Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/02 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Subtitulo
  • Linggo ng Marso 11
  • Linggo ng Marso 18
  • Linggo ng Marso 25
  • Linggo ng Abril 1
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 3/02 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Marso 11

Awit 2

13 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Sa pamamagitan ng paggamit sa mga mungkahing nasa pahina 8, magkaroon ng dalawang magkaibang pagtatanghal kung paano ihaharap ang Marso 15 ng Bantayan at ang Marso 22 ng Gumising! Sa bawat tagpo, ipakita ang isang naiibang paraan upang harapin ang pagtutol na “Hindi ako interesado.”​—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 16.

12 min: Pagpapanatili sa Ating Kristiyanong Neutralidad. Pahayag ng isang may-kakayahang matanda. Ang pagpapakita ng pagkamakabayan ay laganap sa mga paaralan at sa mga pinagtatrabahuhan. Marami sa tagapagtaguyod nito ang gumagawa nito bilang paraan ng kanilang pagharap sa kabalisahan at dalamhating dulot ng mga pambansang trahedya. Bagaman tayo ay nababagabag din dahil sa ating nakikita sa daigdig, ating nauunawaan ang higit na malaking isyu ng pansansinukob na soberanya at naaaliw sa pamamagitan ng mensahe ng Kaharian. Kapag mataktikang ipinaliliwanag sa iba kung bakit hindi tayo nakikisali sa mga nasyonalistikong gawain, dapat din nating ibahagi ang kaaliwan at pag-asa na ating nasumpungan sa Salita ng Diyos. Ang brosyur na Ang mga Saksi ni Jehova at ang Edukasyon, pahina 20-4, sa ilalim ng subtitulong “Ang Pagsaludo sa Bandila,” ay nagpapaliwanag sa dahilan kung bakit hindi tayo nakikibahagi sa mga seremonyang makabayan. Talakayin ang mga tampok na bahagi, at pasiglahin ang mga magulang na maingat na repasuhin ang impormasyong ito sa kanilang mga anak. Ilahad ang mga karanasan na masusumpungan sa pahina 20 ng brosyur at sa pahina 31 ng Enero 8, 1996, Gumising!

20 min: “Maging Mayaman sa Maiinam na Gawa.”a Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Tatalakayin kung paanong ang inimprentang mga paanyaya ay magagamit sa pinakamalaking bentaha. Anyayahan ang mga mamamahayag na sabihin kung paano nila naimbitahan ang kanilang mga kamag-anak, kapitbahay, estudyante sa Bibliya, at iba pang mga taong interesado na dumalo sa Memoryal noong nakaraang taon. Pasiglahin ang lahat na maaaring mag-auxiliary pioneer sa Abril.

Awit 82 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 18

Awit 7

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Talakayin ang “Mga Paalaala sa Memoryal.” Pasiglahin ang lahat na sundin ang pagbabasa ng Bibliya sa Memoryal na nakaiskedyul sa Marso 23-28.

15 min: “May-Kagalakang Kaisa ni Jehova at ng Kaniyang Anak.” Isang nakagaganyak na maka-Kasulatang pahayag ng isang matanda. Pasiglahin ang lahat na gumawa ng ekstrang pagsisikap mula ngayon hanggang sa Marso 28 upang mag-anyaya ng pinakamaraming tao hangga’t maaari na dumalong kasama natin sa Memoryal.

20 min: Paano Ka Nakikinabang sa Taunang Aklat? Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Una, itampok ang mga susing punto sa “Isang Liham Mula sa Lupong Tagapamahala,” sa pahina 3-5. Pagkatapos, hilingin sa tagapakinig na ilahad ang mga ulat at mga karanasan sa Taunang Aklat na nasumpungan nilang lalo nang nakapagpapatibay at nakapagpapalakas ng pananampalataya. (Kung wala pang Taunang Aklat, ang mga punto mula sa 2001 Yearbook ay maaaring gamitin sa bahaging ito.)

Awit 45 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 25

Awit 12

15 min: Lokal na mga patalastas. Ipaliwanag na hindi pa masyadong huli upang isumite ang aplikasyon para mag-auxiliary pioneer sa Abril. Sa pamamagitan ng paggamit sa mga mungkahi sa pahina 8, ipatanghal sa isang matanda kung paano ihaharap ang Abril 1 ng Bantayan at ipakikita naman ng isang kabataan kung paano ihaharap ang Abril 8 ng Gumising!

10 min: “Babawasan ang mga Suskrisyon.” Pahayag ng Tagapangasiwa sa Paglilingkod, na ipinatatalastas sa lahat ng kaugnay sa kongregasyon na kunin ang kanilang mga magasin mula sa kongregasyon sa halip na sa pamamagitan ng suskrisyon. Magpasigla para sa pagtatatag ng mga ruta ng magasin sa mga nasa teritoryo natin na gustong regular na tumanggap ng magasin.

20 min: Gamitin ang Aklat na Nangangatuwiran Upang Magbigay ng Pampatibay-Loob. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Ang lahat ay nangangailangan ng maibiging pampatibay-loob sa pana-panahon. Kaya dapat madama nating lahat ang pangangailangang “magsalita nang may pang-aliw” sa iba. (1 Tes. 5:14) Sa pamamagitan ng paggamit ng aklat na Nangangatuwiran, aanyayahan ang tagapakinig na bumanggit ng maka-Kasulatang pampatibay-loob na maibabahagi nila sa nakararanas ng isa sa mga pagsubok na nakatala sa pahina 311-15 (117-21 sa Ingles). Imungkahi na pagsikapan ng bawat isa na pasiglahin ang iba kapag may bumabangong pangangailangan.​—Gal. 6:10.

Awit 131 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 1

Awit 27

7 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod para sa Marso.

18 min: “Masikap na Nagpapastol sa Kawan ng Diyos ang ‘mga Kaloob na mga Tao.’ ” Pahayag ng isang matanda. Talakayin ang mga binanggit na kasulatan. Ipakita kung paanong ang pagpapastol sa mga di-aktibo at pagtulong sa mahihina na gawin kung ano lamang ang kaya nila ay maaaring magbunga ng nakapagpapatibay na mga karanasan.

20 min: “Pag-ibayuhin ang Iyong Kagalakan sa Pangangaral.”b Kapag tinatalakay ang parapo 5, itatanghal ang isa o dalawang halimbawa kung paanong tayo ay maaaring gumawa ng unang hakbang na lumapit sa iba upang magbigay ng isang maikling patotoo.

Awit 15 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share