Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo Sa 2004
Mga Tagubilin
Sa 2004, ang sumusunod ang magiging kaayusan sa pagdaraos ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.
PINAGKUNANG MATERYAL: Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan [bi12], Ang Bantayan [w], Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo [be], “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang” (Edisyon ng 1990) [si], at Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan (Edisyon ng 1989) [rs].
Ang paaralan ay dapat magsimula nang EKSAKTO SA ORAS sa pamamagitan ng awit, panalangin, at mga pananalita ng pagtanggap at pagkatapos ay magpapatuloy gaya ng sumusunod:
KALIDAD SA PAGSASALITA: 5 minuto. Ang tagapangasiwa sa paaralan, ang katulong na tagapayo, o isa pang kuwalipikadong matanda ang tatalakay sa isang kalidad sa pagsasalita salig sa aklat-aralin na Paaralan Ukol sa Ministeryo. (Sa mga kongregasyon na may limitadong bilang ng matatanda, maaaring gamitin ang isang kuwalipikadong ministeryal na lingkod.) Malibang ipahiwatig, ang mga kahon na lumilitaw sa iniatas na mga pahina ay dapat ilakip sa pagtalakay. Ang mga pagsasanay ay hindi dapat ilakip. Ang mga ito ay pangunahin nang para sa personal na gamit at sa pribadong pagpapayo.
ATAS BLG. 1: 10 minuto. Ito ay dapat gampanan ng isang matanda o ministeryal na lingkod, at ito ay ibabatay sa Ang Bantayan, Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, o “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang.” Ito ay ihaharap bilang sampung-minutong nakapagtuturong pahayag nang walang oral na repaso. Ang tunguhin ay hindi lamang kubrehan ang materyal kundi ituon ang pansin sa praktikal na kahalagahan ng impormasyong tinatalakay, anupat itinatampok kung ano ang pinakakapaki-pakinabang sa kongregasyon. Dapat gamitin ang nakasaad na tema. Inaasahan na ang mga kapatid na lalaki na inatasan sa pahayag na ito ay maingat na mananatili sa itinakdang oras. Maaaring magbigay ng pribadong payo kung kinakailangan.
MGA TAMPOK NA BAHAGI SA PAGBASA SA BIBLIYA: 10 minuto. Sa unang anim na minuto, isang kuwalipikadong matanda o ministeryal na lingkod ang dapat na mabisang magkapit ng materyal sa lokal na mga pangangailangan. Maaari siyang magkomento sa anumang bahagi ng iniatas na babasahin sa Bibliya para sa linggong iyon. Hindi ito dapat na basta sumaryo lamang ng iniatas na babasahin. Ang pangunahing tunguhin ay ang tulungan ang mga tagapakinig na pahalagahan kung bakit at kung gaano kahalaga ang impormasyon. Dapat maging maingat ang tagapagsalita na hindi siya lalampas sa anim na minutong inilaan para sa pambungad na bahagi. Dapat niyang tiyakin na ang huling apat na minuto ay nakatalaga sa pakikibahagi ng mga tagapakinig. Ang mga tagapakinig ay dapat anyayahang magbigay ng maiikling komento (30 segundo o mas maikli pa) hinggil sa kung ano ang kanilang pinahahalagahan sa pagbasa sa Bibliya at sa mga kapakinabangan nito. Pagkatapos ay papupuntahin na ng tagapangasiwa sa paaralan ang mga estudyanteng naatasan sa ibang silid-aralan.
ATAS BLG. 2: 4 na minuto. Ito ay pagbasa na ihaharap ng isang kapatid na lalaki. Ang babasahin ay kadalasang magmumula sa Bibliya. Minsan sa isang buwan, sasaklawin sa atas na ito ang materyal na kinuha sa Ang Bantayan. Dapat basahin ng estudyante ang iniatas na materyal nang walang ibinibigay na introduksiyon at konklusyon. Sa bawat linggo, ang dami ng materyal na babasahin ay mag-iiba-iba nang bahagya ngunit dapat itong gumugol ng apat na minuto o mas maikli pa. Dapat tingnan ng tagapangasiwa sa paaralan ang materyal bago gumawa ng mga atas, anupat ibinabagay ang mga atas sa edad at kakayahan ng mga estudyante. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay partikular nang magiging interesado sa pagtulong sa mga estudyante na bumasa nang may kaunawaan, katatasan, wastong pagdiriin ng mga susing salita, pagbabagu-bago ng tono ng boses, angkop na sandaling paghinto, at pagiging natural.
ATAS BLG. 3: 5 minuto. Ito ay iaatas sa isang kapatid na babae. Ang mga estudyanteng tatanggap ng atas na ito ay aatasan o pipili ng isang tagpo mula sa talaan na makikita sa pahina 82 ng aklat-aralin na Paaralan Ukol sa Ministeryo. Dapat gamitin ng estudyante ang iniatas na tema at ikapit ito sa isang aspekto ng paglilingkod sa larangan na makatotohanan at praktikal sa teritoryo ng lokal na kongregasyon. Kapag walang binanggit na reperensiyang mapagkukunan ng materyal, kakailanganin ng estudyante na magtipon ng materyal para sa bahaging ito sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa mga publikasyong inilaan ng uring tapat at maingat na alipin. Ang mas bagong mga estudyante ay dapat atasan ng mga pahayag na may inilaang mga reperensiya. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay partikular nang magiging interesado sa kung paano binuo ng estudyante ang materyal at kung paano niya tinulungan ang may-bahay na mangatuwiran sa Kasulatan at maunawaan ang susing mga punto sa pagtatanghal. Ang mga estudyanteng naatasan ng bahaging ito ay dapat na marunong bumasa. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay mag-aatas ng isang kasama.
ATAS BLG. 4: 5 minuto. Dapat buuin ng estudyante ang iniatas na tema. Kapag walang binanggit na reperensiyang mapagkukunan ng materyal, kakailanganin ng estudyante na magtipon ng materyal para sa bahaging ito sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa mga publikasyong inilaan ng uring tapat at maingat na alipin. Kapag iniatas sa isang kapatid na lalaki, ang bahaging ito ay maaaring iharap bilang isang pahayag taglay sa isipan ang mga tagapakinig sa Kingdom Hall. Kapag isang kapatid na babae ang binigyan ng atas na ito, ito ay dapat na laging iharap gaya ng nakabalangkas para sa Atas Blg. 3. Maaaring iatas ng tagapangasiwa sa paaralan ang atas Blg. 4 sa isang kapatid na lalaki kailanma’t nakikita niyang angkop ito. Pakisuyong pansinin na ang mga paksang may mga asterisk ay dapat na laging iatas sa mga kapatid na lalaki upang iharap bilang mga pahayag.
ORAS: Walang pahayag ang dapat lumampas sa oras, maging ang mga komento ng tagapayo. Ang Atas Blg. 2 hanggang 4 ay dapat na mataktikang patigilin kapag lampas na sa oras. Kapag lumampas sa oras ang mga kapatid na lalaki na gumaganap sa pambukas na pahayag hinggil sa kalidad sa pagsasalita, Atas Blg. 1, o mga tampok na bahagi sa pagbasa sa Bibliya, dapat silang bigyan ng pribadong payo. Dapat na maingat na bantayan ng lahat ang kanilang oras. Kabuuang programa: 45 minuto, hindi kasali ang awit at panalangin.
PAYO: 1 minuto. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay gugugol nang hindi lalampas sa isang minuto pagkatapos ng bawat presentasyon ng estudyante upang magbigay ng ilang positibong obserbasyon sa isang aspekto ng pahayag na kapuri-puri. Ang kaniyang tunguhin ay hindi lamang para sabihing “mahusay” kundi sa halip, ituon ang pansin sa espesipikong mga dahilan kung bakit ang aspektong iyon ng presentasyon ay mabisa. Alinsunod sa pangangailangan ng bawat estudyante, maaaring magbigay ng karagdagang nakapagpapatibay na payo nang pribado pagkatapos ng pulong o sa ibang panahon.
KATULONG NA TAGAPAYO: Maaaring pumili ang lupon ng matatanda ng isang may-kakayahang matanda upang humawak ng atas bilang katulong na tagapayo kung may makukuhang iba pa bukod sa tagapangasiwa ng paaralan. Kung maraming matatanda sa kongregasyon, maaaring iba’t ibang kuwalipikadong matanda ang gumanap sa atas na ito taun-taon. Ang pananagutan ng katulong na tagapayo ay ang magbigay ng pribadong payo, kung kinakailangan, sa mga kapatid na naghaharap ng Atas Blg. 1 at mga tampok na bahagi sa pagbasa sa Bibliya. Hindi naman kinakailangang magbigay siya ng payo sa tuwing matatapos ang bawat pahayag ng kaniyang mga kapuwa matanda o ministeryal na lingkod. Ang kaayusang ito ay magaganap sa 2004 at maaaring magbago pagkatapos.
TALAAN NG PAYO: Nasa aklat-aralin.
ORAL NA REPASO: 30 minuto. Tuwing ikalawang buwan, magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng oral na repaso. Ito ay isasagawa pagkatapos ng pagtalakay sa isang kalidad sa pagsasalita at ng mga tampok na bahagi sa pagbasa sa Bibliya gaya ng nakabalangkas sa itaas. Ang oral na repaso ay isasalig sa materyal na tinalakay sa paaralan sa nakalipas na dalawang buwan, lakip na ang kasalukuyang linggo.
ISKEDYUL
Ene. 5 Pagbasa sa Bibliya: Genesis 1-5 Awit 154
Kalidad sa Pagsasalita: Nilinaw ang Praktikal na Kahalagahan (be p. 157 ¶1–p. 158 ¶1)
Blg. 1: Paggawa ng Isang Balangkas (be p. 39-42)
Blg. 2: Genesis 2:7-25
Blg. 3: Ang “Bagong Tipan” ba ay Tumutukoy sa Isang Makalupang Paraiso sa Hinaharap, o Yaon Ba’y Nasa “Matandang Tipan” Lamang? (rs p. 334 ¶5–p. 335 ¶2)
Blg. 4: a Kung Ano ang Matututuhan Natin sa mga Halimbawa sa Bibliya Tungkol sa mga Kasalanan ng Hindi Paggawa ng Kung Ano ang Tama
Ene. 12 Pagbasa sa Bibliya: Genesis 6-10 Awit 215
Kalidad sa Pagsasalita: Praktikal na Aplikasyon ng Materyal (be p. 158 ¶2-4)
Blg. 1: Kalinisan—Ano ba Talaga ang Kahulugan Nito? (w02 2/1 p. 4-7)
Blg. 2: Genesis 8:1-17
Blg. 3: Kung Bakit Masama ang Pagsisinungaling
Blg. 4: Kung Bakit ang “Paraiso” na Tinutukoy sa Lucas 23:43 ay Hindi Maaaring Bahagi ng Hades o ng Langit (rs p. 336 ¶1–p. 337 ¶1)
Ene. 19 Pagbasa sa Bibliya: Genesis 11-16 Awit 218
Kalidad sa Pagsasalita: Pagtulong sa Iba na Makuha ang Punto (be p. 159 ¶1-4)
Blg. 1: Makikinabang Ka sa Makadiyos na mga Simulain (w02 2/15 p. 4-7)
Blg. 2: Genesis 13:1-18
Blg. 3: Ano ang Nagpapakita na ang Paraisong Tinutukoy sa Lucas 23:43 ay Makalupa? (rs p. 337 ¶2–p. 338 ¶2)
Blg. 4: Kung Bakit Ibinabahagi ng mga Saksi ni Jehova sa Iba ang Kanilang Pag-asa
Ene. 26 Pagbasa sa Bibliya: Genesis 17-20 Awit 106
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpili ng mga Salita (be p. 160 ¶1-3)
Blg. 1: Empatiya—Susi sa Kabaitan at Pagkamahabagin (w02 4/15 p. 24-7)
Blg. 2: w02 1/1 p. 10-11 ¶9-11
Blg. 3: Kung Ano ang Kahulugan ng mga Salita ni Jesus sa Lucas 13:24
Blg. 4: Papaano Matatamo ng Sinoman sa Atin ang Tunay na Kaalaman at Karunungan? (rs p. 343 ¶3–p. 344 ¶2)
Peb. 2 Pagbasa sa Bibliya: Genesis 21-24 Awit 64
Kalidad sa Pagsasalita: Salitang Madaling Maunawaan (be p. 161 ¶1-4)
Blg. 1: Paghahanda ng mga Atas ng Estudyante sa Paaralan (be p. 43 ¶1–p. 44 ¶3)
Blg. 2: Genesis 21:1-21
Blg. 3: Ano ang Pinagmumulan ng mga Pilosopiya ng Tao? (rs p. 344 ¶3–p. 345 ¶2)
Blg. 4: b Kung Bakit Dapat Ituring na Seryosong Bagay ang Pakikipagtipan Upang Magpakasal
Peb. 9 Pagbasa sa Bibliya: Genesis 25-28 Awit 9
Kalidad sa Pagsasalita: Pagkasari-sari at Katumpakan ng Pananalita (be p. 161 ¶5–p. 162 ¶4)
Blg. 1: Paghahanda ng Isang Paksa at Isang Tagpo (be p. 44 ¶4–p. 46 ¶2)
Blg. 2: Genesis 28:1-15
Blg. 3: Kung Paano Makasusumpong ng Panloob na Kapayapaan sa Maligalig na Sanlibutang Ito
Blg. 4: Bakit Katunayan ng Malinaw na Kaisipan ang Pag-aralan ang mga Turo ni Jesu-Kristo sa Halip na Pilosopiya ng Tao? (rs p. 345 ¶3–p. 346 ¶3)
Peb. 16 Pagbasa sa Bibliya: Genesis 29-31 Awit 160
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Salitang Nagbabadya ng Puwersa, Damdamin, at Kulay (be p. 163 ¶1–p. 164 ¶2)
Blg. 1: Katapatan ang Pumapatnubay sa mga Matuwid (w02 5/15 p. 24-7)
Blg. 2: w02 2/1 p. 15-16 ¶6-10
Blg. 3: Kaninong mga Panalangin ang Diringgin ng Diyos? (rs p. 317 ¶1–p. 318 ¶1)
Blg. 4: Kung Bakit Isang Mahalagang Katangian Para sa mga Kristiyano ang Kagalingan
Peb. 23 Pagbasa sa Bibliya: Genesis 32-35 Awit 1
Kalidad sa Pagsasalita: Pagsasalita Ayon sa mga Alituntunin ng Balarila (be p. 164 ¶3–p. 165 ¶1)
Oral na Repaso
Mar. 1 Pagbasa sa Bibliya: Genesis 36-39 Awit 49
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng Isang Balangkas (be p. 166 ¶1–p. 167 ¶1)
Blg. 1: Paghahanda ng mga Pahayag sa Kongregasyon (be p. 47 ¶1–p. 49 ¶1)
Blg. 2: Genesis 37:12-28
Blg. 3: Bakit Dapat Nauugnay sa Pagbabata ang Ating Pananampalataya?
Blg. 4: c Ano ang Magpapangyaring Hindi Maging Kaayaaya sa Diyos ang Pananalangin ng Isa? (rs p. 318 ¶2–p. 319 ¶2)
Mar. 8 Pagbasa sa Bibliya: Genesis 40-42 Awit 205
Kalidad sa Pagsasalita: Pag-oorganisa sa Iyong mga Ideya (be p. 167 ¶2–p. 168 ¶2)
Blg. 1: Paghahanda ng mga Bahagi sa Pulong sa Paglilingkod at ng Iba Pang mga Pahayag (be p. 49 ¶2–p. 51 ¶1)
Blg. 2: Genesis 42:1-20
Blg. 3: Kung Paano Malilinang ang Isang Malapít na Kaugnayan kay Jehova
Blg. 4: dAnu-anong mga Bagay ang Wastong Idalangin ng Isa? (rs p. 319 ¶3-10)
Mar. 15 Pagbasa sa Bibliya: Genesis 43-46 Awit 67
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapanatiling Simple ng Iyong Balangkas sa Pahayag (be p. 168 ¶3–p. 169 ¶5)
Blg. 1: Marubdob na Pagsisikap—Kailan Ito Pinagpapala ni Jehova? (w02 8/1 p. 29-31)
Blg. 2: Genesis 43:1-18
Blg. 3: e Kung May Magsasabi, ‘Manalangin Muna Tayo, Saka Kayo Magpaliwanag’ (rs p. 320 ¶1-2)
Blg. 4: Paano Tayo Makikipagkaibigan sa Pamamagitan ng Di-matuwid na Kayamanan?
Mar. 22 Pagbasa sa Bibliya: Genesis 47-50 Awit 187
Kalidad sa Pagsasalita: Lohikal na Pagbuo ng Materyal (be p. 170 ¶1–p. 171 ¶2)
Blg. 1: Bakit Tinanggap ni Jehova ang Hain ni Abel at Hindi ang kay Cain? (w02 8/1 p. 28)
Blg. 2: Genesis 47:1-17
Blg. 3: Ano ang Ilan sa Pangunahing mga Hula ng Bibliya na Matutupad Pa? (rs p. 166 ¶2–p. 167 ¶6)
Blg. 4: Kung Bakit ang Pagkatakot kay Jehova ang Pasimula ng Karunungan
Mar. 29 Pagbasa sa Bibliya: Exodo 1-6 Awit 52
Kalidad sa Pagsasalita: Paghaharap ng Impormasyon sa Lohikal na Paraan (be p. 171 ¶3–p. 172 ¶6)
Blg. 1: Paano Ka Maiingatan ng Kakayahang Mag-isip? (w02 8/15 p. 21-4)
Blg. 2: w02 2/15 p. 19-20 ¶7-11
Blg. 3: Kung Paano Minamalas ni Jehova ang Pagmamataas
Blg. 4: Bakit Dapat Maging Lubusang Interesado ang mga Kristiyano sa mga Hula ng Bibliya? (rs p. 167 ¶7–p. 168 ¶3)
Abr. 5 Pagbasa sa Bibliya: Exodo 7-10 Awit 61
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit Lamang ng Kaugnay na Materyal (be p. 173 ¶1-4)
Blg. 1: Paghahanda ng mga Pahayag sa Madla (be p. 52 ¶1–p. 54 ¶1)
Blg. 2: Exodo 8:1-19
Blg. 3: f Kung May Magsasabi, ‘Sobra Naman ang Pagdiriin Ninyo sa Hula’ (rs p. 168 ¶4-5)
Blg. 4: Kung Bakit ang Pag-asa ay Gaya ng “Angkla Para sa Kaluluwa”
Abr. 12 Pagbasa sa Bibliya: Exodo 11-14 Awit 87
Kalidad sa Pagsasalita: Ekstemporanyong Pagpapahayag (be p. 174 ¶1–p. 175 ¶5)
Blg. 1: Ang mga Kapasiyahan ng Tagapagsalita (be p. 54 ¶2-4; p. 55, kahon)
Blg. 2: Exodo 12:1-16
Blg. 3: Bakit Dapat Nating Malugod na Tanggapin ang Disiplina ni Jehova?
Blg. 4: Ano ang Saligan ng Turo ng Purgatoryo? (rs p. 347 ¶1–p. 348 ¶3)
Abr. 19 Pagbasa sa Bibliya: Exodo 15-18 Awit 171
Kalidad sa Pagsasalita: Pag-iwas sa mga Panganib ng Ekstemporanyong Pagpapahayag (be p. 175 ¶6–p. 177 ¶1)
Blg. 1: Paano Natin Dapat Malasin ang mga Pagsubok? (w02 9/1 p. 29-31)
Blg. 2: w02 3/1 p. 15-16 ¶8-11
Blg. 3: Mayroon Pa Bang Inilalapat na Parusa Para sa Kasalanan Pagkamatay ng Isa? (rs p. 348 ¶5–p. 349 ¶1)
Blg. 4: g Kung Bakit ang Pag-aasawa ay Panghabang-Buhay na Pagsasama
Abr. 26 Pagbasa sa Bibliya: Exodo 19-22 Awit 59
Kalidad sa Pagsasalita: Kapag ang Iba ay Humihingi ng Paliwanag (be p. 177 ¶2–p. 178 ¶2)
Oral na Repaso
Mayo 3 Pagbasa sa Bibliya: Exodo 23-26 Awit 13
Kalidad sa Pagsasalita: Paraan na Parang Nakikipag-usap (be p. 179-80)
Blg. 1: Pasulungin ang Kakayahan Bilang Isang Guro (be p. 56 ¶1–p. 57 ¶2)
Blg. 2: Exodo 23:1-17
Blg.3: Paano Matutulungan ni Jehova ang Isang Tao na Mapagtagumpayan ang Masasamang Kinaugalian?
Blg. 4: Saan Nagmula ang Iba’t Ibang mga Lahi? (rs p. 215 ¶1-4)
Mayo 10 Pagbasa sa Bibliya: Exodo 27-29 Awit 28
Kalidad sa Pagsasalita: Kalidad ng Tinig (be p. 181 ¶1-4)
Blg. 1: ‘Kilalanin ang Pagkakaiba’ (be p. 57 ¶3–p. 58 ¶2)
Blg. 2: Exodo 28:29-43
Blg. 3: Saan Kinuha ni Cain ang Kaniyang Asawa Kung Iisa Lamang ang Sambahayan Noon? (rs p. 215 ¶5–p. 216 ¶1)
Blg. 4: Kung Bakit Mali ang Pagtatangi ng Lahi
Mayo 17 Pagbasa sa Bibliya: Exodo 30-33 Awit 93
Kalidad sa Pagsasalita: Wastong Pagkontrol sa Iyong Suplay ng Hangin (be p. 181 ¶5–p. 184 ¶1; p. 182, kahon)
Blg. 1: Pasiglahin ang mga Tagapakinig na Mag-isip (be p. 58 ¶3–p. 59 ¶3)
Blg. 2: Exodo 30:1-21
Blg. 3: Bakit Dapat Maging Mahinahong-Loob?
Blg. 4: Ano ang Dahilan ng Pagkakaroon ng Iba’t-Ibang Katangian ng mga Lahi? (rs p. 216 ¶2–p. 217 ¶2)
Mayo 24 Pagbasa sa Bibliya: Exodo 34-37 Awit 86
Kalidad sa Pagsasalita: Pagrerelaks sa Maiigting na Kalamnan (be p. 184 ¶2–p. 185 ¶3; p. 184, kahon)
Blg. 1: Gumawa ng Aplikasyon at Magbigay ng Isang Mabuting Halimbawa (be p. 60 ¶1–p. 61 ¶2)
Blg. 2: Exodo 36:1-18
Blg. 3: Ang Lahat ba ng mga Tao’y Anak ng Diyos? (rs p. 217 ¶3–p. 218 ¶3)
Blg. 4: Bakit Dapat Maging Tapat sa Maliliit na Bagay?
Mayo 31 Pagbasa sa Bibliya: Exodo 38-40 Awit 202
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapakita ng Interes sa Kausap (be p. 186¶1-4)
Blg. 1: Kung Paano Mapasusulong ang Kakayahang Makipag-usap (be p. 62 ¶1–p. 64 ¶1)
Blg. 2: w02 5/1 p. 19-20 ¶3-6
Blg. 3: Paanong ang Pag-unawa sa 1 Juan 3:19, 20 ay Makaaaliw sa Isang Tao?
Blg. 4: Talaga Bang Magkakaisa Bilang Magkakapatid ang mga Tao sa Lahat ng Lahi? (rs p. 218 ¶4–p. 219 ¶2)
Hun. 7 Pagbasa sa Bibliya: Levitico 1-5 Awit 123
Kalidad sa Pagsasalita: Matamang Pakikinig (be p. 187 ¶1-5)
Blg. 1: Kung Paano Ipagpapatuloy ang Pag-uusap (be p. 64 ¶2–p. 65 ¶4)
Blg. 2: Levitico 3:1-17
Blg.3: Paanong ang Kamatayan ni Jesu-Kristo ay Naiiba sa Kamatayan ng Iba na Naging mga Martir? (rs p. 324 ¶1–p. 325 ¶1)
Blg. 4: Ano ang Masama sa Pagiging Interesado sa Okulto?
Hun. 14 Pagbasa sa Bibliya: Levitico 6-9 Awit 121
Kalidad sa Pagsasalita: Pagtulong sa Iba na Sumulong (be p. 187 ¶6–p. 188 ¶3)
Blg. 1: Pag-unawa sa Pananaw ng Nagtatanong (be p. 66 ¶1–p. 68 ¶1)
Blg. 2: Levitico 7:1-19
Blg. 3: Paano Natin Matututuhang Kapootan ang Kasamaan?
Blg. 4: Bakit Kailangang Ilaan ang Pantubos sa Gayong Paraan? (rs p. 325 ¶3-5)
Hun. 21 Pagbasa sa Bibliya: Levitico 10-13 Awit 183
Kalidad sa Pagsasalita: Pagbibigay ng Praktikal na Tulong (be p. 188 ¶4–p. 189 ¶4)
Blg. 1: Alamin Kung Paano Ka Sasagot (be p. 68 ¶2–p. 70 ¶3)
Blg. 2: Levitico 11:1-25
Blg.3: Bakit Hindi na Lamang Ipinag-utos ng Diyos na ang Lahat ng Magiging Masunurin ay Maaaring Mabuhay Magpakailanman? (rs p. 325 ¶6–p. 326 ¶3)
Blg. 4: Kung Paano Minamalas ni Jehova ang Pandaraya
Hun. 28 Pagbasa sa Bibliya: Levitico 14-16 Awit 216
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapakita ng Paggalang sa Iba (be p. 190 ¶1–p. 191 ¶1)
Oral na Repaso
Hul. 5 Pagbasa sa Bibliya: Levitico 17-20 Awit 54
Kalidad sa Pagsasalita: Magalang na Pagkilala (be p. 191 ¶2–p. 192 ¶1)
Blg. 1: Pakikipagtalastasan sa Pamamagitan ng mga Liham (be p. 71-3)
Blg. 2: Levitico 17:1-16
Blg. 3: Magtiwala sa Organisasyon ni Jehova
Blg. 4: Kanino Unang Ikinapit ang Bisa ng Hain ni Jesus, at Ano ang Layunin Nito? (rs p. 327 ¶1-2)
Hul. 12 Pagbasa sa Bibliya: Levitico 21-24 Awit 138
Kalidad sa Pagsasalita: Magalang na Pagpapahayag (be p. 192 ¶2–p. 193 ¶2)
Blg. 1: Maging Progresibo—Gumawa ng Pagsulong (be p. 74 ¶1–p. 75 ¶3)
Blg. 2: Levitico 22:1-16
Blg. 3: Sino Pa sa Ating Kaarawan ang Nakikinabang sa Hain ni Jesus? (rs p. 327 ¶3–p. 328 ¶1)
Blg. 4: Si Jehova ba ay Diyos Lamang ng Tribo ng mga Judio?
Hul. 19 Pagbasa sa Bibliya: Levitico 25-27 Awit 7
Kalidad sa Pagsasalita: Ipinahayag Nang May Pananalig (be p. 194 ¶1–p. 195 ¶2)
Blg. 1: Gamitin ang Iyong Kaloob (be p. 75 ¶4–p. 77 ¶2)
Blg. 2: Levitico 25:1-19
Blg. 3: Kung Paano Magwawakas ang Terorismo
Blg. 4: Anong mga Pagpapala ang Tatamasahin sa Hinaharap Dahil sa Pantubos? (rs p. 328 ¶2–p. 329 ¶2)
Hul. 26 Pagbasa sa Bibliya: Bilang 1-3 Awit 30
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Nahahayag ang Pananalig (be p. 195 ¶3–p. 196 ¶4)
Blg. 1: Dapat Bang Manibugho ang mga Kristiyano? (w02 10/15 p. 28-31)
Blg. 2: w02 6/15 p. 18-19 ¶6-9
Blg. 3: Ano ang Hinihiling sa Atin Upang Makinabang Mula sa Hain ni Jesus? (rs p. 329 ¶3-6)
Blg. 4: Mali Bang Magdalamhati sa Kamatayan ng Isang Minamahal?
Agos. 2 Pagbasa sa Bibliya: Bilang 4-6 Awit 128
Kalidad sa Pagsasalita: Mataktika Subalit Matatag (be p. 197 ¶1-3)
Blg. 1: Ginagawang Makabuluhan ang Ating mga Araw sa Harap ni Jehova (w02 11/15 p. 20-3)
Blg. 2: Bilang 6:1-17
Blg. 3: Paano Makatutulong ang Bibliya Upang Hindi na Kapootan ng mga Tao ang Isa’t isa?
Blg. 4: Ang Pantubos ay Dapat Magkaroon ng Anong Epekto sa Paraan ng Ating Pamumuhay? (rs p. 329 ¶7–p. 330 ¶2)
Agos. 9 Pagbasa sa Bibliya: Bilang 7-9 Awit 35
Kalidad sa Pagsasalita: Mataktika Kapag Nagpapatotoo (be p. 197 ¶4–p. 198 ¶5)
Blg. 1: Posible Nga ba ang Isang Lipunang Walang Pagkakaiba ng Katayuan sa Buhay? (w02 1/1 p. 4-7)
Blg. 2: Bilang 8:1-19
Blg. 3: Nang Sabihin ni Apostol Pablo na ang mga Kristiyano ay “Aagawin” Upang Makasama ang Panginoon, Anong Paksa ang Pinag-uusapan? (rs p. 349 ¶2–p. 350 ¶1)
Blg. 4: Sino ang Antikristo?
Agos. 16 Pagbasa sa Bibliya: Bilang 10-13 Awit 203
Kalidad sa Pagsasalita: Tamang mga Salita sa Tamang Panahon (be p. 199 ¶1-4)
Blg. 1: Magtiwala kay Jehova—Ang Diyos na Totoo (w02 1/15 p. 5-7)
Blg. 2: Bilang 12:1-16
Blg. 3: Ang Paghihiganti ba ng Diyos ay Kasuwato ng Kaniyang Pag-ibig?
Blg. 4: Darating ba si Kristo na Nakikita sa Alapaap at Dadalhin Niya sa Langit ang Tapat na mga Kristiyano Habang Nanonood ang Sanlibutan? (rs p. 350 ¶2-4)
Agos. 23 Pagbasa sa Bibliya: Bilang 14-16 Awit 207
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng Taktika sa Pamilya at sa Iba Pa (be p. 200 ¶1-4)
Blg. 1: Magkapatid na Nagkaroon ng Magkaibang Saloobin (w02 1/15 p. 21-3)
Blg. 2: w02 7/15 p. 23-4 ¶15-19
Blg. 3: Maaari Bang Dalhin ang mga Kristiyano sa Langit na Taglay ang Kanilang Katawang Laman? (rs p. 351 ¶1-2)
Blg. 4: h Kung Bakit Hindi Para sa mga Kristiyano ang Mararahas na Laro sa Video
Agos. 30 Pagbasa sa Bibliya: Bilang 17-21 Awit 150
Kalidad sa Pagsasalita: Nakapagpapatibay at Positibo (be p. 202 ¶1–p. 203 ¶2)
Oral na Repaso
Set. 6 Pagbasa sa Bibliya: Bilang 22-25 Awit 22
Kalidad sa Pagsasalita: Pinananatiling Positibo ang Presentasyon (be p. 203 ¶3–p. 204 ¶1)
Blg. 1: Bakit Naglaho ang Sinaunang Sanlibutang Iyon? (w02 3/1 p. 5-7)
Blg. 2: Bilang 22:1-19
Blg. 3: Palihim Kayang Dadalhin sa Langit ang Tapat na mga Kristiyano Nang Hindi Namamatay? (rs p. 351 ¶3–p. 352 ¶3)
Blg. 4: i Kung Bakit Dapat Basahan ng Kristiyanong mga Magulang ang Kanilang mga Anak
Set. 13 Pagbasa sa Bibliya: Bilang 26-29 Awit 71
Kalidad sa Pagsasalita: Kapag Nakikipag-usap sa mga Kapananampalataya (be p. 204 ¶2–p. 205 ¶4)
Blg. 1: Kung Paano Magwawakas ang mga Kapansanan (w02 5/1 p. 4-7)
Blg. 2: Bilang 29:1-19
Blg. 3: Ang mga Tunay na Kristiyano ay Magkakaroon ng Anong Proteksiyon sa Panahon ng Malaking Kapighatian? (rs p. 352 ¶4–p. 353 ¶3)
Blg. 4: Paanong Naging Oo ang mga Pangako ng Diyos sa Pamamagitan ni Jesu-Kristo?
Set. 20 Pagbasa sa Bibliya: Bilang 30-32 Awit 51
Kalidad sa Pagsasalita: Pag-uulit Bilang Pagdiriin (be p. 206 ¶1-4)
Blg. 1: Maghasik ng Katuwiran, Umani ng Maibiging-Kabaitan ng Diyos (w02 7/15 p. 28-31)
Blg. 2: Bilang 30:1-16
Blg. 3: Bakit May Ilang mga Kristiyano na Dadalhin sa Langit Upang Makasama si Kristo? (rs p. 353 ¶5-8)
Blg. 4: j Kung Bakit Dapat Iwasan ang Pornograpya
Set. 27 Pagbasa sa Bibliya: Bilang 33-36 Awit 100
Kalidad sa Pagsasalita: Pag-uulit sa Ministeryo sa Larangan at sa mga Pahayag (be p. 207 ¶1–p. 208 ¶3)
Blg. 1: Paano Ka Matutulungan ng Tunay na mga Santo? (w02 9/15 p. 4-7)
Blg. 2: w02 8/1 p. 18-19 ¶15-19
Blg. 3: k ‘Naniniwala ba Kayo sa Rapture?’ (rs p. 353 ¶9–p. 354 ¶2)
Blg. 4: Kung Bakit Dapat Iwasan ang Hilig sa Mapanganib na Katuwaan (Thrill Seeking)
Okt. 4 Pagbasa sa Bibliya: Deuteronomio 1-3 Awit 191
Kalidad sa Pagsasalita: Pagbuo ng Tema (be p. 209 ¶1-3)
Blg. 1: Kaaliwan sa Tumpak na Kaalaman Tungkol sa Diyos (w02 10/1 p. 5-7)
Blg. 2: Deuteronomio 1:1-18
Blg. 3: Kung Ano ang Kahulugan ng Dibdibin Mo ang Katotohanan
Blg. 4: Kung Nadarama Mo na Parang Dati Nang Pamilyar sa Iyo ang mga Bagong Kakilala o Dako, Ito Ba’y Nagpapatunay na Totoo ang Reinkarnasyon? (rs p. 354 ¶3–p. 356 ¶1)
Okt. 11 Pagbasa sa Bibliya: Deuteronomio 4-6 Awit 181
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng Angkop na Tema (be p. 210 ¶1–p. 211 ¶1; p. 211, kahon)
Blg. 1: Pagbilang Nang Pabalik Mula 537 B.C.E. Hanggang 997 B.C.E. (si p. 285 ¶5-7)
Blg. 2: Deuteronomio 4:1-14
Blg. 3: Bakit ang Ulat sa Juan 9:1, 2 ay Hindi Nagpapatunay ng Reinkarnasyon? (rs p. 356 ¶2–p. 357 ¶3)
Blg. 4: Ano ang Nasasangkot sa ‘Pagsasaisip sa Espiritu’?
Okt. 18 Pagbasa sa Bibliya: Deuteronomio 7-10 Awit 78
Kalidad sa Pagsasalita: Itinampok ang mga Pangunahing Punto (be p. 212 ¶1–p. 213 ¶1)
Blg. 1: Pagbilang Nang Pabalik Mula 997 B.C.E. Hanggang 2370 B.C.E. (si p. 285-6 ¶8-11)
Blg. 2: w02 8/15 p. 15-16 ¶3-6
Blg. 3: Ano ang Pagkakaiba ng Reinkarnasyon at ng Pag-asang Iniaalok ng Bibliya? (rs p. 357 ¶4–p. 358 ¶1)
Blg. 4: l Kung Paano Minamalas ni Jehova ang mga Apostata
Okt. 25 Pagbasa sa Bibliya: Deuteronomio 11-13 Awit 57
Kalidad sa Pagsasalita: Huwag Gumamit ng Napakaraming Pangunahing Punto (be p. 213 ¶2–p. 214 ¶4)
Oral na Repaso
Nob. 1 Pagbasa sa Bibliya: Deuteronomio 14-18 Awit 26
Kalidad sa Pagsasalita: Pumupukaw-Interes na Pambungad (be p. 215 ¶1–p. 216 ¶5)
Blg. 1: Pagbilang Nang Pabalik Mula 2370 B.C.E. Hanggang 4026 B.C.E. (si p. 286-7 ¶12-15)
Blg. 2: Deuteronomio 14:1-23
Blg. 3: a Kung May Magsasabi, ‘Naniniwala Ako sa Reinkarnasyon’ (rs p. 358 ¶2-4)
Blg. 4: Kung Bakit Dapat Panatilihing Simple ng mga Kristiyano ang Kanilang Buhay
Nob. 8 Pagbasa sa Bibliya: Deuteronomio 19-22 Awit 182
Kalidad sa Pagsasalita: Pagkuha ng Pansin ng mga Tao sa Paglilingkod sa Larangan (be p. 217 ¶1-4)
Blg. 1: Paninirahan ni Jesus sa Lupa (si p. 291 ¶16-17)
Blg. 2: Deuteronomio 21:1-17
Blg. 3: Bakit Ganiyang Karami ang mga Relihiyon? (rs p. 359 ¶1–p. 360 ¶3)
Blg. 4: Paano Tayo Matutulungan ng mga Halimbawa sa Bibliya Upang Mapaglabanan ang Panghihina ng Loob?
Nob. 15 Pagbasa sa Bibliya: Deuteronomio 23-27 Awit 162
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapakilala sa Iyong Paksa sa Introduksiyon (be p. 217 ¶5–p. 219 ¶3)
Blg. 1: Mga Takdang Panahon ng Ministeryo ni Jesus (si p. 291 ¶18-19)
Blg. 2: Deuteronomio 24:1-16
Blg. 3: Kung Paano Makikilala ang mga Taong May Suporta ng Diyos
Blg. 4: Totoo ba na May Mabuti sa Lahat ng mga Relihiyon? (rs p. 360 ¶4–p. 361 ¶1)
Nob. 22 Pagbasa sa Bibliya: Deuteronomio 28-31 Awit 32
Kalidad sa Pagsasalita: Mabibisang Konklusyon (be p. 220 ¶1-3)
Blg. 1: Pagbilang sa mga Taon Noong Panahong Apostoliko (si p. 291-2 ¶20-3)
Blg. 2: Deuteronomio 29:1-18
Blg. 3: Wasto ba na Iwan ng Isa ang Relihiyon ng Kaniyang mga Magulang? (rs p. 361 ¶2-4)
Blg. 4: Kung Bakit Dapat Maging Mahinhin ang mga Kristiyano
Nob. 29 Pagbasa sa Bibliya: Deuteronomio 32-34 Awit 41
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Puntong Kailangang Tandaan (be p. 221 ¶1-5)
Blg. 1: Ikalawang Paglalakbay-Misyonero ni Pablo (si p. 292-3 ¶24-5)
Blg. 2: w02 10/15 p. 11 ¶10-13
Blg. 3: Mga Paraan Upang Mapabanal Natin ang Pangalan ng Diyos
Blg. 4: Ano ang Pangmalas ng Bibliya Tungkol sa Pagsasama-sama ng Iba’t ibang Relihiyon (Interfaith)? (rs p. 362 ¶1–p. 363 ¶2)
Dis. 6 Pagbasa sa Bibliya: Josue 1-5 Awit 40
Kalidad sa Pagsasalita: Sa Ministeryo sa Larangan (be p. 221 ¶6–p. 222 ¶6)
Blg. 1: Ikatlong Paglalakbay-Misyonero ni Pablo at ang Huling mga Taon, 56-100 C.E. (si p. 293 ¶26-30)
Blg. 2: Josue 4:1-14
Blg. 3: Kailangan Bang Maging Kasapi sa Isang Organisadong Relihiyon? (rs p. 363 ¶3–p. 364 ¶2)
Blg. 4: Ang Pasko ba ay Isang Kristiyanong Pagdiriwang?
Dis. 13 Pagbasa sa Bibliya: Josue 6-8 Awit 213
Kalidad sa Pagsasalita: Katumpakan ng Pananalita (be p. 223 ¶1-5)
Blg. 1: Paghingi ng Paumanhin—Isang Susi sa Pakikipagpayapaan (w02 11/1 p. 4-7)
Blg. 2: Josue 6:10-23
Blg. 3: Bakit Kailangang Magpatuloy sa Pangangaral sa Bahay-bahay?
Blg. 4: Ang Pag-ibig ba sa Kapuwa ang Siyang Pinakamahalaga? (rs p. 364 ¶4)
Dis. 20 Pagbasa sa Bibliya: Josue 9-11 Awit 135
Kalidad sa Pagsasalita: “Nanghahawakang Mahigpit sa Tapat na Salita” (be p. 224 ¶1-4)
Blg. 1: Palakasin ang Inyong mga Kamay (w02 12/1 p. 30-1)
Blg. 2: w02 11/15 p. 18-19 ¶19-23
Blg. 3: Pinakamahalaga ba ang Pagkakaroon ng Personal na Kaugnayan sa Diyos? (rs p. 364 ¶5–p. 365 ¶1)
Blg. 4: b Kung Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Mapayapa
Dis. 27 Pagbasa sa Bibliya: Josue 12-15 Awit 210
Kalidad sa Pagsasalita: Pagsusuri sa Katumpakan ng Impormasyon (be p. 225 ¶1-3)
Oral na Repaso
[Mga Talababa]
a Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
b Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
c Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
d Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
e Kung may oras pa, isaalang-alang ang mga sagot sa mga pag-aangkin, pagtutol, at sa iba pang tugon ng may-bahay, na pinakamabisang makasasapat sa mga pangangailangan sa lokal na teritoryo.
f Kung may oras pa, isaalang-alang ang mga sagot sa mga pag-aangkin, pagtutol, at sa iba pang tugon ng may-bahay, na pinakamabisang makasasapat sa mga pangangailangan sa lokal na teritoryo.
g Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
h Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
i Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
j Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
k Kung may oras pa, isaalang-alang ang mga sagot sa mga pag-aangkin, pagtutol, at sa iba pang tugon ng may-bahay, na pinakamabisang makasasapat sa mga pangangailangan sa lokal na teritoryo.
l Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
a Kung may oras pa, isaalang-alang ang mga sagot sa mga pag-aangkin, pagtutol, at sa iba pang tugon ng may-bahay, na pinakamabisang makasasapat sa mga pangangailangan sa lokal na teritoryo.
b Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.