Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwyp artikulo 124
  • Paano Ako Mas Gagaling Makipag-usap?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ako Mas Gagaling Makipag-usap?
  • Tanong ng mga Kabataan
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit magandang makipag-usap nang personal?
  • Kung paano uumpisahan ang pakikipag-usap
  • Kung Paano Mapasusulong ang Kakayahang Makipag-usap
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagpapasimula ng Pag-uusap Para Makapagpatotoo Nang Di-pormal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Ang Pakikipag-usap ay Isang Sining
    Gumising!—1995
  • May Interes sa Kausap
    Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
Iba Pa
Tanong ng mga Kabataan
ijwyp artikulo 124
Isang kabataang lalaki na nakikipagkuwentuhan sa mga kaklase niya habang lunch.

TANONG NG MGA KABATAAN

Paano Ako Mas Gagaling Makipag-usap?

Sa artikulong ito

  • Bakit magandang makipag-usap nang personal?

  • Kung paano uumpisahan ang pakikipag-usap

  • Ang sinasabi ng ibang kabataan

Bakit magandang makipag-usap nang personal?

Para sa ilang tao, mas mahirap at nakaka-stress ang pakikipag-usap nang personal lalo na kung ikukumpara ito sa pagtetext.

“Mas nakaka-pressure makipag-usap nang personal. Hindi mo na kasi mae-edit o made-delete y’ong mga sinabi mo.”—Anna.

“Y’ong text parang recorded na show, pero y’ong pakikipag-usap nang personal parang live show. Ang naiisip ko lang, ‘Huwag kang sasablay!’”—Jean.

Pero kailangan mo rin talagang masanay na makipag-usap nang personal. Halimbawa, kailangan mo iyan kung gusto mong magkaroon ng kaibigan, trabaho, at ng boyfriend o girlfriend kapag handa ka na.

Pero hindi naman talaga nakakatakot makipag-usap nang personal. Matututuhan mo rin iyon, kahit mahiyain ka.

Isang bombilya.

Tip: Huwag mag-alala na baka magkamali ka. Ganiyan talaga kapag gusto mong matutong makipag-usap. Para kang nag-aaral mag-bike, baka “sumemplang” ka muna nang ilang beses. Pero kung lagi kang magpapraktis, matututuhan mo ring mag-bike—at mae-enjoy mo na iyon!

“Hindi mo maiiwasang magkamali paminsan-minsan at mapahiya dahil sa sinabi mo. Huwag mo na lang masyadong isipin iyon.”—Neal.

Kung paano uumpisahan ang pakikipag-usap

  • Magtanong. Isipin kung ano ang gustong pag-usapan ng mga tao, at doon mo umpisahan. Halimbawa:

    “Nagbakasyon ka ba? Saan?”

    “Ang ganda ng website na ’to, nakita mo na ba?”

    “Nabalitaan mo ba y’ong . . . ?”

    Puwede mo ring pag-isipan kung ano ang pagkakapareho ninyo ng kakausapin mo. Halimbawa, pareho ba kayo ng school o pinagtatrabahuhan? Iyon ang gamitin mo para magtanong.

    Dalawang kabataang lalaki na nagkukuwentuhan habang kumakain. Nasa isang speech bubble ang bola ng soccer.

    “Mag-isip ng topic na interesado ka at gusto mong malaman ang opinyon ng iba, saka magtanong tungkol dito.”—Maritza.

    Isang bombilya.

    Tip: Magagamit mo ang mga tanong sa itaas para umpisahan ang pag-uusap. Pero kung posible, gumamit ng mga tanong na hindi lang oo o hindi ang sagot. Halimbawa, baka mas magandang itanong, “Ano’ng nagustuhan mo sa movie?” kaysa “Nagustuhan mo ba y’ong movie?”

    Mag-ingat: Huwag magtanong nang magtanong na parang pulis. Iwasan ding magtanong ng mga bagay na masyadong personal. Baka mailang sila kapag tinanong mo, “Anong pinagdadaanan mo ngayon?” o “Bakit ba lagi ka na lang naka-blue?” Sa pangalawang tanong, baka magmukha ka pa ngang namimintas!

    Maiiwasan mo ring maging parang pulis kung magsasabi ka rin ng opinyon mo bago o pagkatapos sumagot ng kausap mo. Sa ibang salita, sikaping makipag-usap—hindi mag-interview.

    Isang kabataang lalaki na nakauniporme ng pulis habang nakasimangot at nagsusulat sa isang papel sa clipboard. Nasa tapat niya ang isang kabataang lalaki. Takot na takot ito at nabigla sa ilaw na nakatutok sa mukha niya.

    Para ka bang pulis kapag nagtatanong?

    Prinsipyo sa Bibliya: “Ang kaisipan ng tao ay gaya ng malalim na tubig, pero nasasalok ito ng taong may kaunawaan.”—Kawikaan 20:5, talababa.

  • Makinig mabuti. Posibleng magtuloy ang pag-uusap depende sa husay mong makinig at hindi sa husay mong magsalita.

    “Kapag may kausap ako, sinisikap kong may malamang bago tungkol sa kaniya. ’Tapos tatandaan ko iyon, para kapag nag-usap ulit kami, may maitatanong ako sa kaniya.”—Tamara.

    Isang bombilya.

    Tip: Kapag parang wala na kayong mapag-usapan, huwag masyadong mag-alala. Pansinin ang paligid mo. Nasa school ka ba, sa trabaho, o sa isang event? Baka doon ka makakuha ng ideya na puwedeng pag-usapan. Halimbawa, puwede mong itanong sa katrabaho mo, “Lagi bang traffic kapag pumapasok ka?”

    Mag-ingat: Huwag masyadong isipin kung ano ang susunod mong sasabihin. Siguradong may maiisip ka kapag nakinig kang mabuti sa sinabi ng kausap mo.

    Prinsipyo sa Bibliya: “Maging mabilis sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita.”—Santiago 1:19.

  • Ipakitang interesado ka talaga. Mas lalo kang mag-e-enjoy sa pag-uusap ninyo kapag nagmamalasakit ka sa kausap mo.

    Dalawang kabataang babae na magkaharap habang nakaupo sa labas. Nakikinig mabuti ang isang babae habang nagsasalita ang kausap niya.

    “Kapag ipinaramdam mo sa kausap mo na talagang interesado ka sa sinasabi niya, magiging maganda ang pag-uusap n’yo—kahit pa nagiging awkward ito kung minsan.”—Marie.

    Isang bombilya.

    Tip: Purihin ang kausap mo. Pagkatapos, tanungin siya. Halimbawa, “Ang ganda naman ng jacket mo. Saan mo nabili iyan?”

    Mag-ingat: Huwag maging masyadong personal. Halimbawa, baka mailang siya kung sasabihin mo, “Ang ganda naman ng jacket mo. Magkano ang bili mo diyan?”

    Prinsipyo sa Bibliya: “[Isipin] ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lang ang sa inyo.”—Filipos 2:4.

Paano mo tatapusin ang pag-uusap ninyo? “Sikaping maging positibo,” ang tip ng kabataang si Jordan. “Halimbawa, puwede mong sabihin, ‘Ang ganda ng naging kuwentuhan natin’ o ‘Ingat ka sa mag-hapon.’ Tutulong iyon para mas madali mo na siyang makausap sa susunod.”

Ang sinasabi ng ibang kabataan

  • Si Bethel.

    “Kapag pinag-aaralan mo kung paano makipag-usap, para kang nag-aaral ng bagong wika. Mahirap sa umpisa. Pero kung magsisikap ka at magpapraktis, gagaling ka rin.”—Bethel.

  • Si Isaac.

    “Makinig nang mabuti habang nagsasalita ang kausap mo. Tingnan siya. Tumango kapag kailangan at ngumiti. Naa-appreciate ng mga tao kapag nakikita nilang pinapakinggan sila.”—Isaac.

  • Si Kate.

    “Dati ninenerbiyos ako kapag nakikipag-usap. Minsan nararamdaman ko pa rin iyon. Pero nakakatulong talaga kapag nagpopokus ako sa kausap ko at hindi sa kaba ko.”—Kate.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share