Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin nang tanong-sagot sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula sa Disyembre 29, 2003. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Nobyembre 3 hanggang Disyembre 29, 2003. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Bakit napakahalaga ng paggamit ng Bibliya sa ministeryo sa larangan? [be p. 145 par. 2, kahon]
2. Paano nakaaapekto ang konteksto sa paraan ng paghaharap ng isang kasulatan? [be p. 149]
3. Bakit mahalagang idiin ang tamang mga salita kapag nagbabasa ng isang teksto sa Bibliya, at paano ito magagawa? [be p. 151 par. 2, kahon]
4. Paano natin ikinakapit ang payo ni Pablo na “ginagamit nang wasto ang salita ng katotohanan” kapag nagtuturo sa iba, at bakit ito mahalaga? (2 Tim. 2:15) [be p. 153 par. 2, kahon]
5. Paano ‘nangatuwiran mula sa Kasulatan’ si Pablo? (Gawa 17:2, 3) [be p. 155 par. 5–p. 156 par. 1]
ATAS BLG. 1
6. Kapag ginagamit natin ang ating pangunahing kasangkapan sa pagsasaliksik, ang Bibliya, upang maghanda ng isang pahayag, bakit kapaki-pakinabang na (1) suriin ang konteksto ng mga talata, (2) suriin ang kaugnay na mga reperensiya, at (3) saliksikin ang konkordansiya ng Bibliya? [be p. 34 par. 3–p. 35 par. 2]
7. Paano ipinakikita ang tunay na pagkamatapat at kanino ito ipinakikita? [w01 10/1 p. 22-3]
8. Ano ang nagpapahiwatig na si Jehova ay wastong tagapagtala ng panahon? (Dan. 11:35-40; Luc. 21:24) [si p. 284 par. 1]
9. Anong mga salik ang dapat nating isaisip kapag nagpapasiya kung anong mga punto ang gagamitin pagkatapos magsaliksik para sa isang pahayag? [be p. 38]
10. Bakit ang pananalita ni Jesus hinggil sa “mga araw ni Noe” ay may kaugnayan sa ating kalagayan sa ngayon? (Mat. 24:37) [w01 11/15 p. 31 par. 3-4]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Paano ipinakikita ng liham ni Pablo kay Filemon na ang atas ng isang Kristiyano ay ang tumulong sa mga indibiduwal na maging mga Kristiyano, hindi ang magtaguyod ng panlipunang reporma? (Flm. 12)
12. Ano ang pagkakaiba ng “maanod papalayo,” “paglayo,” at ‘pagkahulog’? (Heb. 2:1; 3:12; 6:6) [w99 7/15 p. 19 par. 12; w86-E 6/1 p. 14 par. 16-17; w81 6/1 p. 25 par. 8]
13. Paano natin maiiwasan na gawing pangkaraniwan na lamang ang pananalitang “kung loloobin ni Jehova”? (Sant. 4:15) [cj p. 171 par. 1-2]
14. Ano ang ibig sabihin ng ‘maghintay at ingatang malapit sa isipan ang pagkanaririto ng araw ni Jehova,’ at paano natin magagawa iyan? (2 Ped. 3:12) [w97 9/1 p. 19-20]
15. Anong mahalagang payo para sa mga Kristiyano sa ngayon ang masusumpungan sa mga mensahe sa pitong kongregasyon na binanggit sa Apocalipsis kabanata 2 at 3? (Apoc. 2:4, 5, 10, 14, 20; 3:3, 10, 11, 17, 19)