Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Abril 14
15 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano itatampok ang Abril 15 ng Bantayan at ang Abril 22 ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, ang dalawang magasin ay magkasamang iaalok, bagaman isa lamang ang itatampok.
10 min: “Tanong.” Pahayag ng isang matanda.
20 min: “Sumisikat Bilang mga Tagapagbigay-Liwanag.”a Magtapos sa pamamagitan ng limang-minutong pahayag na salig sa Hunyo 1, 1997, Bantayan, pahina 14-15, parapo 8-13. Idiin kung bakit hindi natin inililihim sa iba ang mensahe ng Kaharian.
Awit 134 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 21
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: Mga Saksi ni Jehova—Isang Mabuting Impluwensiya sa Komunidad. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Kung minsan ay may pagkakataon tayo upang banggitin kung paanong ang ating ministeryo at halimbawa ay nagiging kapaki-pakinabang sa komunidad. Anyayahan ang tagapakinig na magkomento sa sumusunod na mga punto: (1) Tinuturuan natin ang mga tao na mamuhay ayon sa mga pamantayan ng Bibliya sa moralidad. (2) Nagtuturo tayo ng pagkamatapat at paggalang sa awtoridad. (3) Nagtuturo tayo ng pagkakasuwato sa pagitan ng mga lahi, nasyonalidad, at mga grupong panlipunan. (4) Tinutulungan natin ang iba na mapabuti ang kanilang buhay pampamilya sa pamamagitan ng pagpapasigla sa kanila na ikapit ang mga simulain ng Bibliya. (5) Naturuan natin ang libu-libo na bumasa at sumulat. (6) Tinutulungan natin ang iba sa panahon ng kasakunaan. (7) Malaking papel ang ginampanan natin upang makamit ang mga kalayaan sa relihiyon na tinatamasa ng lahat.—Tingnan ang aklat na Tagapaghayag, pahina 699.
20 min: “Maglaan ng Dako Para Rito.”b Ilakip ang panayam sa isa o dalawang indibiduwal na sinasamantala ang kanilang pagiging walang asawa upang itaguyod ang mga kapakanan ng Kaharian. Hayaan silang magkomento kung ano ang tumutulong sa kanila na makasumpong ng kasiyahan sa kanilang paglilingkod.
Awit 35 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 28
10 min: Lokal na mga patalastas. Paalalahanan ang mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat sa paglilingkod para sa buwan ng Abril. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano ihaharap ang Mayo 1 ng Bantayan at ang Mayo 8 ng Gumising!
15 min: “Gamitin ang Aklat na Sambahin ang Diyos sa Pagdaraos ng mga Pag-aaral sa Bibliya.” Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Ipaliwanag ang kaayusan sa paggamit ng bagong aklat bilang ikalawang aklat na pag-aaralan. (km 6/00 p. 4, par. 5-6) Anyayahan ang tagapakinig na magkomento hinggil sa mga katangian ng publikasyon na pinahahalagahan nila. Itampok na ang aklat ay gumagamit ng mga tanong at kasulatan upang ganyakin ang estudyante na mag-isip nang malalim tungkol sa Salita ng Diyos. Itampok ang halimbawang masusumpungan sa pahina 47-9, parapo 13.
20 min: “Ang mga Pagdalaw-Muli ay Umaakay sa mga Pag-aaral sa Bibliya”c Gagampanan ng isang matanda, na ginagamit ang inilaang mga tanong. Anyayahan ang tagapakinig na magbigay ng maiikling karanasan sa paglilingkod sa larangan na sumusuporta sa mga puntong binanggit. Kapag tinatalakay ang parapo 5, isadula ang isang karanasan mula sa lokal na teritoryo kung saan napasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya.
Awit 89 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 5
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Pagtugon sa Pangangailangan Para sa mga Kingdom Hall.” Pahayag ng isang matanda na sinasaklaw ang pangunahing mga punto sa insert. Pasiglahin ang lahat na lubusang suportahan ang lokal na mga pangangailangan ng Kingdom Hall.
15 min: Isang Mabuting Ulat—Dahilan Para Magsaya. (Kaw. 15:30) Pakikipagtalakayan sa tagapakinig na ipinakikita ang naisakatuparan ng kongregasyon bilang resulta ng pantanging pagsisikap na ginawa noong Marso at Abril. Anyayahan ang kongregasyon na maglahad ng nakapagpapatibay na mga karanasan nila sa sumusunod na mga larangan: (1) pagtulong sa isang interesado na dumalo sa Memoryal, (2) paglilingkod bilang auxiliary pioneer, (3) pagpapasigla sa isang di-aktibong mamamahayag na muling pasimulan ang kaniyang gawain kasama ng kongregasyon, (4) pagtulong sa isang baguhan na magsimulang mangaral sa madla, at (5) paglinang sa interes ng mga dumalo sa Memoryal. Isaayos nang patiuna ang ilan sa mga komentong ito. Magbigay ng komendasyon, at pasiglahin ang lahat na magmatiyaga sa ganitong mga pagsisikap sa hinaharap.
Awit 126 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.