PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Gusto Mo Bang Subukan Nang Isang Taon?
Ang ano? Mag-regular pioneer! Marami kang matatanggap na pagpapala! —Kaw 10:22.
KUNG PAYUNIR KA, . . .
magiging mahusay kang ebanghelisador at lalo kang mag-eenjoy sa ministeryo
titibay ang kaugnayan mo kay Jehova. Habang sinasabi mo sa iba ang tungkol kay Jehova, lalo mong naaalaala ang kahanga-hangang mga katangian niya
masisiyahan ka dahil mas inuuna mo ang kapakanan ng Kaharian kaysa sa iyong sarili at matutuwa ka dahil nagsasakripisyo ka para sa iba.—Mat 6:33; Gaw 20:35
makadadalo ka sa miting ng mga payunir sa panahon ng dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, sa pantanging miting kaugnay ng pansirkitong asamblea, at sa Pioneer Service School
mas marami kang pagkakataong magkaroon ng mga Bible study
mas marami kang panahong makasama ang mga kapuwa mo mángangarál, at magpatibayan sa isa’t isa.—Ro 1:11, 12