Iskedyul Para sa Linggo ng Abril 23
LINGGO NG ABRIL 23
Awit 45 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
bt kab. 19 ¶12-20, kahon sa p. 152 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 29-31 (10 min.)
Blg. 1: Jeremias 31:15-26 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Inaasahan ba ng Diyos ang mga Kristiyano na Mangilin ng Lingguhang Sabbath? (5 min.)
Blg. 3: Si Maria ba’y Talagang Birhen Nang Isilang si Jesus?—rs p. 233 ¶1-2 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Mga patalastas. Sa loob ng isa o dalawang minuto, itampok ang mga artikulo ng mga magasin sa Mayo na maaaring magustuhan sa inyong teritoryo. Pagkatapos, anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng magagandang tanong at tekstong ipababasa para sa seryeng itinatampok sa pabalat ng Ang Bantayan. Gayundin ang gawin sa seryeng itinatampok sa pabalat ng Gumising! at, kung may oras pa, sa isa pang artikulo ng alinmang magasin. Ipatanghal kung paano maaaring ialok ang bawat isyu.
10 min: “Magsagawa ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya sa May Pintuan at sa Telepono.” Tanong-sagot.
15 min: “Tulong Para sa Pagpapatotoo sa Telepono.” Pagtalakay sa artikulo at sa work sheet para sa pagpapatotoo sa telepono. Magkaroon ng maikling pagtatanghal—isang mamamahayag ang nagpapatotoo sa telepono gamit ang work sheet.
Awit 119 at Panalangin