alfa27/stock.adobe.com
Aalisin ni Jesus ang Krimen
Alam ni Jesus ang pakiramdam na mabiktima ng krimen at kawalang-katarungan. Pinaratangan siya, ilegal na binugbog at nilitis, at hinatulan ng kamatayan. Wala siyang ginawang mali, pero kusa niyang ibinigay “ang buhay niya bilang pantubos na kapalit ng marami.” (Mateo 20:28; Juan 15:13) Bilang Hari ng Kaharian ng Diyos, malapit na niyang bigyan ng katarungan ang lahat ng tao at permanenteng alisin ang krimen sa buong mundo.—Isaias 42:3.
Ganito ang sinasabi ng Bibliya na magiging kalagayan ng mundo kapag kumilos na si Jesus:
“Ang masasama ay mawawala na; titingnan mo ang dati nilang kinaroroonan, pero hindi mo sila makikita roon. Pero ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at mag-uumapaw ang kanilang kaligayahan dahil sa lubos na kapayapaan.”—Awit 37:10, 11.
Paano natin maipapakita ang pasasalamat natin sa mga ginawa at gagawin pa ni Jesus para sa atin? Ang isa sa puwede mong gawin ay pag-aralan ang tungkol sa “mabuting balita ng Kaharian ng Diyos,” na ipinangaral niya. (Lucas 4:43) Basahin ang artikulong “Ano ang Kaharian ng Diyos?”