Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Enero 10
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 8 (kung angkop sa inyong teritoryo) upang itanghal kung paano ihaharap ang Enero 15 ng Bantayan at ang Enero 22 ng Gumising! Maaaring gamitin ang ibang makatotohanang mga presentasyon. Sa isang presentasyon, itanghal kung paano iaalok ang mga magasin sa isang di-Saksing kamag-anak.
15 min: “Tinutustusan ng mga Salita ng Pananampalataya.”a Basahin at talakayin ang binanggit na mga kasulatan kung may panahon pa.
20 min: “Subukan ang Mabisa at Madaling Ibagay na Paraan ng Paglapit.” Pakikipagtalakayan sa tagapakinig sa pahina 6 ng insert. Itanghal ang dalawang halimbawa kung paano gagamitin ang paraan ng paglapit na ito na ginagamit ang alok na literatura sa buwang ito. Sa bawat pagtatanghal, magbabasa ang mamamahayag ng isang teksto na nauugnay sa sinabi ng may-bahay na ikinababahala niya.
Awit 143 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 17
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Mga Kabataan—Sumusulong ba Kayo sa Espirituwal? Pahayag ng isang elder batay sa Bantayan ng Abril 1, 2003, pahina 8-10. Banggitin ang ilang makatotohanan at naaabot na mga tunguhin, at pasiglahin ang mga kabataan na magtakda ng espesipikong espirituwal na mga tunguhin para sa kanilang sarili.
20 min: “Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya—Bahagi 5.”b Magkaroon ng isang pagtatanghal kung saan ang isang mamamahayag na makaranasan sa pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya ay nakikipag-usap sa isang mas baguhang mamamahayag kung paano iiwasan ang mga problemang binanggit sa parapo 4-5.
Awit 78 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 24
5 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: “Kung Paano Tayo Nakikinabang sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.” Pahayag ng tagapangasiwa sa paaralan. Banggitin ang mga komento sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Oktubre 2004. Patiunang isaayos na magkomento ang isa o dalawang indibiduwal kung paano sila nakikinabang sa paaralan.
25 min: “Kung Paano Gagamitin ang mga Halimbawang Presentasyon.”c Gamitin ang inilaang mga tanong. Banggitin na ang pahina 3-5 ng insert para sa buwang ito ay naglalaman ng mga presentasyon para sa mga publikasyong itatampok natin. Ingatan ang insert upang magamit ito sa buong taon. Pagkatapos isaalang-alang ang artikulo, talakayin kung paano natin maiaalok sa Pebrero ang Maging Malapít kay Jehova. Ipatanghal ang dalawang presentasyon. Maaari itong ibatay sa mga halimbawang presentasyon sa pahina 3 o sa iba pang mga presentasyon na magiging mabisa sa inyong teritoryo.
Awit 200 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 31
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Enero. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8 (kung angkop sa inyong teritoryo), itanghal kung paano ihaharap ang alinman sa Pebrero 1 ng Bantayan o Pebrero 8 ng Gumising! Maaaring gumamit ng ibang makatotohanang mga presentasyon.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: Sinusuri Mo ba ang Kasulatan Araw-araw? Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa paunang salita ng Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2005. Talakayin ang pangangailangan na ang lahat ay gumugol ng ilang minuto bawat araw upang isaalang-alang ang teksto at mga komento. Patiunang isaayos na magkomento ang isa o dalawang indibiduwal hinggil sa rutin nila ng pagsasaalang-alang sa teksto at kung paano sila nakikinabang. Magtapos sa pamamagitan ng maikling pagtalakay sa taunang teksto para sa 2005.
Awit 184 at pansarang panalangin.
Linggo ng Pebrero 7
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Tulungan ang mga Baguhan na Matutuhang Ibigin ang Diyos at ang Kapuwa. Isang pahayag batay sa Bantayan ng Hulyo 1, 2004, pahina 16, parapo 7-9. Itampok ang ginagampanang papel ng bawat miyembro ng kongregasyon sa pagtulong sa mga baguhan na maging mga alagad ni Kristo.
20 min: Si Jehova ay Hindi Nagkakait ng Anumang Mabuti. (Awit 84:11) Kapanayamin ang mga kapatid na nananatiling tapat sa harap ng mga pagsubok. Anong mga suliranin ang kinaharap nila? Ano ang nakatulong sa kanila na magbata? Anu-ano ang tinamasa nilang mga kagalakan at pagpapala?
Awit 104 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.