Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Oktubre 8
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang bawat isa na panoorin ang video na United by Divine Teaching bilang paghahanda para sa talakayan sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Oktubre 22. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal ang dalawang maikling presentasyon sa pag-aalok ng magasin, ang isa na ginagamit ang Oktubre 15 ng Bantayan at ang isa pa na ginagamit ang Oktubre 22 ng Gumising!
15 min: Mayroon Ka Bang “Isang Masunuring Puso”? (1 Hari 3:9) Pahayag ng isang matanda, salig sa Hulyo 15, 1998 ng Bantayan, pahina 29-31.
20 min: Gamiting Mabuti ang Ating mga Magasin. Pinag-usapan ng tagapangasiwa sa paglilingkod at ng lingkod sa magasin ang kanilang mga pagkabahala hinggil sa lokal na pamamahagi ng magasin. Binanggit nila kung gaano karaming kopya ang natatanggap ng kongregasyon bawat buwan kung ihahambing sa dami ng mga naipapasakamay. Batay rito, maraming kopya ang naiimbak o natatapon. Paano magagamit nang mas mabuti ng mga mamamahayag ang ating mga magasin? Tinalakay ng mga kapatid na ito ang pitong punto sa bahaging “Maging Palaisip sa Magasin!” sa Pulong sa Paglilingkod para sa linggo ng Oktubre 4, 1999. Kanilang nirepaso ang karanasan sa Pebrero 15, 1998 ng Bantayan, pahina 28-9, at isinaalang-alang ang ilang paraan kung paano maaaring maikapit ang mga mungkahi sa lokal na kalagayan. Ang lahat ay pinasisiglang subukin ang halimbawang mga presentasyon na itinatampok bawat buwan sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
Awit 151 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 15
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
35 min: “Ikinakapit Mo ba ang Iyong Natutuhan sa Serye ng 2001 na mga Pansirkitong Asamblea?” Pakikipagtalakayan ng programa sa tagapakinig, na pangangasiwaan ng konduktor ng Pag-aaral sa Bantayan. Iharap sa maikli ang bawat pangunahing punto, pagkatapos ay anyayahang magkomento ang mga tagapakinig hinggil sa (1) kung paano nila pinagsikapang ikapit ang tagubilin, (2) kung paano sila nakinabang sa paggawa nito, at (3) kung ano pa sa palagay nila ang kailangan nilang gawin.
Awit 156 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 22
10 min: Lokal na mga patalastas. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal ang dalawang maikling presentasyon sa pag-aalok ng magasin, ang isa na ginagamit ang Nobyembre 1 ng Bantayan at ang isa pa na ginagamit ang Nobyembre 8 ng Gumising!
10 min: Paano Ka Tutugon? Ipakita sa maikli ang pahina 382-3 ng aklat na Nangangatuwiran (p. 204-5 sa Ingles), na doo’y ibinigay ang isang malinaw na sagot sa tanong na, “Ano ang saligan ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang pagpapaliwanag sa Bibliya?” Iharap ang isang inihandang-mabuting pagtatanghal kung paano sasagutin ang tanong na ito sa isang pagdalaw-muli.
25 min: “United by Divine Teaching—Isang Pagsusuri sa Tunay na Pagkakaisa Bilang Magkakapatid.” Pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Upang magkaroon ng isang buháy na talakayan sa video, iharap ang bawat inilaang tanong. Kung ipinahihintulot ng panahon, iharap ang ilang karanasan mula sa 1994 Yearbook, pahina 7-9, at sa 1995 Yearbook, pahina 8-11. (Pansinin: Sa mga kongregasyon na walang mapagkukunan ng video na ito, ang pahayag na “Dapat Bang Parangalan ang mga Patay?” ay maaaring iharap, salig sa Pebrero 8, 1999 ng Gumising!, pahina 10-11.) Sa Disyembre ay ating rerepasuhin ang video na To the Ends of the Earth.
Awit 47 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 29
12 min: Lokal na mga patalastas. Ang alok na literatura para sa Nobyembre ay ang brosyur na Hinihiling o ang aklat na Kaalaman. Itanghal ang maikling presentasyong ito: “Sa mahihirap na panahong ito sa ekonomiya, maraming tao ang nahihirapang pagkasyahin ang kanilang kinikita. Sa palagay ba ninyo’y malulutas ng mga pamahalaan ng tao ang suliraning ito sa paraan na magiging kasiya-siya sa lahat? [Hayaang sumagot.] Nasumpungan ko ang pangakong ito sa Bibliya na lubhang nakapagpapasigla.” Basahin ang Awit 72:12-14. Pagkatapos ay ialok ang brosyur na Hinihiling o ang aklat na Kaalaman.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
18 min: “Kumakain Ka Bang Mabuti sa Espirituwal?”a Anyayahan ang mga tagapakinig na magbigay ng karagdagang komento salig sa Abril 15, 1997 ng Bantayan, pahina 28-31, hinggil sa kung bakit at kung gaano kalaki ang ating pangangailangan na mapanatili ang mabuting kinaugalian sa espirituwal na pagkain.
Awit 181 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 5
10 min: Lokal na mga patalastas.
18 min: Paghahanda ng Pamilya Para sa mga Pulong. Ginagamit ang mga tagubilin sa Hulyo 1, 1999 ng Bantayan, pahina 19-20, parapo 9, isang ama ang tumutulong sa kaniyang pamilya na maghanda ng mga komento upang gamitin sa Pag-aaral sa Bantayan sa linggong ito. (1) Bawat miyembro ng pamilya ay pipili ng isa o dalawang tanong upang komentuhan. (2) Pagkatapos repasuhin ang mga parapo, bubuuin nila ang kanilang mga komento sa sarili nilang pananalita. (3) Pipiliin nila ang binanggit na susing mga kasulatan, tatalakayin kung paanong ang bawat isa ay may kaugnayan sa paksa, at pag-iisipan kung paano ikakapit ito sa leksiyon. Ang lahat ay nananabik na makibahagi sa pulong.
17 min: “Ano ang Tunguhin?”b Ilakip ang isang inihandang-mabuting pagtatanghal, na ginagamit ang kabanata 17, parapo 6-8, sa aklat na Kaalaman.
Awit 186 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at saka sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at saka sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.