyembre 11

Awit 50

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na panoorin ang video na The Bible—Accurate History, Reliable Prophecy bilang paghahanda sa pagtalakay sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Disyembre 25. Ang pagtalakay ay isasalig sa mga tanong na nasa pahina 7 ng isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: “Matakot kay Jehova Buong Araw.”a Ilakip ang paliwanag tungkol sa makadiyos na takot na nasa pahina 26 ng Enero 8, 1998, Gumising!

20 min: “Panggigipit ng mga Kasama at ang Iyong Pribilehiyong Mangaral.” Pahayag at mga panayam. Anyayahan ang mga indibiduwal na nakaranas ng panggigipit ng mga kasama na magsalaysay kung paano sila nakapanatiling aktibo sa pangangaral sa kabila nito.

Awit 78 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 18

Awit 94

15 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Banggitin sa maikli ang pantanging mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan para sa Disyembre 25 at Enero 1. Sagutin ang tanong na: Masama ba ang makilahok sa mga kapistahan na may di-makakristiyanong pinagmulan basta hindi ito ginagawa sa mga relihiyosong kadahilanan?—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 114-115 (p. 178-80 sa Ingles).

12 min: “Ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 2001.” Pahayag ng tagapangasiwa ng paaralan.

18 min: “Nangangaral Ka ba Nang May Katapangan?”b Ginagamit ang aklat na Ating Ministeryo, pahina 86, ipakita kung paano tayo magtatamo ng higit na katapangan at maging lalong epektibo sa paglilingkod sa larangan.

Awit 124 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 25

Awit 126

10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang “Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea.” Repasuhin ang alok na literatura para sa Enero.

10 min: Lokal na mga pangangailangan.

25 min: “Pagkatuto Mula sa Video na The Bible—Accurate History, Reliable Prophecy.” Pagtalakay sa tagapakinig. Magbigay ng mga mungkahi kung paano maaaring gamitin ang video na ito upang mapakilos ang iba. (1999 Yearbook, pahina 51-2) Sa Pebrero ay rerepasuhin natin ang ikalawang video sa seryeng ito, ang The Bible—Mankind’s Oldest Modern Book. (Pansinin: Sa mga kongregasyon na walang sinuman ang may video, maaaring ipahayag ang “Kung Paano Makikilala at Mapananagumpayan ang Anumang Espirituwal na Kahinaan,” salig sa Abril 15, 1999, Bantayan, pahina 18-22.)

Awit 151 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 1

Awit 171

10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang “Bagong Programa ng Pantanging Araw ng Asamblea.” Ipaalaala sa lahat ng mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Disyembre.

20 min: Kung Paano Maghahanda Para sa mga Pagdalaw-Muli. Tinatalakay ng ama sa kaniyang pamilya ang maka-Kasulatang mga dahilan para subaybayan ang lahat ng nasumpungang interes. Ginagamit ang mga tagubiling inilaan sa Hulyo 1, 1999, Bantayan, pahina 22, parapo 18, naghahanda sila upang gumawa ng mga pagdalaw-muli. Inamin ng lahat na may nakausap na silang mga tao na dapat dalawing muli. Inilalarawan ng bawat isa ang unang pagdalaw, at ang iba ay magbibigay ng mungkahi at isang kasulatan na gagamitin sa pagdalaw-muli. Nakasumpong sila ng mga punto sa brosyur na Hinihiling na magagamit sa epektibong paraan. Hinilingan ng mga magulang ang isa sa kanilang mga anak na ensayuhin kung ano ang sasabihin niya sa kaniyang pagdalaw. Nagplano sila ng isang espesipikong panahon upang isagawa ang mga pagdalaw-muli sa susunod na linggo.

15 min: “Balita Tungkol sa Konstruksiyon sa Bethel.”c Ilalakip ng matanda ang mga punto mula sa artikulong, “Isang Kusang-loob na Handog Upang Pasulungin ang Dalisay na Pagsamba” sa Nobyembre 1, 1999, Bantayan, upang pasiglahin ang patuluyang pinansiyal na suporta sa malaking proyektong ito ng pagtatayo. Pasalamatan ang lahat sa mga abuloy na kanilang ibinigay.

Awit 212 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-at-sagot na pagtalakay.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-at-sagot na pagtalakay.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-at-sagot na pagtalakay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share