Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Oktubre 13
10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang makatotohanang pagtatanghal kung paano ihaharap ang Oktubre 15 ng Bantayan at Oktubre 22 ng Gumising! Sa isa sa mga presentasyon, itanghal ang pagdalaw-muli sa isang ruta ng magasin. Ilatag ang pundasyon para sa susunod na pagdalaw sa pamamagitan ng pag-akay ng pansin sa kahon na “Sa Susunod na Labas.”—Tingnan ang Ating Ministeryo sa Kaharian ng Oktubre 1998, p. 8, par. 7-8.
20 min: “Maglingkod Kayo kay Jehova na May Pagsasaya.”a (Dapat dalhin ng lahat ang insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Mayo 2002 para sa pagtalakay na ito.) Pagkatapos talakayin ang parapo 4, banggitin na sa Nobyembre ay iaalok natin ang brosyur na Hinihiling at ang aklat na Kaalaman. Repasuhin sa maikli ang isa sa iminungkahing mga presentasyon sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Mayo 2002. Pagkatapos ay ipakita ang isang sesyon ng pag-eensayo na doo’y itinatanghal ang presentasyong iyon. Pasiglahin ang lahat na maghandang mabuti para sa ministeryo.
15 min: Ang Pagdaraos ng mga Pag-aaral sa Bibliya ay Nagdudulot ng mga Pagpapala. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Maglahad ng ilang karanasan mula sa ating mga publikasyon may kaugnayan sa masulong na mga pag-aaral sa Bibliya.—w00 3/1 p. 6; yb98 p. 55-60.
Awit 172 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 20
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
20 min: “Paramihin ang Ating Naipapasakamay na Magasin.”b Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang bahaging ito. Banggitin kung ilang magasin ang naipapasakamay ng kongregasyon sa bawat buwan at pasiglahin ang lahat na magkaroon ng regular at personal na pidido.
15 min: Pahayag hinggil sa “May-pananabik Mo Bang Hinahanap si Jehova?” salig sa artikulo sa Agosto 15, 2003 Bantayan, pahina 25-8.
Awit 112 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 27
10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na repasuhin ang kanilang mga nota sa programa ng pantanging araw ng asamblea sa taóng ito bilang paghahanda sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano ihaharap ang Nobyembre 1 ng Bantayan at Nobyembre 8 ng Gumising! Sa isa sa mga presentasyon, itanghal kung paano haharapin ang pagtutol na “Hindi ako interesado.”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, p. 16.
20 min: Gamitin ang Tabak ng Espiritu. (Efe. 6:17) Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 143-4. Anyayahan silang magkomento sa mga tanong na ito: (1) Bakit natin ginagamit ang Bibliya kapag sinasagot ang mga tanong? (2) Ano ang ipinahihiwatig ng pangalang Saksi ni Jehova tungkol sa atin? (3) Anong halimbawa ang ipinakita ni Jesus, at paano natin siya matutularan? (4) Sa lokal na teritoryo, ano ang ilang mabisang paraan upang maibahagi ang mga kaisipan mula sa Bibliya? (5) Bakit mabuting basahin nang tuwiran ang Bibliya kailanma’t posible? (6) Paano mapasisigla ng matatanda ang iba na gamiting mabuti ang Bibliya? Magkaroon ng pagtatanghal na inihandang mabuti salig sa pagsasanay sa pahina 144 kung saan ang isang may-kakayahang mamamahayag ay gumamit ng kahit isang kasulatan sa pagsagot sa tanong. Pasiglahin ang lahat na gawin nilang tunguhin ang paggamit ng Bibliya sa tuwing sila’y magpapatotoo.
15 min: “Isang Gawain na Humihiling ng Kapakumbabaan.”c Kapag tinatalakay ang parapo 3, anyayahan ang mga tagapakinig na magbigay ng mga mungkahi kung paano tutugon kapag may sinuman sa teritoryo na magtangkang hiyain tayo, o na magaspang, o galít. Kapag tinatalakay ang parapo 4, ilakip ang mga komento sa Insight, Tomo 1, pahina 1160, parapo 3.
Awit 52 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 3
5 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
25 min: Maging Mayaman sa Maiinam na Gawa. (1 Tim. 6:18) Ginagamit ang mga tanong na inilaan dito, pangangasiwaan ng isang matanda ang pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig hinggil sa programa ng pantanging araw ng asamblea na ginanap sa taóng ito. Anyayahan ang kongregasyon na ilahad kung paano nila ikinapit ang kanilang natutuhan. (Ang mga bahagi ng programa ay maaaring iatas nang patiuna.) Itampok ang sumusunod na mga bahagi ng programa: (1) “Ang Maiinam na Gawa ay Nagdudulot ng Malaking Pakinabang.” (Ecles. 2:11) Bakit itinataguyod ng mga lingkod ng Diyos ang maiinam na gawa na inilarawan sa Salita ng Diyos sa halip na ang walang-kabuluhang mga gawa ng sanlibutang ito? (2) “Maging Mayaman Mula sa Pangmalas ng Diyos.” (Mat. 6:20) Paano ‘nag-imbak ng kayamanan sa langit’ ang ilan, at ano ang naging mga kapakinabangan? (3) “Payamanin ang Iyong Ministeryo sa Pamamagitan ng Isang Pag-aaral sa Bibliya.” (om p. 91) Ano ang makatutulong sa atin na makapagsimula at makapagdaos ng pag-aaral sa Bibliya? (4) “Maiinam na Gawa sa Panahong Ito ng Pag-aani.” (Mat. 13:37-39) Anong halimbawa ng maiinam na gawa ang ipinakita ng sinaunang mga Kristiyano, at paano lumaganap ang gawaing pang-Kaharian sa ating panahon? (5) “Hayaang Luwalhatiin ng Iyong Maiinam na Gawa si Jehova.” (Mat. 5:14-16) Paano ‘pinasikat ng ilan ang kanilang liwanag’? (6) “Pagbibigay-Komendasyon sa mga Kabataan Dahil sa Maiinam na Gawa sa Pagpuri kay Jehova.” (Awit 148:12, 13) Paano nagbibigay ng papuri kay Jehova ang mga kabataang Kristiyano sa ating sirkito? (7) “Magpatuloy sa Maiinam na Gawa at Anihin ang mga Pagpapala ni Jehova.” (Kaw. 10:22) Habang patuloy tayong abala sa maiinam na gawa, anong mga pagpapala ang maaari nating anihin bilang indibiduwal, pamilya, kongregasyon, at pambuong-daigdig na organisasyon?
Awit 180 at pansarang panalangin.
[Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.