Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb20 Disyembre p. 8
  • Patuloy na Gamitin ang mga Magasin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Patuloy na Gamitin ang mga Magasin
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Kaparehong Materyal
  • Itampok ang mga Magasin sa Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Paggamit ng Ating mga Magasin sa Pinakamabuting Paraan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Ipinahahayag ng mga Magasin ang Kaharian
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
mwb20 Disyembre p. 8
Sister na nakikipag-usap sa babae tungkol sa isang paksa sa isyu ng ‘Gumising!’

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Patuloy na Gamitin ang mga Magasin

Mula noong 2018, ang ating pampublikong mga magasin ay may iisang paksa lang sa bawat isyu. Ang mga magasing ito ay nasa ating Toolbox sa Pagtuturo. Kaya puwede nating gamitin ang mga ito sa ministeryo. Puwede rin tayong magdala ng ilang isyu habang nagbibiyahe o namimili. Ang mga magasing ito ay hindi dinisenyo para gamitin sa pagba-Bible study, pero makakatulong ang mga ito para magkainteres ang mga tao na mas matuto pa tungkol sa Diyos.

Kapag napasimulan na ang pag-uusap, magbasa ng isang teksto at bumanggit ng isang isyu ng magasin na may paksang posibleng magustuhan ng kausap. Halimbawa, kung siya ay may pamilya, nagdadalamhati, o nai-stress, puwede mong sabihin: “May nabasa akong isang magandang artikulo tungkol diyan. Gusto ko sanang ipakita sa iyo.” Kung mapansin mong interesado siya, puwede mo siyang bigyan ng inimprentang kopya ng magasin o padalhan ng electronic format, kahit sa unang pag-uusap pa lang. Hindi natin pangunahing tunguhin ang makapamahagi ng magasin, pero makakatulong ito para mahanap natin ang mga gustong magsabuhay ng mga natututuhan nila.​—Gaw 13:48.

2018

Collage: Mga paksa sa pabalat ng ‘Bantayan’ at ‘Gumising!’ noong 2018. 1. ‘Mahalaga Pa Ba sa Ngayon ang Bibliya?’ 2. ‘Ano ang Mangyayari sa Hinaharap?’ 3. ‘Mahalaga Ka Ba sa Diyos?’ 4. ‘Ang Daan ng Kaligayahan.’ 5. ‘12 Sekreto ng Matagumpay na Pamilya.’ 6. ‘Tulong Para sa mga Nagdadalamhati.’

2019

Collage: Mga paksa sa pabalat ng ‘Bantayan’ at ‘Gumising!’ noong 2019. 1. ‘Sino ang Diyos?’ 2. ‘May Saysay Pa Ba ang Mabuhay?’ 3. ‘Ganito na Lang Ba ang Buhay?’ 4. ‘Puwede Pa Ba Tayong Maging Ligtas at Panatag?’ 5. ‘Anim na Aral na Dapat Ituro sa mga Anak.’ 6. ‘Mas Mapapaganda Ba ng Bibliya ang Buhay Mo?’

2020

Collage: Mga paksa sa pabalat ng ‘Bantayan’ at ‘Gumising!’ para sa 2020. 1. ‘Hanapin ang Katotohanan.’ 2. ‘Ano ang Kaharian ng Diyos?’ 3. ‘Pagpapala Mula sa Mapagmahal na Diyos.’ 4. ‘Makakayanan Mo ang Stress.’ 5. ‘5 Tanong Tungkol sa Pagdurusa—Mga Sagot.’ 6. ‘Maaalis Pa Ba ang Diskriminasyon?’

Sa anong mga paksa interesado ang mga tao sa inyong teritoryo?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share